"Yes... Maren is our first baby." Sagot ni Alexis, ang sihiyawan naman ang mga abnoy pwera sa mga kaibigan ko.
Sinamaan ko sila ng tingin. Pero putragis! Hindi sila tumigil, mas nang asar pa sila.
"Ninong ako niyan."
"Tito ninong nga ang tawag sakin ni Maren."
"Ikaw pala ang tinatagong mommy ni Maren ah."
"Buti pala nagkita na kayo."
"Kelan ang kasal?!"
"Next year ang kasal namin." Normal talaga ang tono ng pagkakasabi ni Alexis.
Anong kasal? Sakal you want?
"Sakin kana uuwi ah..." Dagdag niya pa.
Mas sumama ang mukha ko dahil do'n, nakakinis naman kasi, bakit hindi na lang sila manahimik, ako mapapahamak neto eh, anong baby, asawa, mommy ang sinasabi nila?
"Congrats." Malamig na sabi ni Eiya tsaka tumalikod.
Bagsak balikat namang sumunod ang iba, nung makatalikod na sila ay saka ako binitawan ni Alexis at tumawa ng malakas.
Napatingin naman ako kay Adriel at Asher na napapailing na lang, parang gustong batukan ang kaibigan nila dahil sa pinagsasabi niya. Yung kulapo naman, hanggang ngayon seryoso pa rin.
'Wag mong sabihing naniniwala rin siya?
"ASHER!" tawag ko, lumapit naman siya.
"Why?" Tanong niya, inabot ko sa kaniya si Maren, nung hawak niya na ay tsaka ako humarap kay Alexis.
Ngising-ngisi pa ang gago, pinaghahampas ko siya, kinurot ko rin siya, pinalingot ko pa. Naiinis talaga ako!
"A-aray! Arararay! Tama na, t-tama na!" Reklamo niya habang tumatawa.
"Anong mommy ha?!" Sabay hampas. "Anong kasal?!" tapos kinurot niya. "Sakalin kaya kita?!" Sabi ko tsaka tumigil.
Nagsitawanan naman ang mga kaibigan niyang kolokoy, imbis na patigilin ang kaibigan mas kinunsinti pa nila siya.
Hinayupak!
Lalapit na sana ako kina Eiya na hanggang ngayon ay parang masama pa rin ang loob. Ayaw nila akong tignan.
(╥﹏╥)
Nagring na ang bell, katapos no'n ay pumasok na si Ms. Jones. Wala kaming nagawa kung hindi umupo, nanghila na lang ng isa pang upuan si Asher dahil pinaupo ko si Maren sa pwesto niya.
Nakakabilib nga kasi kahit sobrang bata niya pa lang ay marunong na siyang maglakad, tapos marunong na siyang nagsalita ng ilanv words tapos marunong na ring umupo.
Hindi na 'ko nagtaka kung bakit mukhang nagtataka si Ms. Jones habang pinagmamasdan ang katabi kong bata.
"What is a cute kid doing here?" Malambing na tanong niya, lumapit pa siya kay Maren tsaka pinisil ang pisngi niya.
Natawa ako dahil halos madikit na ang dibdib ni Ms. Jones sa mukha ni Asher nung yumuko siya. Todo iwas naman 'tong isa.
"Ah, pwede pong dito muna siya?" Tanong ko.
"Why?"
"Wala pong magbabantay sa kaniya." Deretsong sagot ko.
"Okay, she can be here as long as she does not disturb others and the class."
"Thank you, ma'am." Sagot ko, mukhang pati si Maren ay nakaintindi no'n, humagikgik kasi siya.
Nung umalis si Ms. Jones ay bumalik na siya sa harapan, at nag umpisa ng magklase. Binigyan ko na lang ng pagkain si Maren para hindi gumawa ng ingay, baka kasi bigla siyang umiyak. Hindi naman pinansin ni Ms. Jones 'yon.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 42
Start from the beginning
