"Sa'yo 'to?" Namamanghang tanong ko habang sinisipat ang bawat parte ng kotse niya, sa back seat kaming pareho ni Kenji nakaupo.

"Yeah." Walang bahid ng pagmamayabang na sagot ni Asher.

"Ang ganda naman neto!"

"Mas bet ko yung mustang." Komento ni Kenji.

"Walang nagtatanong." Pambabara ko.

Sumimangot lang siya. "Kanina ka pa, Yakie ah!"

"Ano?!" Natatawang tanong ko, mukhang napipikon na kasi siya. Natawa na rin tuloy ang driver namin.

"Manong drayber let's go na 'ho!" Pag uutos ni Kenji akala mo naman taxi ang sinakyan.

Umismid si Asher dahil do'n at binuksan ulit ang makina, nagdrive na siya paalis. Habang nasa byahe kami ay do'n ko naramadaman ang lamig, napalakas yata ang aircon ng kotse niya.

Tumingin ako kay Kenji na kanina pa naglilikot, hindi mapakali sa upuan, may bulate yata siya sa pwetan.

"Hoy! Tumigil ka nga! Likot mo!" Bulong na suway ko at tumingin ulit sa daan na dinaraanan namin. Nakita ko sa rear mirror na nakatingin sa'min si Asher habang nakangiti kaya ngumiti na rin ako sa kaniya.

"Yakie, sa'n ba tayo pupunta?" Maya-maya'y tanong ni Kenji.

Tignan mo 'tong singkit na 'to, nagpupumilit sumama tapos hindi pala alam kung saan kami pupunta, tapos nabingi yata kanina kakaiyak niya, sinabi ko namang kina Alexis kami pupunta tapos ngayon ay nagtatanong.

"Kina Alexis nga." Sagot ko.

"Anong gagawin natin do'n?"

"Kakausapin na'tin siya."

Mukhang nadisappoint pa. "Yon lang?"

"Oo, meron pa bang iba?"

Ngunuso siya. "Hindi man lang tayo kakain?"

Tumango ako. "Kakain." Mariing sagot ko.

"Yeheeey—!"

"Basta ikaw ang gagastos." Putol ko sa sinasabi niya, napanguso naman siya at hindi na nagsalita.

Pumalad siya sa 'kin. "Peram na lang ng cellphone."

"Ano namang gagawin mo?" Tanong ko na nasa daan ang paningin.

"Secret."

"Ayoko." Pagtanggi ko.

"Pahiram na kasi!" Pagpipilit niya tsaka dinamba ang braso ko, muntik pa 'kong maumpog sa headrest.

"Aray ko naman!"

"Sorry... peram na nga kasi!"

"Ano munang gagawin mo?"

"Titignan ko ang mga katext mo." Napaamang ako, tsismoso rin 'tong hudlong na 'to eh.

"Wala ka namang mababasa, ikaw lang naman lagi ang katext ko!" Tsaka ko siya nilingon.

Ngumisi siya sa 'kin, hinawakan niya pa ang magkabilang pisngi niya - kunyaring kinikilig. Psh!

"Yiiiieeeee! Crush mo 'ko 'no?" At nagngiting aso pa siya tsaka sinuntok ang braso ko.

Aray ko! Lintek na bata 'to, kung hindi lang talaga siya bata kanina ko pa siya  nabatukan ng malakas.

"Asa!" Singhal ko sa kaniya atsaka binigay ang cellphone ko.

Psh! Hindi ako titigilan ng abnoy na 'to hanggat hindi nakukuha ang gusto niya.

"We're here." Maya-maya'y sabi ni Asher tsaka ihinto ang kotse.

Akala ko naman matatagalan bago kami makapunta sa bahay ni Alexis, hindi sa inaasahan kong malayo ang bahay nila kundi inaasahan kong traffic kaya matatagalan kami.

Napanguso ako, nag eenjoy pa 'ko sa byahe eh.

Nilibot ko ang paningin ko habang nakadungaw sa bintana alam kong hindi naman kalayuan 'tong lugar na 'to sa B.A.U. pero hindi ako gano'n ka pamilyar sa lugar.

Parang maliit na barangay siya tapos dikit dikit yung maliliit na bahay, sumulong ka lang ng konti palengke  na yata ang mapupuntahan mo, tapos parang elementary school ang nasa likod - ibig kong sabihin kung ang palengke ay mapupuntahan mo kapag nagtuloy-tuloy kang naglakad sa harapan, at ang school naman ay makikita mo kapag naglakad ka sa deretso sa likod namin. Gets?

Hindi ko alam kung nasa'n ang bahay talaga nina Alexis pero nasa tapat kami ngayon ng isang maliit na karinderya tapos may maliit na street food stall sa harap no'n.

Bumaba kami ng kotse at sumunod na lang kung saan pumunta si Asher, nasa labas pa lang kami ng karinderya ay amoy ko na ang mabangong ulam, kumalam tuloy ang tyan ko!

Pumasok kami, nagtataka lang ako kung bakit walang costumer na nando'n, puro bangko at lamesa na walang tao lang ang nakikita ko.

"Ayon siya." Turo ni Kenji sa isang sulok.

At ayun nakita ko si Alexis na prenteng nakaupo sa isang monoblock, nakasando at nakashorts, naks gwapings, aish! Erase!

May puting bimpo pang nakasabit sa balikat niya, may kakwentuhan siyang dalawang lalaki, siguro kasing edad lang namin ang mga 'yon, nagkakatuwaan at naghahampasan pa, nag aasaran ata.

Hindi ko naman alam kung anong pinag uusapan nila dahil malayo kami tapos mahina pa ang boses nila, bungisngis lang ang naririnig ko sa kanila.

Tuloy ay nainis ako bigla, nandito lang pala 'tong kumag na 'to, tumatawa habang ako naman ay hindi magkanda ugaga kakatapos ng mga activities niya.

Aba naman!

Tumingin ako sa mga kasama ko, si Kenji ay inosenteng tinitignan ang kabuuan ng karinderya at sumisinghot pa, naamoy yata ang mabangong luto, parang adik lang siya sa ginagawa niya. Si Asher naman ay nakapamewang gamit ang isang kamay, tapos yung isa ay nasa labi niya, shet ang gwapo niya sa posisyon niya, pwedeng pangmodel ng clothing brand.

Pero sandali lang 'yon kasi nakuha ng tawa nina Alexis ang atensiyon ko, mukhang hanggang ngayon ang hindi pa nararamdaman ang presensiya namin.

Sabagay hindi naman kami multo.

Pero kasi... kainis!

Tumayo ang ako ng tuwid, nakapamewang pa 'ko habang masama ang tingin ko sa kaniya.

"ALEXIS!"

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now