"Ha? Ano kamo? Kaklase? Ang akala ko ay kapatid siya ng isa sa inyo." Nagugulat na tanong ni lola.
Naiintindihan ko siya, sino ba naman kasing maniniwalang kaklase namin 'tong singkit, pandak, maputi, medyo payat at japenese na kinse anyos na 'to?
"Accelerated po, nailipat sa grade 11." Si Maurence ang sumagot.
"Can we start now?" Sabat ni Kayden, nakasandal siya sa isang lamesa, nakacross arm at parang naiinip na tinititigan ang cellphone.
"Sigurado ka na bang magtatrabaho ka, Alas?" Natatawang tanong ni lola.
Para namang naging pamilyar sa 'kin ang tawag na 'yon ni lola, parang narinig ko na o nabasa ko na dati 'yon, hindi ko lang talaga maalala.
Alas...
"Lola..." Parang nanaway na sambit ni Kayden, napakamot pa siya ng noo.
"Osiya, siya... sasabihin ko na lang ang dapat niyong gawin." Pagsusuko ni lola.
"La... wala namang pumupunta rito ngayon sa karinderya eh, matumal na." Napakamot na lang sa ulo si Alexis tsaka yumuko, problemado, dismayado.
"Oo nga, pero tiwala lang, magiging ayos rin ang lahat." Pagpapalubag loob ni lola sa kaniya.
"Sinong marunong magluto sa inyo?" Tanong ko, masyado na kasing lumulungkot ang mood ng mga kasama ko, iniba ko na ang usapan.
"Ako! Me! Ako... ako!" Patakbong lumapit sa 'kin si Trina na nakataas pa ang isang kamay.
"Talaga lang ah..." Bulong ni Vance.
"Baka nga sunugin mo lang ang niluluto mo." Pangngantyaw ni Xavier sa kaniya.
"Baka kamo maalat o kaya matabang!" Gatong naman ni Kenji.
Hay nako, kapag silang tatlo talaga ang nagsama-sama walang titino, walang maayos na mangyayari, puro kalokohan ang pinapairal sa ulo. Napailing na lang ako.
"Ah... lola... may ano.. yung ano..." Napakamot ako sa ulo ko.
Pa'no ko ba sasabihin ang gusto kong sabihin. I mean, oo may bibig ako pero parang pinipilipit ang dila ko. Gusto ko sanang i suggest na maghanda ng ibang putahe, baka sakaling magustuhan ng mga tao.
Pero kasi baka maoffend sila, baka isipin nilang nangengealam ako... sa mga dapat na gawin dito sa karinderya nila. Sino ba 'ko diba?
"Ano 'yon, apo?" Tanong ni lola.
Parang hinaplos naman ang puso ko dahil do'n, para akong natutunaw. Ang sarap pala sa pakiramdam na tawagin kang 'apo'. Buong buhay ko, hindi ako nakarinig ng gano'n, buong buhay ko wala akong nakilalang nakakatanda sa 'kin, buong buhay ko hindi ko kilala ang lola't lolo ko.
"I can also cook." Singit ni Jharylle.
"We?" Nagmake face pa sina Kenji, Vance, Xavier, Mavi, isali mo pa si Maurence, nakapatong pa ang bawat isang braso sa balikat ng isa't isa.
"Anong putahe bang alam mong lutuin, 'dre?" Naghahamong tanong ni Xavier.
"Marami." Taas noong sagot ni Jharylle.
"Natikman mo na ang luto mo?" Tanong naman ni Vance.
Isa ring abnoy 'to eh, malamang sa malamang natikman niya na, siya ang nagluto eh, syempre tatanyahin niya ang lasa ng niluluto niya. Aning.
"Ofcourse."
"Ah, akala ko kasi babae lang natitikman mo." Sabi ni Vance, nakipag appear pa siya kay Xavier tsaka sila nagtawanan.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 46
Start from the beginning
