Lumapit ako sa paalis na mga kasama ko, humarang ako daanan nila kaya umangat ang tingin nila sakin.

"Eiya..."

"Oh?" Walang ganang tanong niya.

"Sasabay kami sa inyo."

"Huwag na." Agad na tanggi ni Trina.

"Do'n ka na lang sa boyfriend mo o sabihin na nating mapapangasawa mo." Nakangiwing sabi ni Alzhane.

Bumagsak naman ang balikat ko dahil sa sinabi nila eh. Siyang tao lang talaga ang pwedeng magpaliwanag sa kanila eh, para maliwanagan ang isip nila.

"ALEXIS!" Tawag ko, nakikipagkwentuhan pa kasi sila.

"Yes baby?" Tawag niya nung makalapit na siya. Agad ko siyang kinaltukan.

"Baby mo mukha mong bwisit ka! Paliwanag mo sa kanila 'to!" Galit na sigaw ko sa kaniya, lumapit na rin yung iba samin.

"Ipapaliwag ko sa kanila kung pa'no natin ginawa si baby Maren?" Nakangising tanong niya.

"Ay, bakit niyo naman sasabihin sa iba ang labing labing niyo?" Pang aasar din ni Xavier.

"Ganto 'yan, una diba, hinalikan ko
siya tapos—!"

Hindi na natapos ni Alexis ang kalokohang sinasabi niya nung maingat pero pabigla kong binigay sa kaniya si Maren.

Agad akong nagwalk out sa room na 'yon, nag iinit ang dugo ko sa kanila, nakakahigh blood ang mga sira ulong 'yon, ano na lang sasabihin nina Eiya kung pinaniwalaan nila ang sinasabi ni Alexis.

Naiiyak ako sa inis, kanina pa sila ah, hindi sila tumahimik. Puro pambubwisit lang naman ang alam nila. Mukhang bad idea talaga ang ginawa kong tulong sa kaniya.

"HEIRA!"

"YAKIE!"

"HOY!"

"ISHA!"

Sabay-sabay nilang sigaw pero hindi ko na sila pinansin. Naglakad na lang ako ng naglakad hanggang napadpad na 'ko sa tambayan.

Dala ko naman ang bag kong may laman na pagkain pero parang hindi ako gutom, nagpahangin na lang ako do'n.

Buti pa dito presko, mahangin, tahimik. Nakakarelax. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko baka masapak ko yung dalawang 'yon sa inis.

Ilang saglit lang ako nakagano'ng pwesto, nag ingay kasi ang tyan ko, gutom na ang mga alaga ko. Bubuksan ko na sana ang bag ko ng may marinig akong ingay.

Alam kong sila na 'yon.

"Bahala kayo do'n."

"Inaasar niyo pa kasi."

"Kanina pa naiinis sa inyo 'yon."

"Bakit ba kasi kayo naniwala."

"Bakit kasi hindi niyo agad sinabi?!"

'Yon ang boses na narinig ko, pamilyar ang mga boses na 'yon kaya alam kong sila 'yon, the one and only 23rd Section students.

Hindi ko sila nilingon pero alam kong nasa likod ko sila, bulungan na lang nila ang narinig ko, pati bungisngis narinig ko. Hindi pa sila umuupo mukhang tinatantya nila ang mood ko.

"Magpasorry na kayo." Boses ni Eiya.

"Bakit kami?" Sabi naman ni Mavi.

"Sinong nang asar?" Sarkastikong sabi ni Trina.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now