Kaso nga lang nakatikim pa 'ko ng isang palatok sa kaniya.
"Sitting pretty ka lang do'n ano? Eh kung ipalupot ko sa leeg yang bimpo mo?"
Napakabrutal naman niya.
"Sino munang nagdala sa inyo dito?" Kunyaring tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
"Me." Kaswal na sagot ni Asher.
"Bakit?"
"Anong bakit? Gago! Nagpatulong ako sa kaniyang puntahan ka! Hinahanap ka na ni dean!" Sigaw ni Heira, mukhang hindi pa humuhupa ang inis niya.
Teka nga... hinahanap ako ni dean? Wow lang ah, may pakealam na pala ang campus ngayon sa 'min na closely called 'basura at saling pusa ng B.A.U.'
"Heira, hinahaan mo ang boses mo, baka marinig ka ng iba." Mahinahong pakiusap ko.
"Yakie, ang ingay naman ng bunganga mo, low volume mo naman." Reklamo ni Kenji, kinamot pa ang ulo, ang loko-loko nakahiga sa isang bakanteng lamesa.
Hindi naman 'to beach hoy! Kung ihahain ka namn sa lamesa, sigurado namang mag aalisan ang mga costumers.
"Make it fast, Heira. Baka gabihin tayo, it's 5:30 P.M." Sabat ni Asher.
"Explain." Utos ni Heira, parang may banta pa yun. Umupo siya sa harap ko, napapagitnaan kami ngayon ng lamesa.
Parang pulis at kriminal lang na nag uusap para kumuha ng statement at paaminin yung suspect.
Umiling ako, hindi alam kung pa'no ko sisimulan yung kwento ko o dapat ba talaga akong magkwento. Malang, Alexis, may hiningi ka nga sa kaniyang napakalaking bagay eh.
"Sagot! Bwisit ka, halos mamatay ako sa puyat para tapusin yung mga projects mo, tapos ikaw uupo upo ka lang do'n!" Turo niya sa inuupuan ko kanina.
"Nakakahilo kayang magresearch ng mga assignments tapos mag kaiba pa! Dalawa 'yon, dalawa!" Dagdag na sumbat niya.
Highblood na! Siguro matitigil ang panunumbat niya kung narinig niya na ang paliwanag ko, kung narinig niya na ang dahilan ko, kung narinig niya lahat ng nangyari sa buhay ko.
Gustong gusto ko talagang pumasok, sino bang hindi? Kahit pa minsan ay pinaglololoko ko lang ang pag aaral ko, may pangarap pa rin naman ako.
Sa tutuusin lahat naman kaming nasa 23rd Section ay may pangarap, matataas nga ang mga scores na nakukuha namin, mataas ang grades na nakukuha namin sa mga projects namin, pero DATI yon.
Nawalan na kami ng ganang sumagot ng maayos at tama, nawalan na kami ng ganang gumawa ng mga projects ay activities dahil laging may kasunod na sumbat at insulto ang maririnig mo galing sa mga teachers. Dahil daw sa 'ugali' naming basura at hindi kaaya - aya, basagulero at takaw gulo nga ang tawag sa 'min.
"Sasagot ka o sasagot —!" Naputol ang sinasabi ni Heira.
"Alexis... apo... ano ba iyang ingay d'yan..." Lumabas si lola mula sa kusina. Pawis na pawis, kanina pa siya sa kusina, kahit na walang costumer mula kaninang umaga ay nasa kusina pa rin siya, umaasa. "Kostumer ba sila o bisita mo?" Tanong niya ng makalapit sa 'kin.
Nagmano naman si Asher sa kaniya, malapit kasi si lola sa mga kaibigan ko, parang apo at lola na rin ang turingan nila. Si Heira naman ay parang gulat pa kaya natututop ang bibig niya at hindi na nagsalita. Nahihiya na yata.
"Binibisita lang po namin si Alexis, lola." Magalang na sabi ni Asher.
"Abay, buti naman, matagal na kayong hindi napaparito ah... masaya ako at napadpad ka na rito." Sabi ni lola tsaka sumulyap kay Kenji na parang wala man lang pakealam sa mundo.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 40
Start from the beginning
