Wala akong alam na gawin, masyado nang pagod ang katawan ko sa mga nangyayari.
Kailangan kong maghanap muna ng pansamantalang trabaho, wala si mama sa karinderya kaya kaunti lang customers na kumakain ngayon, masarap kasi magluto si mama, kaso ngayong nasa hospital siya ay si lola muna ang nagluluto roon, hindi sanay ang iba sa panlasa ni lola kaya ayun tumumal ang benta, hindi ko na rin nabuksan ang fishballan namin.

Hindi ko na alam... ang hirap pala kapag walang padre de pamilya na dapat sumusuporta sa inyo... mahirap pero kailangang kayanin.

Lumuhod ako sa kaniya, nagulat naman si Heira sa ginawa ko.

"Tumayo ka nga dy—!"

"Heira, alam kong marami kaming nagawa sayo..." Putol ko sa kaniya.

"Oo nga pero—!"

"Pasensiya na, sorry sa mga 'yon, ako na ang mag sosorry sa'yo."

"Ayos na 'yon, tumayo kana dy—!"

"Alam kong nagmumukha na akong desperado..."

"Alexis..."

"Pero sana..." Sana... umaasa ako.

"Sana ano?"

"Sana pagbigyan mo 'ko..."

"Saan?"

"Alam kong wala akong karapatan na manghingi ng pabor, pero umaasa akong matutulungan mo ako..."

"Anong itutulong ko sa'yo?"

"Hihingi sana ako ng tulong sa'yo..."

"Ano nga kasi 'yon!" Naiinis na yata siya, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko, nakakahiya.

"Tulungan mo sana ako sa mga project at assignments ko." Lakas loob kong sabi.

Hindi ako pwedeng bumagsak, kailangan ko lang ng oras para kay mama.

"'Yon lang?"

"Ikaw na sanang bahalang magpaliwanag sa mga teachers, ikaw na rin ang magpasa." Alam kong sobra na ang hinihingi ko, pero umaasa pa rin ako na sana ay hindi mo 'ko tanggihan.

"Pero kasi—!"

"Nakikiusap na 'ko, Heira. Hindi ako pwedeng bumagsak, ako lang ang inaasahan ng pamilya ko." Do'n na tumulo ang luha ko.

"Baka kasi mahuli tayo ng mga teachers..."

"Please... Nagmamakaawa na 'ko sa'yo." Hinawakan ko ang kamay niya. "...Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa'kin."

"Mahirap ang hinihingi mo, mapapahamak ako kapag nagkataon..."

Parang nanlumo ako sa sagot niya, hindi ko siya pwedeng pilitin dahil desisyon niya 'yon, nagbabakasali lang talaga ako, desperado na kung desperado, eh anong magagawa ko? Mahirap lang kami.

"Sige, Heira, hindi naman kita pinipilit. Salamat sa oras." Ngumiti ako ng pilit at tumalikod na sa kaniya, nag uunahan ng lumabas ang mga luha ko. Nakakabading pero hindi ko na kasi maitago ang emosyon ko.

"Alexis!" Tawag niya ulit, doon na 'ko nabuhayan ng pag asa.

"Bakit?"

"Sige, payag na 'ko, pero hanggang sa kaya ko lang." Sabi niya, napaatras siya ng patakbo ko siyang niyakap.

"Salamat, salamat, maraming salamat! Tatanawin ko to na isang utang na loob, salamat, Heira." Aniko tsaka humigpit ang yakap ko, niyakap niya rin ako pabalik.

Malaking utang na loob ito, Heira. Thank you.

"Salamat talaga!" Pag uulit ko nung kumalas ako sa yakap.

"Wala pa naman, ayos lang 'yon."

Bumalik kami sa room at nagpatuloy na lang sa klase.

Pagkatapos no'n ay hindi na 'ko pumasok kinabukasan, pumasok ako sa isang construction site, ayaw man nila pero nag pumilit ako kahit isang linggo lang.

Pagkatapos kong makuha ang isang linggong sweldo ay balik karinderya na 'ko, doon magluluto si lola habang nakabantay ako kay mama, kapag nakapagluto na siya ay ako ng bahala sa mga bumibili si lola naman ang nagbabantay no'n.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa nakakalabas si mama eh, sobra yatang bumagsak ang resistensiya niya kaya nahihirapan siyang ibalik ang lakas niya.

-END OF FLASHBACK-

"Ngayong araw, kagagaling ko lang sa hospital, si lola naman niyan ang magbabantay kaya nagpapahinga na. Matumal ang kita eh." Nakangiti kong sabi pero pilit lang 'yon.

"Sorry..." Nakayukong sabi ni Heira.

"Ayos lang 'yon ano ka ba, ako dapat ang magsorry sa'yo eh."

"Ayos lang naman sa 'kin 'yon, ang akala ko kasi..."

"Akala mo, tumatambay lang ako?" Sabi ko, tumango naman siya kaya tumawa ako.

"Kuya!" Tawag ni Maren sakin tumatakbo pang lumapit at yumakap sa'kin

"Siya ba yung kapatid mo?" Tanong ni Heira.

"Oo, Maren siya si ate Heira..." Turo ko kay Heira. "Siya naman si kuya Kenji." Turo ko kay Kenji.

"Kuya A... Asher!" Sabay palakpak niya.

Binuhat siya ni Asher at umupo sila sa tabi ni Heira.

"Hi, Maren." Bati ni Heira.

"Hello po." Tsaka humagikgik.

Sandaling katahimikan muna, hagikgik at tawa lang ni Maren ang naririnig. Ilang saglit lang ay nagsalita si Heira.

"Hmm, Alexis?"

"Bakit?"

"Pumasok kana bukas, hinahanap kana."

"Hindi pwede, kailangan kong—!"

"Tutulungan ka namin hanggang sa kaya namin, dalhin mo si Maren kung walang nagbabantay sa kaniya." Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Heira..."

"Tutulungan kita, namin. Kaibigan ka namin!" Parang naging emosyonal ako sa sinabi niya, tumango na lang ako sa kaniya.

"MJ... Ben." Tawag niya.

Lumapit naman sa kaniya yung dalawa.

"Yes, miss?"

"Pwede ko ba kayong maasahan?"

"Oo naman, yes!" Nagsaludo pa sila, natawa tuloy kami.

"MJ pwede bang ikaw na muna ang magbantay sa mama niya habang nag aaral siya?" Kumukurap-kurap pa si Heira ng sabihin niya 'yon. "Kung wala ka lang naman gagawin, kung meron ayos lang."

"Wala. Sige ako muna ang magbabantay kay tiya."

"Thank you!" Bumaling siya kay Ben na parang pinapantasya pa siya. Tsh hahaha, "Ben.. tumulong ka muna sa lola niya, kapag hapon tutulong din kami! Promise 'yan!" Masiglang sabi ni Heira.

"Oo naman yes!"

Konting usap pa tsaka sila nagpaalam na aalis na, maggagabi na rin daw.

Hindi ko alam na sa kabila ng mga ginawa namin ay nagawa mo pa ring maging mabait sa 'min. Thank you.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon