"Bumili ka ng pagkain mo!"

"Wala akong pera oh." Pumalad pa si Kenji.

"Oh, hindi ko na kasalanan 'yon."

"I'll order." Prisinta ni Asher.

"Libre mo ah." Pag uudyok ni Heira.

Tumango naman siya at lumapit sa may ulam, siya na ang nagserve sa sarili niya, marunong naman kasi siya, naturuan sila dati ni lola.

Bumalik siya sa lamesa na may dalang  apat na plato ng kanin na may menudo. Nilapag niya 'yon, isa isa kami.

Nung mag umpisa kaming kumain ay saka ako nag kwento, hindi titigil ang bunganga ni Heira kapag nagkataon.

"Makinig ka, Heira ah.."

-FLASHBACK-

"Sige, bro una na 'ko." Pagpapaalam ko sa iba.

Naglakad ako pauwi, malapit lang naman yung bahay namin mula rito, para sa iba malayo para sa 'kin hindi, sayang lang ang perang gagastahin ko para sa pamasahe.

Nung makauwi ay agad akong sinalubong ni Maren, nakababata ko siyang kapatid. Babae. One and seven months old.

Mabilis siyang natutong maglakad magsalita, lagi kasi namin siyang sinasanay. Kaya ayun natuto na.

Kasama niya si Mj. Siya siguro ang nagbabantay sa kaniya. Sa gilid ako dumaan dahil sarado ang karinderya, nakakapagtaka yatang hindi nagtinda si mama.

"Kuya..." Nakakatuwa lang dahil agad akong niyakap ni Maren nung makita niya 'ko.

"Maren... may pasalubong si kuya sayo." Tsaka ko siya binuhat. Humagikgik siya tsaka pumapalakpak, napakacute niya, ang taba pa ng pisngi.

Binigay ko sa kaniya ang mga chocolates na binigay kanina ni Heira sa 'min. Hindi ko kinain 'yon dahil ibibigay ko nga sa kaniya 'yon.

"MJ..." Tawag ko, madaldal si MJ, nakakapagtaka lang na hindi siya umiimik kanina pa, nakatingin lang siya sa 'min.

"Ma...!" Tawag ko, lumingon pa 'ko sa kusina kung nando'n siya pero wala.

"Lola...! Ma...!" Tawag ko ulit, pero kahit na anong tawag ko sa kanila, wala ni anino nila ang nagpakita.

Hinalughog ko ang buong bahay, tumingin ako sa kusina, sala, bakuran sa likod, sa mga kwarto ultimo pati banyo pumasok ako para hanapin sila, pero wala.

Bumalik ako sa sala na hingal na hingal, sa wakas nagsalita si MJ.

"Wala sila dito..."

"Nasa'n sila?" Tanong ko.

"May nangyari kasi kanina..." Sabi niya tsaka naglakad lakad sa harap ko pabalik-balik, hindi mapakali.

"Anong nangyari?" Kunot noo kong tanong.

"Si Tita Alecia kanina..."

"Ano!? Dalian mo naman!" Sigaw ko.

"Nasa hospital sila."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil do'n, yung kaba ko agad na lumakas, nanginginig na ang mga kamay ko, nanlalambot na rin ako.

"Sinong naospital?" Tanong ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now