Anak ng pitongput puting puta este tupa! Matsing na, pusa pa? Saan ka pa? Kay Kenji kana.

"Bitaw na, Kenji." Pamimilit ni Asher, sumama naman ang tingin ni Kenji sa kaniya tsaka pilit na kinakalmot gamit ang isang kamay.

"Rawr!" Sabi niya.

Aso naman?

"Isa! Sabing alisin niyo muna 'to eh!" Mariing utos ko sa iba, pero wala pa rin talaga, tumawa lang sila.

Si Kayden naman ay seryosong nakatingin sa'kin tsaka kay Asher, pinagpapalit palit ang tingin, sa'kin tapos kay Asher tapos gano'n ulit, hindi naman si Kenji'ng matsing ang tinignan niya. Problema neto?

"King'na kapag hindi kayo gumalaw at hindi niyo natanggal 'to, hindi ko kayo bibigyan ng chocolates bukas!" Pagbabanta ko, ang mga hudlong nagsilapitan agad sa 'min.

Pilit na tinatanggal si Kenji sa binti ko, Sa lakas ng panghihila nila kay Kenji, halos matumba na 'ko, buti na lang at inalalayan ako ni Lucas.

Haaaaay! Lucas!

"Bitaw na, Kenji." Utos ni Hanna.

"Yoko! Sasama ako sa kanila!"

"Matutumba na si Heira oh!" Inis na sabi ni Trina.

"Aalis sila!"

"Oh, eh ano ngayon?" Nakangiwing tanong ni Eiya.

"Dapat kasama ako!"

"Saan naman sila pupunta?" Tanong ni Alzhane.

"Magdedate sila!" Sigaw ni Kenji kaya natigilan lahat ng mga galamay na nagtatanggal sa kaniya.

"Date?!" Sigaw nilang LAHAT!

Talagang silang lahat, as in ALL, pati si Kayden sumigaw na rin, anong date? False alarm kayong lahat, fake news 'yan!

"Oo, magdedate sila, kaya ayaw nila akong isama!" Humagulgol ulit si Kenji, pinunas pa ang sipon niya sa binti ko.

"Hoy! Ano ba!" Reklamo ko.

Nakakadiri naman 'to! Dugyot.

"Yuck! Kenji! Yung sipon mo may kulangot pa!" Reklamo ni Mavi, akala mo naman siya ang nalagyan.

"Isa!" Pagbabanta ko.

"Saan muna kayo pupunta?" Tanong ni Vance.

"Basta!"

"Huwag niyong aalisin." Utos ni... Kayden.

"Anong... Hoy! Makautos ka d'yan!" Dinuro ko siya, nginisian niya lang ako.

"So.. may date nga kayo?" Ani Alzhane habang nakangisi, pinandilatan ko siya.

Alam kong alam nilang hindi totoo ang sinasabi ni Kenji kanina at dahil nga kaibigan ko sila ayan nang aasar pa.

Kailangan na naming makaalis dito, baka kasi gabihin kami ng uwi kapag late na kaming nakapunta kina Alexis,  hindi naman kami magtatagal do'n dahil kakausapin lang naman namin siya.

Tinignan ko si Asher, nanghihingi ako tulong kung pa'no ako makakaalis sa mga braso ni Kenji pero tumango lang siya. Alam ko naman ang ibig sabihin no'n.

"Sige na, Ji, sasama kana kung sasama!" Kahit labag sa kalooban ko ay sumang ayon na lang ako para matapos na ang mga 'to.

Agad siyang bumitaw sa 'kin at mabilis na tumayo, pinunasan pa ang ilong gamit ang likod ng palad niya, kinusot pa niya ang mugtong mata niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon