May naramdaman akong kaluskos sa likod ko, dali-dali kong nilingon 'yon, tumayo pa 'ko para dumungaw sa likod ng upuan na kinauupuan namin.

At ayun, nando'n ang gunggong, nakayuko pa habang nakaluhod, nagtatago panigurado.

Ngayon alam ko na kung sino ang misteryosong nagbibigay ng kung ano-anong pagkain kay Maren kanina. Sabi na eh! Kaya pala kanina nakikita kong tumitingin sa likod ko ang bata tapos tumatawa, 'yon pala binibigyan na siya ng pagkain.

Nakaluhod pa rin naman siya, hindi niya yata naramdaman ang masamang tingin ko sa kaniya. Nagpipigil ng tawa ang iba nung ituro ko siya, akala niya yata hindi namin siya nakikita, binigay ko si Maren sa kuya niya tsaka dahan-dahang linapitan 'tong gunggong na 'to.

"Sige ka, tago pa." Saktong sabihin ni Mavi 'yon ay unti-unting tumayo si Xavier habang natatawa, nakatakip pa ang mga kamay sa bibig, iniiwasang marinig ang pigil na tawa niya.

Hindi niya 'ko nilingon kaya alam kong hindi niya 'ko napansin, nasa likod niya kasi ako, ang hina naman ng pakiramdam ng lalaking 'to.

Tumayo siya ng maayos, nawala yung mga tawa niya nung makitang nakaharap lahat sa kaniya yung mga kasama namin, nakacross arm habang seryoso ang mukha.

Gusto ko tuloy matawa, yung mga isip bata kasi biglang nagseryoso, hindi bagay sa pagmumukha nila. Tumabingi naman ang mukha ni Xavier, alam kong nakakunot na niyan ang noo niya, nagkibit balikat siya, para bang nagtatanong kung bakit gan'yan ang mukha ng mga nasa harapan niya.

"HULI KA BALBON!" Pagkasigaw ni Jharylle at Vance, agad akong kumilos, lilingon na sana siya pero agad akong patalon na sumampa sa likod niya.

"HUK-!"

Pumasan ako sa kaniya, at kumapit ng mabuti gamit ang isang kamay, ang isang kamay ko naman ay pinaghahampas ko siya.

"Ikaw pala ang nagbibigay kay baby Maren ng mga pagkain na 'yon, bwisit ka!" Gigil na sabi ko habang hinahampas siya.

Iniiwas niya ang katawan niya, pilit niya kong pinapaalis sa likod niya pero hawak niya ang binti ko, siraulo lang?

"A-aray! Ta...tama na!" Tumatawang reklamo niya, iniiwasan bawat hampas ko sa kaniya.

Pinagbabato na rin niya ng iba gaya nung nangyari kay Alexis kanina. Hinarang niya ang isang braso niya sa mukha niya para salagin yung mga binato sa kaniya, ang isa naman hawak pa rin ang binti ko.

Malamang, kapag tinanggal niya 'yon pwede akong mahulog, o kaya naman pwede ko siyang masakal.

"Hinayupak ka! Nagtataka pa naman ako kung sinong gago ang nagbibigay ng mga 'yon, ikaw lang pala!" Sabi ko tsaka ko siya pinitik sa tenga.

Nakadaing naman siya dahil do'n. "Mashakit! Tama na... ouch! Aray ko!" Reklamo niya.

Bahala ka, nanggigigil ako sa'yong hinayupak ka!

"Akala ko nagmagic na ang bata dahil do'n, iniisip ko pa naman kung pinulot niya lang ba ang kinakain niya sa lupa o kaya naman gumapang papunta sa mga pagkain!" Mahabang pagrereklamo ko.

"S-sorry na! Hahaha, ang c-cute niya eh!" Paliwanag niya habang hinihimas ang ulo niya.

Tumigil ako sa kakahampas sa kaniya, humingal na 'ko eh, nakakapagod, pinunasan ko ang noo ko, napansin ko ang pamumula ng tenga at batok niya kaya natawa ako. Malakas na tawa 'yon kaya pati yung iba nagsitawanan na rin, pati si Maren nakihalakhak na akala mo naman ay naiintindihan na ang nangyayari sa paligid niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant