Ang puti niya tapos ang haba ng buhok niya, ang sarap suklayin at ipitan ng kung ano-ano. Kutis amerikana siya, maputi! Konti pa lang ang ipin niya kaya nakakatuwa talaga kapag humahagikgik siya, ang cute niya! May dimples siya, ang sarap hawakan ng mga kamay niyang maliliit.

Ma, baka naman. Charot lang. Kay Kio nga sumasakit na ang ulo ko, pa'no pa kaya kapag nadagdagan pa? Okay na 'ko sa ilang araw na maging baby sitter 'no kesa naman sa buong buhay ko.

Nagdala ako ng biscuits, Yakult para kay Maren, Chuckie para sa 'kin, dinagdagan ko na, alam niyo namang may mga isa pa o dalawang bata na nasa room namin. May chips rin tsaka syempre hindi mawawala ang chocolates.

Parang bumilis nga 'yung oras eh, hindi ko na namalayan na nasa parking lot na pala ako.

Nakasabay ko pa nga si Adriel na nakapamulsa pa, pero nagtataka lang ako kung bakit ang sama ng tingin niya sa 'kin tapos napakaseryoso ng mukha niya.

Nakasandal siya sa kotse niya, mukhang may hinihintay, ayokong mag assume pero mukhang ako ang hinihintay niya. Lumapit ako sa kaniya.

"Good morning!" Buong galak na bati ko, kumaway pa 'ko gamit ang dalawa kong kamay, gusto kong pisilin ang pisngi niya kaso baka mabadtrip siya, seryoso nga siya diba?

"Morning." Dama mo talaga yung coldness, shet. Hindi man lang niya naalis sa 'kin ang seryoso niyang mga mata.

"Bad mood ka ata?" Biro ko, pilit na pinapangiti siya, dapat masaya tayo ano ba.

"Kinda." Tipid na sagot niya tsaka lumakad na. Sumunod naman ako, alangan namang tumunganga lang ako.

"Teka! Hoy! Kulang ka ba sa tulog?" Tanong ko, ang bilis niyang maglakad dahil mahahaba ang biyas niya, lakad takbo tuloy ang ginawa ko.

"No." Sabi niya, hindi man lang ako tinignan. Ang sama.

"Ang... ang bilis mo namang maglakad! Hintay! Masama naging panaginip mo 'no?"

"No."

"Eh, ano?!" Sabi ko, mas bumilis ang paglakad niya, nagjojogging na tuloy ako para makahabol sa kaniya, ayos lang, exercise na rin. "Teka lang! Bwisit ka, sabing hintay eh!" Tumakbo ako at hinarangan ang daraanan niya.

Napahinto siya. Hingal na hingal naman ako, nasa harap pa lang kami ng main gate, gano'n kalayo ang parking lot sa main gate, kailangan mong tumakbo.

"What?" Nag iwas siya ng tingin. Mukhang naiinis pa, kunot ang noo niya eh.

"Anyare sa 'yo?"

"Nothing."

"Nothing daw. Eh, bakit ka nagkakaganyan?" Pang aasar ko, ngumisi pa talaga ako.

"Wala."

"Talaga?" Tanong ko.

"Yes!" Napalakas na ang pagkakasabi niya no'n, naubusan na yata ng pasensya sa kakulitan ko, napapahiya akong yumuko na lang.

"Okay." Sabi ko tsaka pumasok ng main gate, hindi ko na siya hinintay, may paa naman 'yon, makakalakad naman siya.

Naramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko, alam kong siya 'yon, bumubulong-bulong eh, sumusunod siya sa 'kin.

"Heira..." Sabi niya pero kunyaring wala akong narinig.

"Yakiesha..." Sa kauna-unahang beses narinig kong tawagin niya 'ko sa second name ko. Pero hindi ko na lang ulit pinansin, nagmadali na lang akong maglakad.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now