"Tara na?" Pang aaya niya, pumapalakpak pa, parang walang nangyari kanina ah? Excited pa, akala yata neto park ang pupuntahan namin.
"Saan ba kayo pupunta at nagsosolo kayo?" Nanlalaking butas ng ilong na tanong ni Eiya.
"Kay Alexis." Simpleng sagot ko.
"Alexis?!" Sigaw nilang lahat. Pero hindi na kasama si Kayden, seryoso lang siyang nakatingin sa mga galaw ko.
Parang kriminal ako na pinakawalan saglit tapos siya yung pulis.
"Aano kayo do'n?" Tanong ni Xavier.
"Kasi—!"
"Sir Raquesta ordered us to go to Alexis to convince him to study again. I mean to... to convince him to go back to school." Pinutol ni Asher ang sasabihin ko at siya na ang nagpaliwanag.
"Ilang araw na kasi hindi siya nag-aaral, nakahalata na yata ang ibang teachers kaya ayon nalaman na ni dean kaya hinahanap niya rin si Alexis." Paliwanag ko.
'Yon ang paliwanag ko dahil 'yon naman ang totoo, totoo namang kailangan naming kumbinsihin si Alexis, hindi nga lang nila alam na may hidden agenda kami bukod do'n.
"Buti na lang at hinahanap na nila kami ngayon?" Seryosong tanong ni Elijah.
"What do you mean?" Tanong ni Eiya sa kaniya.
Hindi siya sumagot sa halip ay tumingin lang siya kay Kayden, isang makahulugang tingin. Nakigaya na rin ako, tumingin na rin ako kay Kayden na ngayon at kunot ang noo.
Tumingin ako ulit kina Eiya. "Mauna na kami ah?" Pagpapaalam ko.
"Hmm, sige, ingat kayo!" - Eiya.
"Kita na lang tayo bukas!"
"Siya, mauna na rin kami, babye!" Kumaway sina Alzhane, Trina at Hanna.
"Ingat!" Kumaway din ako sa kanila.
Tinanaw ko muna sila hanggang sa mawala sila sa paningin ko.
"Tara na, Yakie!" Panghihila ni Kenji sa braso ko.
"Teka lang naman, excited?!" Sabi ko. Tumingin ako kay Eiya. "Gusto mong sumama?" Alok ko, umiling siya.
"Hindi na, my driver is waiting for me in the parking lot, take care!" Sabi niya, tumango na lang ako.
"Let's go?" Sabat ni Asher.
Nag aalangan pa nga ako kung tutuloy pa ba ako o hindi, pero nandito na eh, sayang naman kung aatras pa, baka lang kasi may gagawin pa si Asher at nakaistorbo ako dahil sa pang aaya ko.
"Tara na nga." Sabi ko, tsaka inakbayan si Kenji.
"Yooohoooo, let's go!" Tumalon si Kenji tsaka nagsuperman position pa.
"Bahay ang pupuntahan niyo hindi play ground, 'wag kang magsaya masyado." Pambabara ni Vance sa kasiyahan ni Kenji, binelatan siya ni matsing.
Kumaway na lang ako sa iba pa at naglakad na palabas ng room, sumabay na sa'min si Eiya papuntang parking lot.
"Babye!" Kumaway siya tsaka pumasok sa kotse nila.
"Dito tayo." Turo ni Asher sa kotse niya, simpleng black sports car pero mukhang mamahalin. Mukhang Porsche 911 'yon
Ang kintab! Nahiya ang alikabok sa kotse niya.
Inilabas niya muna ang kotse sa parking space no'n bago binuksan para makapasok kami.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 39
Start from the beginning
