Hinintay na lang naming matapos ang sunod na subject pagkatapos ng p.e class, nung magring ang bell ay saka kami pumuntang canteen.
Kaniya-kaniya kami ng order, lahat kami nakapila, napag usapan kasi naming kumain na lang sa likod ng building namin. Yon yung pinagtambayan namin.
Nung makaorder kami ay pumunta na kami sa tambayan, walang ibang tao roon kundi kami lang, pinagpagan muna naming ang lamesang puno ng tuyot na dahon tsaka nilapag ang mga tray.
"Magkwento kana." Maya maya'y sabi ni Eiya habang kumakain kami.
"Sino?" Tanong namin, hindi naman namin alam kung sino ang kinakausap niya.
"Sino pa ba, malamang ikaw!" Turo niya sa'kin tsaka niya ko inirapan.
"Oo nga! May utang ka pala sa'min!" Nakasimangot na sabi ni Kenji tsaka kumuha ng fries ko.
Anak ng... kasama ba talaga ang pagkuha ng pagkain ko kapag magsasalita ka?
Kumunot ang noo ko, "anong utang?"
"Utang na kwento, utang na paliwanag." Usal niya, nagbalak pa siyang kumuha ulit ng fries ko pero pinalo ko ang kamay niya. "Aw... damot." Tsaka siya ngumuso.
"Ano namang ikukwento ko sa inyo? Hindi naman ako chismosa."
"Psh, hindi yon!" - Trina.
"Eh, ang alin ba?"
"Yung ki-"
"Hep hep hep! Huwag niyo ng banggitin!" Pigil ko kay Alzhane.
"Ikwento mo pa rin." - Hanna.
Huminga ako ng malalim, hindi ako titigilan ng mga 'to kung hindi ko ikwento, kapag naman ikwinento ko, ang dami nilang tanong daig pa nila ang reporter.
"Ganto kasi 'yan." Sabi ko.
Ikuwento ko ang lahat sa kanila habang kumakain. Mula sa pagyayabangan at pagbabangayan namin hanggang sa oras na pinagbigayan niya 'ko, at yung dahilan nung alam niyo na... kiss.
"Ginawa niya 'yon?" Tanong ni Hanna.
"Malamang!" Si Trina ang sumagot.
"Yiii!" Pang aasar ni Kenji, binunggo pa 'ko sa braso.
Kung makakilig naman 'to akala mo siya ang nahalikan, konti na lang ay mapagkakamalan ko na siyang bakla dahil lagi siyang nakabuntot sa'min eh, idagdag mo pa yung kilig babae niya.
Isip bata.
"So, kinilig ka ba do'n." Nakangising tanong ni Trina.
"Anong kinilig? Baka nga basag na ang ilong no'n kapag hindi ako nakaalis agad do'n."
"Oh, anong naramdaman mo no'n?" Tanong ni Eiya.
"Wala! Puro inis lang!" Padabog kong binaba ang kutsarang hawak ko. "Syempre, first kiss ko 'yon tapos siya pa ang nakakuha?!" Sabi ko.
"First kiss?" Tanong nilang lahat, nanlalaki pa ang mga mata.
"Oo..." Sagot ko tsaka nagpatuloy sa pagkain, sayang naman ang pagkain kung hindi uubusin.
"Sure kang first kiss 'yon?" Parang hindi makapaniwalang tanong ni Alzhane.
"Oo nga! Ulit-ulit naman kayo eh." Inis na sagot ko.
"Jusme! 17 years old kana, ngayon ka palang nagkafirst kiss?" Tumatabingi pa ang ulo ni Trina nung itanong niya 'yon.
"Bakit? May nakakuha na ba ng first kiss niyo?" Tanong ko.
"Oo!" Sigaw nila... sigaw nilang lahat!
"Pati ikaw, Ji?" Tanong ko kay singkit.
Ang hinayupak, namula lang pisngi tsaka ngumiti ng pagkalaki-laki! Kumikislap pa ang mga mata, kinikilig ang singkit. Napansin ko 'rin ang pamumula ni Hanna.
Hindi kaya...
"Nagkiss kayong dalawa?!" Gulantang na tanong ko, tumango naman sila. Nahulog ko naman ang kutsara ko dahil do'n, hihimatayin yata ako sa kanila.
"Oo, hihihi, dahil sa truth or dare." Sagot ni Hanna.
"Nagdare kami, dare nila na kiss ang isa't isa." Namumulang sabi ni Kenji.
"Sinong hinayupak ang nagdare sa inyo?" Kunyaring galit na tanong ko, kunyari lang syempre, wala naman akong magagawa tapos na eh.
"Hindi ko na maalala..." - Hanna.
Ulyanin na ba 'to at hindi niya na agad maalala.
"Matagal na 'yun!" Masiglang sabi ni Kenji.
Bumaling ako kay Eiya. "Ikaw? May first kiss kana din ba?" Tanong ko.
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa tanong ko.
"Wala 'no, sasabihin ko naman sa'yo kung meron na!" Sabi niya.
"Oh, eh bakit ka nakiki 'oo' kanina?"
Sumimangot siya. "Wala lang, trip ko lang makisali."
Aning.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 36
Start from the beginning
