"Oo naman, pero mas pwede kung..." Pabiting sabi ni Jharylle tsaka ngumiwi.
"Alin?" Tanong ko.
"Mas pwede kung sa'kin ka." Sagot niya. Nagngiwian naman kaming lahat dahil sa kabaduyan niya, nakakuha pa siya ng ilang palatok sa mga kasama namin.
Natawa naman kami dahil sa kakulitan nila, pati si lola nakisali na rin.
"Alexis... si tita na lang muna ang bantayan mo, mas kailangan ka niya ngayon." Sabi ni Eiya, tinapik pa ang balikat ni Alexis.
Tumango si Alexis. "Kaya niyo ba dito bukas?" tanong niya.
"Ako na ang bahala sa kanila para hindi sila magpasaway." Si lola ang sumagot, mas natawa naman kami. Parang takot na takot kasi siyang gumawa kami ng kalokohan bukas.
"Ayon na ha? okay na tayong lahat do'n, bukas ha?! Tayong lahat dapat." Pag papaalala ni Alzhane.
Nagsihiyawan naman ang mga abnoy, yung kaninang tahimik na lugar, biglang umingay dahil sa presensiya nila. Parang may gyera bawat bangayan nila lalo na si Trina, Xavier at Vance, hindi mo mapipigilan ang mga dila nila.
"Bukas na lang po tayo mag umpisa, la, late na po, kulang sa oras." Sabi ni Adriel.
"Oo nga eh, pero salamat pa rin sa inyong pagpunta, malaking bagay na ito para sa akin." Sagot ni lola.
"Teka nga, nasa'n si Maren?" Tanong ko, kanina ko pa kasi napapansing wala siya sa paningin namin, hindi ko naririnig ang mga tawa at bungisngis niya.
"Ayowwwn!" Turo ni Xavier.
Lumingon ako do'n sa tinuro niya, napasapo na lang ako ng noo, nakita ko kasi ang bata na nakaupo sa lapag kasama si Mavi tsaka si Kenji, may hawak siyang siyanse, tapos ang dalawang abnoy may hawak na kawali at kaldero.
Napapahiya akong tumingin kay lola na nakangiting pinagmamasdan ang tatlo. Hindi na lang ako nagsalita, mukhang okay lang naman sa kaniya ang kakalatan nung tatlo.
"Osiya, bukas na tayo magbukas, magsasara na tayo, pupunta pa ako ng hospital." Sabi niya.
"Tutulong na lang po kami, la, para mabilis." Sabi ko.
Gano'n na nga ang nangyari, kaniya-kaniya kami ng dampot ng walis, pamunas, at kung ano-ano pang bagay na pwedeng iligpit, inayos na rin namin ang mga lamesa at bangko. Naglagay pa kami ng mga maliit na halaman bawat lamesa, plantita rin pala si lola kaya marami siyang nakasabit na halaman, pumayag naman siyang gamitin namin ang mga 'yon.
Pagkatapos naming maglinis, nagpaginga lang kami saglit, pinag uusapan pa nga namin ang pwedeng gawin para bukas, may isa pa ngang nagsabi na kung ayaw pumunta ng costumer dito, kami ang pupunta sa kanila o kaya naman daw manghihila kami ng costumer sa labas, sapilitan na raw, napailing na lang ako dahil sa kalokohang 'yon. Umuwi na rin kami pagkatapos no'n.
————————————————
TRINA'S POV
Palabas na kami ng karinderya nang may humila sa braso ko. Kinilabutan ako dahil do'n.
Waaaaah! Wag po! Don't me, pleassse! Gusto ko pang mabuhay!
"Wag!" Wala sa sariling sigaw ko.
"Luh, inaano kita?" Tanong nung may hawak na braso sa 'kin lumingon ako at agad ko siyang hinampas. Si Jharylle pala.
"Bwisit ka! Akala ko naman kung sino!" Inis na sabi ko sa kaniya.
"Bakit, may iba pa bang tao rito kung hindi tayo-tayo lang din?" Tanong niya.
"Ano, bakit? Para saan at hinila-hila mo 'ko?" Tanong ko. Nakakinip namang kausap neto, napakatagal sumagot, inuna pa ang pagpapacute, mukha naman siyang butiki.
"Ano na? Hanggang smirk ka na lang d'yan, hindi kana sasagot?" Sarkastikong tanong ko.
Nilingon ko ang nga kasama namin, nando'n na sila sa may harap, nagkukwentuhan pa ang iba, ang iba naman parang may hinihintay.
Teka, baka ako na 'yon, epal kasi 'tong hudlong na mukhang butiking kinulang sa langaw na 'to eh.
"Anong iluluto natin bukas?" Halos masamid na 'ko sa sarili kong laway dahil sa tanong niya.
"‘Yon lang?" Tanong ko, tumango siya, wow ah, napakatagal niya namang pinag isipan yang tanong niya.
"Ikaw na ang bahala, kung anong kaya mo, 'yon na lang." Walang ganang sagot ko.
"Marunong ka ba nung chicken lollipop?" Tanong niya. Tumango naman ako. Ang dali lang kaya no'n 'no. "Eh yung sisig?" Tanong niya, umiling ako. "Ako, marunong magluto no'n hehe."
"Hindi ako tinatanong." Masungit na sabi ko. "I can cook kare-kare." Sabi ko.
"Oh, e 'di iluto rin natin bukas 'yon, isa pa, para tig dalawa tayo."
"Pancit habhab, pang miryenda 'yon."
Tumango siya, hinila niya 'ko papalapit kay lola para sabihin ang mga gusto naming lutuin para bukas. Oh diba bongga parang chef Trina lang ang peg. Nakakaexcite. Bongga 'tong plano ni Yakie ah, grabe!
Buong puso namang um-oo si lola, siya na lang daw ang mamalengke para do'n. Pagkatapos no'n ay lumabas na kami, pero natigilan din ako kaagad nung may makita akong grupo ng mga lalaki.
Nakablack shirt, black pants, may jacket na black, may hinihithit pang sigarilyo habang nakasandal sa mga motor at kotse nila, nasa bahaging madilim sila kaya hindi sila masyadong halata.
Ewan ko kung tama ang nakikita ko o nag hahallucinate lang ako, parang ang sama kasi nilang makatingin samin, at derestong-deretso pa ang tingin na 'yon ah, nakakatakot, nakakakaba. Nung magtama ang paningin namin nung isa ay bigla siyang ngumisi, kinilabutan ako kaya nag iwas agad ako ng tingin.
"Sino ang mga 'yon?" Bulong na tanong ko sa sarili ko.
Anong pakay niyo o... sino.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Подростковая литератураPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 46
Начните с самого начала
