Panay sulyap ko naman sa bata na tuwang tuwa pa at inosenteng pinapaanood kami, nakikinig naman ako kay Ms. Jones, nakakasagot din. Napangiti naman ako dahil sa unang paglakataon nakita kong serysong nakikinig si Alexis sa may harapan.

Nung matapos ang klase ni Ms. Jones, agad na lumapit si Alexis sa kapatid niyang nagdungis na dahil sa pagkain kanina.

Binuhat niya 'yon, lumapit rin naman ako sa kanila para pumasan ng tissue ang mukha ni Maren.

"Ang caring naman ng baby ko." Asik ni Alexis.

"King ina mo, manahimik ka!" Sabi ko tumawa naman siya.

"Yii! Ang sweet naman ng pamilya!" Sigaw ni Hanna kaya lumingon ako sa kanila, sina Eiya naman at Trina, inirapan ako.

"Ayan, bwisit ka kasi eh!" Inis na sabi ko kay Alexis.

"Ano na na naman?" Natatawang tanong niya tsaka kiniliti si Maren.

"Naniwala tuloy silang anak natin si Maren!" Sabi ko tsaka ko siya tinarayan.

"Sorry naman hahaha."

"HA HA HA mo mukha mo! Banatan kita d'yan eh!" Inambahan ko siya pero tinignan ako ni Maren kaya hindi ko na tinuloy.

"Achuchuchu..." Nag baby talk ako tsaka bahagyang kiniliti ang bewang ni Maren, syempre tumawa naman siya.

"Ang ganda ganda naman ng Maren oh..." Sabi ko.

"Kikik bulaga!" Pakikipag laro ko sa kaniya. "Kikik bulaga! Bwah!" Sabi ko, tinatakpan ko pa ang mata ko tapos pabigla kong aalisin 'yon, syempre tatawa si Maren bata 'yon eh.

Ang kaso nung lumingon ako, nagtama ang paningin namin ni Kayden na nakangiti habang nakatingin sakin tapos iiling iling.

Anong nakakatawa do'n?

Lumapit na rin yung iba samin, mukhang gustong lumapit samin nina Trina kaso pinangungunahan ng pride, badtrip pa rin sakin.

"Ayan, bwisit kayo! Ayaw ako pansinin ni Zycheia!" Reklamo ko sa kanila.

"Bwahahaha!" Yon lang ang sagot nila.

"Manahimik nga kayo!"

"Sus! Akala ko kay Lucas ka na eh, Team Alexis ka pala?" Tanong ni Xavier at mas lalong lumakas ang tawa niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin, gaya ng iba, binibwisit rin nila ako, hindi ko na sila pinapatulan, si Maren na lang ang nilalaro ko.

Dumating ang next teacher kaya balik upuan kami. Gaya nung naunang klase, gano'n din ang ginawa namin.

Nung matapos 'yon, lunch break na, agad kong binugat si Maren, wiling wili siyang magpabuhat sakin eh, inaabot niya pa nga ang mga maliliit na kamay niya tapos kapag binuhat ko na bigla niyang yayakapin ang leeg ko. Nakakatuwa siya.

"Sakin na muna siya hehehe." Paalam ko ng akmang kukunin na siya ni Alexis sakin.

Nag eenjoy pa 'ko eh.

"Samin naman siya aba!" Reklamo ni Xavier, lumapit siya samin pero agad kong nilayo si Maren.

"Woi! Hindi mo naman kapatid yan eh!" Ani Timber.

"Pake ko sa inyo!" Tsaka ko sila binelatan.

"Sabay na lang kaming kumain sa inyo." Suggest ni Vance.

"Oo nga!" Pag sang ayon ni Mavi.

"Okay, pero hindi ko na kayo ililibre!" Sabi ko tsaka tumawa.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now