Matinding pagpipigil ang ginawa ko, kinuyom ko ang mga palad ko, pilit kong kinakalma ang sarili ko, yumuko ako saglit para mabawasan ang inis ko.

Nag angat akong ng tingin pagkatapos no'n, nagcross arm ako at seryosong tumingin sa kaniya. Buong akala ko ay magsosorry siya, at titigil na pero hindi, mali ang akala ko.

She was also standing in front of me while also crossed arms, she was also looking at me very seriously.

Tumaas ang isang kilay ko, para ipakitang hindi ko nagustuhan ang ginawa at ginagawa niya. Hindi ko inaasahang gagayahin niya 'ko

Humakbang ako papalapit sa kaniya, humakbang din siya hanggang sa dalawang hakbang na lang ang layo namin sa isa't isa.

Mapait akong ngumiti at umiling-iling, she always makes me annoyed with what she does.

Nang iinis talaga siya.

"What now?" I asked.

Tumaas pa lalo ang kilay niya.

"At sa'n ka pupunta?" She asked.

Ngumisi ako. "Wala ka na do'n." I answered.

"Nagtatanong ako ng maayos." Pinalalakihan niya 'ko ng mata.

She looks like tarsier. Kulang na lang ay isabit siya sa puno para magmukha siyang gano'n.

Ngumisi ako. "Bakit? Gusto mong sumama?" Nakakalokong tanong ko.

Peke siyang tumawa. "Asa ka naman."

"Why? I'm just asking." Nagkibit balikat ako.

I saw how her mood changed immediately. Ang kaninang patawa-tawang itsura niya ngayon naging malamlam na. Nagsalubong ang mga kilay niya, kinuyom niya ang mga palad niya at nag iwas ng tingin, may binulong-bulong siya pero hindi ko maintindihan.

Bumuga siya sa hangin at mas lumapit sa 'kin, ngumisi siya pero hindi niya nagawang itago ang pagkainis niya ngayon.

I heard the whispers of others.

"Parang tanga si Yakie sa ginagawa niya."

Natawa naman ako.

"Hayaan niyo, may eksena na naman ang babaita."

"Sa tingin mo ba, mapapayag niya si Kayden?"

Mapapayag saan?

"I don't think so. Mukha nga silang aso't pusa."

"At ang aso't pusa hindi pwedeng ipagsama dahil paniguradong world war three na."

Over acting. Psh!

Lumapit pa siya lalo sakin, sinunggaban ko naman siya kaya agad siyang ngumiwi at napaatras, sobrang atras. Para naman siyang nakakita ng multo sa ginawa ko. I'm just pissing her off.

"Muntik na yown!"

"All one!"

"Sayang naman, umatras."

"Wala mahina."

"Bato bato pik."

Narinig kong sinasabi nila, hindi ko sila nilingon pero alam kong nanonood sila sa bangayan namin netong Heira na 'to. I also know that they're smirking.

"May sasabihin ka ba?" I asked. Hindi na kasi siya nagsalita, mukhang kinabahan dahil sa ginawa ko. Ngayon lang ba nangyari sa kaniya 'yon? Sa bagay mukhang single siya since birth, walang ka alam-alam sa mga ginagawa niya. "Kung wala, aalis na 'ko, you are wasting my time." Dagdag ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now