"Kasama niyo rin ba itong binata na nakahilata sa aming lamesa?" Tanong niya.
Tumayo si Heira ng makita si Kenji nakahiga sa lamesa, mukhang nakatulog na. Lumapit siya sa kaniya tsaka pinitik sa noo.
"Aw..." Reklamo ni Kenji tsaka sinamaan ng tingin si Heira.
"Baba ka d'yan." Bulong ni Heira.
"Ayoko."
"Ayun yung lola ni Alexis, kakatayin kana." Pananakot ni Heira sa kaniya, agad namang nanlaki ang mga mata niya at patalon na umalis sa lamesang hinihigaan niya.
Nag feeling ninja siya kaya ayun na out of balance, tuloy ay lumagapak siya sa sahig, hindi na namin napigilan yung tawa namin, pati sina MJ at Ben tumawa na.
Tumayo siya na parang walang nangyari, nag swag pa siya tapos nag pogi sign pero pagkatapos no'n agad siyang napangiwi, mukhang masakit ang balakang niya.
"Ji, anong isda nahuli mo?" Natatawang tanong ni Heira.
"Pating." Sagot naman ni Kenji tsaka lumapit kay lola. "Hi grandma." Kumakaway na bati niya.
Grandma? Tsh!
"Wala bang masakit sa iyo, hijo?" Nag aala na si lola.
"Opkor nat, wala po, okay lang po ako, grandma." Sabi niya tsaka humawak sa braso ni lola.
Talaga naman!
"Abay napaka gwapo mo namang binata."
"HUK-" Lahat kami ay napaubo dahil sa sinabi ni lola.
"Sa'n banda, la?" Tanong ko.
"Sa mukha." Si Kenji ang sumagot. "See this face..." Turo niya sa mukha niya, tapos ang bigkas niya sa face niya ay 'fez'. "Very very handsome." Taas noong sabi niya pa.
"Ang kapal!" Pagpaparinig ni Asher.
"Hangin naman 'no?" Parinig din ni Heira.
Nagmakeface lang si Kenji sa kanila.
"Oh... kasama niyo rin itong dalaginding na ito?" Baling naman ni lola kay Heira.
Ngayon lang niya napansin?
"Hello po... ako po si Heira." Aniya tapos nagmano.
"Dalagang dalaga ah, ang ganda mo, hija." Sabi ni lola.
Aangal na sana kami pero agad kaming pinandilatan ni Heira, parang pinagbabantaan niya na kami.
"Salamat po... lola?" Parang nag aalangang sabi niya.
"Oo, tutal ay kaibigan mo ang apo ko, tawagin mo na lang akong lola, Lola Nersiles." Ngumiti si lola ng pagkatamis-tamis.
La, hindi ko naman siya kaibigan eh, kaklase ko 'yan. (↼_↼)
"Hello po lola." Pag uulit ni Heira.
"Siya, maiwan ko na kayo, magpapahinga na muna ako." Paalam ni lola, tumango na lang kami.
Nung makaalis si lola ay akala ko naman tapos na, akala ko okay na, hindi pa pala.
"Ano na! Magsabi kana aba! Bakit hindi mo naisipang pumasok? Trip mo lang? Tapos... aish! Talaga naman! Bwisit!" Nag umpisa na na naman ang bungangs ni Heira.
"Oo na, umupo na lang kayo d'yan." Sabi ko.
Umupo naman sila.
"Yakie, nagugutom ako." Hinihimas-himas pa ni Kenji ang tyan niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 40
Start from the beginning
