Nag aalala akong tumingin kay Alexis, tumawa siya tsaka tumango. Mas alam niya kung anong pwede sa hindi para sa kapatid niya, syempre siya nag aalaga kaniya 'no.

Pinahawak ko ulit kay Maren ang chips niya, pero hindi pa rin siya tumigil sa pag iyak.

"Shh, heto na oh, hindi na kukunin ni ate, shh." Pang aalo ko sa kaniya, pero wala pa rin.

Wala naman kasing naiintindihan ang bata sa mga sinasabi ko, kinuha ko siya at kinalong. Inupo ko siya sa pagitan ng hita ko, ang kuya niya naman imbis na patahanin ang kapatid niya, tinawanan lang siya kami umiiling pa.

Batukan ko kaya 'tong lalaking 'to?

"Hala ka, pinaiyak mo!" Sabi ni Kenji, pinakita niya pa ang hintuturo niya, parang nananakot.

"Inaway mo 'no?" Tanong ni Mavi.

"At bakit ko naman siya aawayin?" Tanong ko habang nakatingin kay Maren, bahagya kong inaalog ang tuhod ko mukhang gumana naman 'yon dahil tumigil na siya sa pag iyak, kumain na lang ulit.

"Kinuha niya ang pagkain niya eh." Sabi naman ni Alexis tsaka tumawa.

"Masaya ka d'yan?" Nakangiwing tanong ko, kanina pa siya tawa ng tawa, baka naman nakahithit to ng rugby ah.

"Kaya naman pala umiyak eh!" Singhal ni Eiya.

"Pati bata inaagawan mo!" Panenermon ni Trina.

Napakamot na lang ako sa noo ko, ayan nananaman sila eh, naniniwala nananaman sila kay Alexis. Ngumuso ako. Hindi ko naman kasi inagaw kay Maren ang pagkain niya, nilayo ko lang sa kaniya, syempre baby pa siyaz bawal pa siya ng gano'n.

"Ang dami pa naman dito oh." Turo ni Elijah sa mga pagkain sa lamesa, syempre seryoso pa rin siya. Kelan ba 'to hindi magiging seryoso?

"Nahihiya ka bang kumuha, pati bata naman inaagawan mo pa." Parang dismayadong sabi naman ni Timber.

Binato ko siya ng buto. "Hindi ko siya inagawan, sira! Chips ang hawak niya oh! Bawal pa sa kaniya 'to eh! Nilalayo ko lang sa kaniya." Ngumuso ako.

"Ahh..." Sagot na lang niya.

"'Yon naman pala eh!" Sabi ni Vance.

"Anong inaagawan pinagsasabi niyo d'yan?!" Si Asher pa talaga ang nagreklamo dahil sa sinabi nila.

"Sabi niya eh!" Turo ni Alzhane kay Alexis.

Tumawa naman siya. "Ang funny niyo." Sagot niya.

"Anong funny ka d'yan?!" Ani Lucas.

"Funnywalain!" Tsaka siya tumawa ng malakas.

Sinamaan namin siya ng tingin, kaniya-kaniya kami ng dampot tsaka binato sa kaniya.

'Wag mag aalala, maliliit lang naman ang binato namin sa kaniya, may buto, may kanin, may plastic at may disposable cup. Hindi naman siguro siya masasaktan 'no! Lumayo pa 'ko ng konti sa kaniya nung batuhin siya, baka matamaan kami ni Maren, mahirap na baka umiyak ulit siya.

"Teka nga!" Sabi ko at hinawi pa ang hangin. "Nasa'n si Xavier?" Tanong ko, napansin ko lang 'yon kaninang nagbabatuhan sila, kung nandito kasi 'yon sigurado akong nangingibabaw ang lakas ng boses no'n, mangunguna pa sa panggagatong.

"Oo nga! Nasa'n 'yon?!" Tanong ni Kenji.

"Bula yata 'yon eh, nawawala na lang bigla." Angil ni Alexis.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now