"We're bullies, yes, that's right, but we're just teasing, we don't get to the point where we hurt others physically." Seryosong sabi ni Elijah, hindi siya nakatingin samin, tulaley siya sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip.

Ga'no kalalim kaya 'yon? Pwede bang sisirin 'yon?

"Eh, ano ngang kinalaman no'n sa pagiging anti niyo sa acquittance party?!" Parang nawawalan na ng pasensyang sabi ni Eiya, kumunpas pa sa ere.

"Can't you wait? Are you in a hurry?" Madiing tanong ni Elijah, inirapan lang siya ni Eiya.

"Kasali kami lagi sa mga activities dati, but one day, nagkagulo no'n sa isang activity, nakalimutan ko na kung ano 'yon, nagkagulo malapit sa table namin. Suntukan, rambolan." Pambibitin ni Mavi, sumuntok pa sa ere ng ilang beses, akala mo naman siya yung nambubugbog do'n sa nangyari.

"Ayun, may na hospital no'n, campus crush ika nga nila, kamalas malasang naitulak pala namin siya, eh dinaganan kasi si Ace eh, tinatanggal lang namin, binuhat gano'n." Pagpapatuloy ni Lucas.

"Oh, tapos, anong kasunod?" Excited na tanong ni Hanna.

"And then nawala bigla yung mga may pakana, so kami ang napagbintangan no'n, kinausap kami ni dean pero hindi kami umamin, hindi naman namin kasalanan 'yon." Sabi ni Aiden.

Napatango ako. Oo nga naman, tama lang naman ang ginawa nila, bakit nga naman sila aamin sa isang kasalanang ginawa ng iba at binintang lang sa kanila.

Very good kayo d'yan.

At isa pa, bakit sila yung pinagbintangan? Hindi man lang ba nagsalita yung lalaking sinabing binuhat nina Alexis? Party 'yon, sigurado akong may nakakita sa nangyari. Pwede naman nilang tanungin ang mga nakakita no'n, bakit agad silang nambintang?

Tsk!

"Even though it's not really our fault, we're the ones taught by other students, so ... what happened, the dean scolded us." Xavier said. Umiling-iling pa siya na may kasamang mapait na ngiti.

Eh, sinungaling naman pala yung ibang students dito eh.

Pwede naman nilang sabihin ang totoo ro'n eh, mukhang may galit talaga ang mga ibang students sa kanila, kung wala eh bakit nila ginawa 'yon? Trip lang gano'n?

"So... gano'n na nga ang nangyari, pagkatapos kaming sermunan, binigyan nila kami ng punishment na dapat after the party ay maglinis kami sa buong university, as in buo, whole!" Sabi naman ni Alexis, hinawi niya pa ang hangin sa ere gamit ang dalawang kamay niya, parang sa ginawa niya pinakita niya na ang buong B.A.U.

Buo? Nakakapagod naman yata 'yon, sobra naman 'yon ah, dapat ang gumawa no'n eh yung mga nanggulo at nambugbog do'n sa lalaki.

"Kaya ayaw niyo ng pumunta sa mga school parties dahil do'n? Napagod ba kayo kakalinis?" Nakangiwing tanong ni Alzhane, tatawa na sana siya kaso nakita niyang seryoso lahat ng kasama namin.

"Akala namin matatapos na yung issue na 'yon sa araw na mismong 'yon, sabado 'yon, kaso pagkarating ng lunes, hindi pa pala." Anang Asher.

"Bakit naman?" Curious na tanong ko.

May kasunod pa ba no'n ang paglilinis nila? Ano 'yon? One week na community service?

"Hindi pa pala no'n lumabas ng hospital si  Trevor, siya yung binugbog, kahit naman gwapo kami este ako, siya pa rin ang campus crush, tsk!" Parang nanghihinayang pang sabi ni Maurence, hinahamplos-halos pa ang baba niya.

Gwapo? Wow! Maisingit lang.

Napangiwi kami lahat sa sinabi niya.

"You sure, about that?" Nanunuyang sabi ni Elijah.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now