"La, magdadagdag kami pa ah?!" Paalam ni Adriel.

"Anong idadagdag niyo?" Tanong ko.

"Ihawan, masaya 'yon!" Si Timber ang sumagot.

Tumango ako at hinaplos ang baba ko. "Pwede."

"Pwede sana iyon, ang kaso kulang ang badyet namin, pasensiya na." Sabi ni lola.

"Hay nako Lola Nersiles! Hindi kana iba sa 'min, kami ng bahala sa inyo." Kinindatan ni Maurence si lola.

"We'll take care of it, La. " Sabi ni Elijah, ngayon ko lang napansin na nagsalita si Elijah ah, kanina pa siya tahimik habang nakasandal sa pader, ano bang bago do'n?

"Hindi na, nakakahiya naman, ang dami niyo ng naitulong sa 'min." Pagtanggi ni Alexis. "Ang karinderya na lang ang asikasuhin natin." Dagdag niya.

"Don't worry about that, we'll handle everything." Seryosong sabat ni Kayden kaya kaming lahat napalingon sa kaniya.

Seryosong seryoso ang mga mata niya, kung makapagsalita siya ngayon, yung akala mo naman bilyones na halaga ang ilalabas mo para sa negosyong 'to. Pero masaya ako 'no atleast nakakatulong kami.

"Salamat, maraming salamat sa inyo." Nakangiting sabi ni lola habang yakap yakap siya ni Alexis.

"So, tapos na ba?!" Tumango kami bilang sagot sa tanong ni Hanna. "Anong plano talaga?" Dagdag niya, napa 'hayyyy' na lang kami dahil do'n.

"We are planning to sell barbecues, we will also open the 'fishballan' as well as this karinderya." Mapagpasensyang sagot ni Elijah, natawa pa kami dahil sa sinabi niyang 'fishballan' parang ang arte niyang magsalita at the same time seryoso.

"So, what up, whatatawat sa fishballan?" Tanong ni Kenji na nakaapron.

Lintek na bata 'to, sa'n na na naman siya nagsususuot at sa'n niya nakuha 'tong suot niya? Ang pakealamero talaga, jusme, kailan ba 'to matututong magpirmi sa isang lugar?

"Ha?" Tanong nila, maging ako hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Ang sabi ko, anong meron sa fishballan?"

"Fishball malamang." Sarkastikong sagot ni Alzhane.

"May kwek-kwek rin, may kikiam, may eggball, may hotdogs, may squidball, at may juice rin do'n, bobo!" Kenji fired. Hinampas naman siya ni Alzhane dahil do'n. "Jokelokey lang hehe." Bawi niya.

"Ako na ang bahala sa mga ingredients para sa mga ulam." Sabi ni lola. Hindi na kami nakipagtalo sa kaniya.

"Kami na po ang bahala sa fishballan saka sa ihawan." Kumindat si Xavier.

"Sige, ikaw ang bibili ng lahat ng ititinda." Nakangiwing sabi ni Aiden sa kaniya.

"Anong ako?!" Agad namang sabi ni Xavier.

"Sabi mo, ikaw na ang bahala, edi ikaw."

"Ang sabi ko, KAMI hindi AKO." Paglilinaw ni Xavier.

"Sinong kasama mo aber?" Sabat naman ni Eiya.

"Kayo."

"Hindi ah."

"Lola Nersiles oh." Pagsusumbong niya.

"Tsh." Singhal ng kung sino.

"So, gan'to 'yan, kami nina Eiya, Kenji, Asher, at Timber, sa fishballan kami. Sina Trina, Jharylle, Hanna, Mavi, at Maurence, sa karinderya kayo. Sina Hanna, Alzhane, Kayden, Adriel, Aiden, at Elijah, sa ihawan kayo. Pwede ba 'yon?" Tanong ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now