"Ang mama mo, kanina nahimatay."
"Ano?!" Halos magkanda ugaga na 'ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Sinugod namin siya kanina sa hospital, sobrang taas ng lagnat niya."
"Bakit hindi niyo agad sinabi sa 'kin?!" Hindi ko na maiwasang ipakita ang emosyon ko.
Kasi diba, nanay ko 'yon eh, kami na lang ang magkasama, wala na 'kong tatay, alam ko dapat ang mga nangyayari sa pamilya ko, bakit hindi manlang nila ako tinawagan? May nangyari na palang hindi maganda tapos ako nasa iskwelahan pa.
"Hindi ka namin makontak, nakapatay yata ang cellphone mo."
Fuck! Nasabunutan ko na lang ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon, iniisip ko ang kalagayan ni mama.
"Pupunta ako ng hospital, pakibantayan muna si Maren." Sabi ko, hindi ko na hinihintay ang sasabihin niya dahil nagmadali na 'kong lumabas.
Nagpara ako ng tricycle, alam kong sa pinakamalapit na hospital siya dadalhin. Nung makarating ako ay agad akong lumapit sa nurse station. Sinabi nila ang room number ni mama.
Hindi naman private room ang kwarto niya, may mga kasama pa siyang ibang pasyente.
Nung makapasok ako sa kwarto ay agad kong nakita si mama na mahimbing ang tulog, may swero, si lola naman ay nanonood ng balita sa t.v.
"La..." Tawag ko at lumapit kay lola, hinawakan ko naman ang kamay ni mama.
"Ma..." Hinalikan ko ang likod ng kamay niya, mainit pa rin siya, mukhang mataas pa rin ang lagnat niya.
"Lola... ano pong nangyari?"
"Ang sabi ng doktor, may severe dengue siya." Do'n ako naluha.
Trivia: "Severe dengue is defined by dengue with any of the following symptoms: severe plasma leakage leading to shock or fluid accumulation with respiratory distress; severe bleeding; or severe organ impairment such as elevated transaminases ≥1,000 IU/L, impaired consciousness, or heart impairment."
Alam kong may sakit siya, pero ayaw niyang ipahalata sa 'min, lagi naman siyang ganiyan, tapos ngayon nakakaawa ang kalagayan ni mama, namumutla siya, mataas ang lagnat, at parang bumagsak ang timbang kahit ilang araw pa lang siyang may sakit.
Napagdesisyunan namin ni lola na magsasalitan kami kung sinong magbabantay kay mama dito sa hospital, kailangan kong pumasok pero kailangan ding buksan ang karinderya para may pambayad kami dito sa hospital.
Gano'n na nga ang nangyari pero masyadong limitado ang oras ko, hindi ko na alam kung ano uunahin ko, yung karinderya ba, si mama, si Maren o ang pag aaral.
Habang tumatagal si mama sa hospital mas lumalaki ang bill niya, hindi pa kasi umaayosvang lagay niya kahit apat na araw na siya sa hospital, wala akong naga kundi ang magtrabaho na muna at lapitan ang isang taong alam kong maasahan ko.
Isang araw ay nakita ko si Heira kasama sina Vance, Xavier at mga kaibigan niya, bago siya makaupo sa pwesto niya ay hinila ko na ang braso niya.
"Alexis..." Aniya nung lumingon na siya.
"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko, luminga muna siya sa paligid. "Ng tayo lang?" Dagdag ko, tumango naman siya.
Umakyat kami ng second floor.
"Aano tayo dito?" Tanong niya.
Hinarap ko siya. "Heira..."
"A-ano 'yon?"
VOUS LISEZ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Roman pour AdolescentsPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 40
Depuis le début
