"Kuya... bad." Pagsaway si Maren, napatingin naman si Kayden sa kaniya, nag aalala na ang mga mata niya, parang gusto niyang magpasorry sa bata.

Si Maren lang pala ang katapat mo eh.

Bigla yatang nawala ang inis ko sa kaniya dahil sa itsura niya, kahinaan niya rin pala ang mga baby, well sino naman hindi?  Napatawa na lang ako.

"Ano?" Natatawang tanong ko, sumama naman ang mukha niya, dahil do'n mas napatawa ako.

"Fine. I'll go with you." Pagsuko niya, mas nabuhayan naman ako.

Bwahahaha.

Ay teka bakit ba nagsasaya ako, dapat hindi diba? Kasi ng hindi kami pwedeng magkalapit no'n, parang tubig ako tapos apoy siya, kapag napaglapit kami mamatay siya.

Syempre dapat siya ang matalo, alangan ako? Kaniya-kaniya 'to ng imagination.

"YESSSS!" Hiyawan ng iba, nilapitan pa nila ako tsaka nakipag appear.

"Ang galing mo do'n!"  Gumigiling na sabi ni Trina.

Para siyang bulate.

"I'm so proud of you." Sabi naman ni Hanna tsaka niya 'ko niyakap.

"Bakit?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

"'Coz, you made him surrender."

Napailing na lang kaming lahat

Eeeeish! Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa babaeng 'to.

"Surrender si Master! Ayahaaay!" Panggagatong ni Xavier tsaka tumawa ng malakas.

Nahinto lang sila sa ginagawa nila nung nagpaunang lumakad paalis si Kayden habang buhat-buhat si Maren.

"Tara na!" Pang aaya ni Alexis, sumenyas pa.

Naglakad kami papuntang gate sa likod kung nasa'n ang parking lot. Syempre hindi sila natigil kakadaldal habang naglalakad kami, kung ano-anong pang aasar ang ginawa nila kay Kayden. Nakikitawa naman ako dahil sa mga pinagsasabi nila.

"Tatlong sasakyan na lang ang dalhin natin, balik na lang ulit tayo dito mamaya." Suhestyon ni Asher.

"Oo nga, sayang ang gas." Gitil naman ni Vance.

"Ikaw!" Turo ni Lucas kay Kenji, "maglakad ka na lang." Pambubwisit niya, sumimangot naman ang bata at kumapit sa 'kin ng mahigpit.

"Yakie oh." Pagsusumbong ni Kenji sa 'kin. Umiling na lang ako.

"Ewan ko sa inyo, basta sa kotse ako ni Asher." Agad namang lumingon si Asher sa 'kin dahil sa sinabi ko. "Diba!" Tinanguan ko siya.

"Ofcouse. Why not diba?" Pagsang ayon niya agad.

Agad namang lumapit sakin si Kenji at Eiya, malamang body guards ko nga sila diba, hindi aalis ang mga 'to sa tabi ko.

Nag usap usap pa sila kung kanino sasakay ang bawat isa. Ang ending, limang sasakyan ang ginamit namin, actually dapat apat lang eh, ang kaso ayaw magpasakay ni Kayden sa kotse niya, napakaramot.

Kasama namin sa kotse si Eiya, Kenji, Asher tsaka si Vance. Buong byahe namin maingay dahil sa bangayan ng mga kasama ko, natatawa na lang si Asher sa kanila, minsan nga naghahampasan pa sila, buti na lang talaga nasa front seat ako.

Nung makarating kami kina Alexis, tuwang-tuwa ang mga kasama ko, akala mo naman ngayon lang nakakita ng karinderya, ang iingay nila.

"Lola... 'andito na po kami." Tawag ni Alexis nung makapasok kami sa kanila.

Lumabas naman sa kusina ang lola niya at nilapitan kami, nagmano pa kami isa isa.

"Hi lola..." Kumaway ako.

"Grandma!" Sabi ni Kenji at patakbong niyakap si lola, muntik pa silang matumba buti na lang inalalayan siya ng iba.

"Ano ba!" Sayaw nila.

"Sorry hehehe."

"Ah.. lola, tutulong po sila dito." Nakangiting sabat ni Alexis.

"Aba eh, salamat kung gano'n."

"Hi Auntie." Bati ni Trina, nakipagbeso pa.

"Yuck! Maka auntie wagas." Panggagatong ni Vance.

"Inaano kita?!" Inis na sigaw ni Trina sa kaniya.

"Ang ingay mo naman!" Reklami ni Xavier, hawak pa ang tenga.

"Ay wow, nagsalita ang tahimik." Sarkastikong sabi ni Trina

"Talaga!" Taas noong sagot ni Xavier.

"Ay we? Coming from you!" Sumali na si Eiya sa kanila.

"Di mo bagay 'te." Sabi naman ni Vance binato pa ng maliit na papel si Trina.

"Anak ka naman ng tu—!"

"Apo... hindi mo naman sinabing maiingay na tindera ang iyong nakuha..."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now