"Ha? Yuck, niluluto niyo ang mga babae, gross." Nandidiring sabi ni Kenji, pati si Hanna napangiwi na lang, nandidiri man ang mukha nila pero hindi mo maalis ang kainosentahan ng utak nila.
"Hep! Hep! Hep! Tama na nga 'yan, ano-ano nang pinagsasabi niyo d'yan." Sabat ko, hinawi ko pa ang hangin gamit ang dalawa kong kamay.
Kung hindi ako sasabat sa kanila, hindi na sila matatapos sa kakatawa, kakapang asar, at kakadaldal. Baka kung saan pa mapunta ang pinag uusapan nila. At baka hindi na kami makapag umpisa.
"Hija... ano nga ulit ang iyong pangalan?" Tanong ni lola habang nakatingin sa 'kin.
"Heira po lola."
"Kaygandang pangalan. Ano nga ulit ang iyong sinasabi kanina?" Tanong niya. Napagitla ako, ayan na na naman.
"Lola ano po kasi... pwede po ba tayong magdagdag or maglagay ng bagong putahe sa menu niyo?" Napapahiyang tanong ko.
"Aba eh oo nga ah 'no?" Tumango siya. "Baka sakaling maging buhay ulit itong karinderya si Alecia."
Nagliwanag ang mukha ko. "Talaga po?"
"Oo naman, bakit hindi?"
"So... marunong ba talaga kayong magluto?" Tanong ko ulit kina Trina at Jharylle na nagbabangayan pa ngayon.
"Yes!" Sagot nila, sabay pa.
"Gaya-gaya!" Nag make face pa si Trina.
"Tsk." Singhal na lang ni Jharylle.
"Anong oras po ba kayong nagsasara, la?" Tanong ko.
"Mga alas nuebe ng gabi, dito kasi naghahapunan ang ibang taga baranggay namin." Sagot niya.
Napaisip naman ako, alas singko pa lang, kung magluluto naman kami ngayon, baka hindi maubos. Ang sabi nga nila kanina, matumal ang benta, hindi pa namin napaghandaan 'to. Mahihirapan kami sa oras, isa pa, baka kulang ang mga ingredients.
"Late na po pala 'yon..." Pabulong na sabi ni Eiya.
"Masyado tayong gahol sa oras kung magluluto tayo ngayon." Pamomoblema ko.
"What if... balik tayo bukas o kaya sa sunday? Right? Weekends, walang pasok." Suggestion ni Alzhane.
"Oo nga, ano game kayo?" Tanong ni Trina sa mga kumag, nakathumbs up pa siya.
Um-oo naman sila, excited pa nga silang lahat, akala mo naman mall ang pupuntahan namin. Syempre ayos lang sa lahat ang bumalik bukas pwera lang kay Kayden pero no choice siya dahil sa pamimilit sa kaniya ng mga kaibigan niya. Tumango na lang siya tsaka bumuntong hininga.
"Oh, pa'no ba 'yan, okay naman pala tayo eh." Ani Asher.
"So... anong gagawin namin?" Tanong ni Jharylle at dinuro si Trina.
"Magluluto." Simpleng sagot ko. Ano pa bang gagawin nila dito kung hindi magluto.
"Anong iluluto namin?" Tanong ni Trina.
"Depende sa inyo, kung anong kaya niyo at alam niyo, 'yon na lang. Ayos lang po ba 'yon lola?" Baling ko kay Lola Nersiles na nakangiting nakatingin sa'min.
"Oo naman, hanggat kaya niyo, bakit hindi?" Sagot niya.
Inakbayan siya ni Alexis. "Yon! Ang supportive kong lola."
"Manahimik ka diyan, mabigat ang iyong braso, tanggalin mo na kung maaari, nakakangawit, apo." Reklamo ni Lola pero hinalikan lang siya sa pisngi ni Alexis habang nakaakbay.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 46
Start from the beginning
