Dati na naming nakasama si Shikainah dahil kay Xavier, mabait, masayahin at palangiti siya pero nawala lahat ng 'yon nung magbreak sila ni Xavier. Kung anong dahilan no'n ay hindi ko alam.

"Anong oras na, nagpapakasasa pa rin sila sa labas!" Biglang sigaw ni sir.

I just looked at him without emotion,
I know now that he was annoyed because the others were a few minutes late.

Hindi siya nagdiscuss, nakaupo lang siya, nakapatong sa table ang pinagsiklop na mga kamay niya. May sinasabi siyang kung ano-anong panenermon at pang iinsulto sa iba. Hindi ko na lang pinansin 'yon, lagi ko namang naririnig ang mga salitang 'yon galing sa kaniya.

Mga 20 minutes bago sila dumating, tumatakbo pa sila, mukhang nagmadali sila papasok. Kaya ayun sermon ang inabot nila kay sir Raquesta. Nakakuha pa kami ng isang mabilisan at mahabang quiz.

After that, after that, a teacher came in with us again, she played with Maren for a while before she decided to discuss the lesson to us.

Sa kalagitnaan ng pagkaklase, nakita kong binigyan ni Heira ng chocolates si Maren. Nakita ko rin siyang masimpleng umiinom ng chuckie, tinatago niya 'yon sa ilalim ng table.

A smile came out of my face, I saw how Heira took care of others especially Maren, they really look like siblings, they look cute.

Napansin ko lang na mahilig sa chuckie si Heira, pangbatang inumin.

Dismissal.

Nagtataka ako kung bakit hindi pa sila umuuwi, ang normal kasi na araw kapag gan'tong oras na, magsisiuwi na  kami. Iba 'to, nasalabas lahat sila, nakasandal sa railings mukhang naghihintayan.

Where the hell were you going?

Nagkibit balikat na lang ako, I had no idea where they were going or what they were going to do. Nilampasan ko na lang sila, lalabas yata silang lahat eh.

Wala naman akong balak sumama sa kanila, kung gang fight pwede pa, kung pupuntahan namin si Natalie pwede pa, pero kung magtatawanan lang kami wag na lang.

Nakakailang hakbang pa lang ako nung tawagin ako ni Heira.

"HOY!" She shouted pero hindi ko siya nilingon.

Manigas ka d'yan.

"Sumama ka samin aba! Para sa kaibigan mo 'yon!" She shouted again, I chuckled when I think about how she looks again when she's annoyed.

Wait- What? Sinong kaibigan? And para saan daw?

"Anak ka naman ng tupa oh! Hoy!" Naramdaman ko ang pagsunod niya sakin, pero hindi ko na pinansin, nagtuloy-tuloy na lang akong maglakad.

But...

"KAYDEEEEEN!"

Parang napanting ang tenga ko dahil sa sigaw niya na 'yon, ang sakit sa tenga, nakakairita.

I stopped walking, dahan-dahan akong lumingon, nakaramdam ako ng inis dahil sa sigaw niya, pwede namang makiusap ng maayos.

"WHAT THE HE—!"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nung may tumamang bagay sa mukha ko, sa mismong mukha ko pa talaga.

"Sapul!"

"Ayahaaay!"

"Wala ka pala 'dre eh!"

"Si Heira lang katapat!"

"Target spotted."

They teased. I even heard them laughing. And of course I know whose voice they are.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now