Isa-isa ko silang tinignan habang tumatawa. Dati akala ko talaga si Eiya lang ang magiging kaibigan ko buong school year ko rito sa B.A.U. hindi pala.
Nakilala ko si Kenji na isip bata, si Alzhane na minsan masama ang bunganga, si Hanna na mahinhin pero medyo slow, at si Trina na over acting at maingay, sila ang naging kaibigan ko sa loob palang ng maikling panahon, hindi ko nga inaasahan na magiging malapit kami dahil sa umpisa pa lang talaga ay magkakalayo at magkakahiwalay na kami.
Nakakatuwa lang na kahit hindi pa nila kami talagang kilala ni Eiya ay nakipagkaibigan pa rin sila samin, ang iba kasi ay dapat matagal mo muna siyang kasama bago mo sila kaibiganin, pero iba sila.. ibang iba.
Ngayon heto kami nagtatawanan, naghahalakhakan, sabay na kumakain at nag aasaran. Hindi lang kami nina Eiya, may kasama pa kami na hindi ko inaasahang makakasama namin. Yung mga lalaking na nagpahirap sakin sa unang araw namin sa 23rd section, nangtrip sakin, nang asar at kung ano-ano pa. Yung mga lalaking hindi ko inaasahan na makakabonding namin ng gan'to. Sabi nga nila... expect the unexpected.
"Excuse me."
Natigil lahat ng imagination at pag iisip ko, natutop lahat kami, nagtahimik ang kaninang malakas na sigaw dahil sa boses ni Shikainah na 'yon.
Tumingin siya sakin, nanlaki pa ang mata niya ng makita akong nakasampa kay Xavier, ngayon ko lang ulit napansin na nakapasan pa rin ako sa kaniya.
"Awkward." Bulong ng iba.
Nagulat ako nung bigla akong bitawan ni Xavier, nahulog tuloy ako sa lupa, hindi naman kami mahigpit ang kapit ko sa kaniya, sakto lang 'yon para magbalanse ang timbang ko.
Tumama ang kamay ko sa maliliit na bato, ang sakit din ng pwet ko dahil sa impact ng pagkakahulog ko pero hindi ko na muna pinansin 'yon dahil pinapanood ko 'tong mga nasa harap ko.
Medyo nakatigilid na si Xavier kaya kita ko ang kalahati ng mukha niya, yung mukha niya parang hindi mo maipaliwanag, parang natatae na nanganganak, pinagpapawisan na rin siya.
"Oopsie."
"Patay!"
"Aro!"
"Hala ka."
"More awkward."
Bulungan nung iba, nakita ko si Shikainah na walang emosyong nakatingin kay Xavier habang nakacross arm pa.
"Zycheia pinapatawag ka ni dean." Yon lang ang sabi niya tsaka tumalikod na samin.
Mukhang may something between the two ah.
Wrong move, Heira!
Agad akong nilapitan ni Adriel pagkaalis ni Shikainah, inalalayan niya 'kong tumayo.
Pinagpag ko ang kamay ko, palda pati na rin ang blouse ko. Umayos ako ng tayo.
"Are you okay?" Tanong niya.
Ngumiti ako. "Oo naman."
"Sure?"
Tumango ako. "Sure!"
Lumapit ako kay Xavier, tinapik ko ang balikat niya. "Sorry.."
Lumingon siya sakin. "Ayos lang 'yon!" Masiglang sagot niya pero yung mga mata niya naman nalulungkot.
"Punta lang ako saglit kay dean." Paalam ni Eiya, tumango naman ako.
Bumalik kaming lahat sa lamesa namin, sayang ang pagkain kung hindi uubusin diba? Mahaba pa naman ang oras namin.
Lumingon ako kay Maren na nakakalong sa kuya niya. Naalala ko tuloy yung balak ko.
"Woi! KAYONG LAHAT!" Tawag ko tsaka tumayo.
"Nakakabigla ka naman!" Reklamo ni Vance habang nakahawak sa dibdib niya.
"O.A mo naman, hindi ka naman aatakihin sa puso!" Sabi ni Trina.
"Don't talk to me because I don't talk to you." Mataray na sagot sa kaniya ni Vance.
"Edi don't!" Mataray din na sagot ni Trina.
"So.. what is that?" Tanong ni Lucas.
"Tungkol kay Alexis..." Tumingin muna ako kay Alexis, nanghihingi ako ng permiso niya, tumango naman siya.
"Anong Alexis?" Tanong ni Timber.
"Huwag mong sabihing kayo na talaga?!" Nanghihinalang sabi ni Alzhane.
"Hindi ko matatanggap 'yon!" Nakapamewang na sabi ni Kenji.
"Bakit naman?" Tanong ni Mavi.
"Wala lang, sabi ko, ako dapat persboypren niya eh!"
Umiling ako.
"Baka naman friends lang sila hihihi." Sabat ni Hanna.
"Gan'to kasi 'yan." Sabi ko.
Kinuwento namin ni Alexis ang lahat sa kanila. Mula nga do'n sa pagkakasakit ng mama niya hanggang do'n sa pagtatrabaho niya sa isang construction site. Hindi ko na ikinwento yung tungkol sa pag uusap namin.
"Sad to hear that..." Malungkot na sabi ni Alzhane.
"It's okay." Nakangiting sabi ni Alexis.
"So.. gan'to 'yan." Sabat ko, nakikinig naman yung iba habang kumakain. "Free ba kayo mamaya?"
"Oo naman."
"Yes."
"Ofcourse."
Sabay-sabay na sagot nila.
"Very good!" Masayang sabi ko tsaka tumayo. "Tutulong tayo sa karinderya nina Alexis! Pati na rin sa fissballan!" Deklara ko.
"Uy, ano ka ba, kahit hindi na, ayos lang." Pigil ni Alexis.
"Free kayo diba? Diba.. diba?!" Tanong ko sa iba, hindi na pinansin ang sinabi ni Alexis.
"SYEMPRE!" Sigaw nila.
"Oh, diba!" Kumindat ako kay Alexis.
Kita ko naman ang pagliliwanag ng mukha niya.
"Lahat tayo pupunta mamaya do'n sa kanila!" Sabi ko.
"Sige ba, basta may chicks na makikita!" Mayabang na sabi ni Jharylle.
Binatukan siya ni Xavier. "Ulok! Karinderya ang aasikasuhin natin do'n hindi babae!" Aniya, ngumuso naman si Jharylle.
Tumayo si Trina tsaka nilahad ang kamay niyang nakabaligtad. "Para sa family ni Alexis." Sabi niya, tumayo na rin ang iba.
"Para sa karinderya!" Sabi nina Mavi, Kenji at Aiden, pinatong nila ang kamay nila sa kamay ni Trina.
"Para kay baby Maren." - Vance, Xavier at Timber, gano'n din ang ginawa nila gaya ng ginawa nina Kenji.
"Para kay sa mama ni Alexis." - Hanna, Alzhane at Lucas.
"This is for tita Alecia." - Elijah, Adriel, Maurence.
"Para sa fishballan!" - Asher at Alexis, parehas pang natawa sa sinabi.
Syempre hindi ako pwedeng magpahuli.
"Para sa 23rd Section!" Sigaw ko at pinatong ang dalawa kong kamay.
"Eh, bakit dalawa?" Tanong ni Kenji.
"Kay Eiya yung isa." Nakangising sagot ko.
"OPLAN MAGING TINDERA SA KARINDERYA!" Sigaw ni Hanna tsaka namin hinagis sa ere ang mga kamay namin.
Dizizit pancit.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 43
Magsimula sa umpisa
