Gano'n na nga ang nangyari, narinig ko ang takbuhan nila papalapit sa'kin, alam kong sila 'yon, kumpleto sila.
"Nandito ka lang pala!" Sabi ni Trina tsaka tinulak pa ang braso ko.
Tumingin ako sa kanila, mukhang pagod na pagod ah? Tapos na kaya ang laro nila?
"Oh, bakit hinihingal kayo?" Natatawang tanong ko.
Umupo silang lahat sa tabi ko.
"Kanina ka pa namin hinahanap!" Si Hanna.
"Akala ko naman kung saan-saan kana nag sususuot." Ani Alzhane.
"Walk out ang peg." Si Kenji.
"Nakakainis kasi!" Sabi ko.
"Oh, mamaya ka na lang magkwento at magreklamo, tawag na tayo ni sir." Paliwanag ni Trina.
"Walk out, walk out pa kasi!" Si Eiya.
"Tse!" Singhal ko.
"Pero nag—!"
"Tara na! Wag ng maraming sinasabi." Aya ko, baka ano pang masabi ni Kenji. Ayokong marinig ang 'word' na 'yon.
Bumalik kami sa court, nagpapahinga sila sa mga bleachers. Kinakausap pa ni Sir Edward ang iba naming mga kaklase, nagtatawanan pa nga. Napansin ko ding nakahiwalay si Shikainah sa kanila, nakatutok lang siya sa cellphone niya, nakaupo siya sa kabilang side, mga sampong upuan ang layo niya mula kay Jharylle.
Tumingin ulit ako kina Sir Edward, hindi ko inaasahan na magkakasalubong ang tingin namin ni kulapo, siniringan ko lang siya.
"Nandito na pala kayo." Sabi ni sir tsaka lumapit sa 'kin. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya.
Hindi po!
Gusto kong isigaw 'yon pero wala namang mangyayari kapag ginawa ko 'yon, kaya tumango na lang ako, tinapik na lang ni sir ang balikat ko at pumito.
Itutuloy pa pala, akala ko tapos na!
"Let's continue the game." Sabi ni sir. "You still have five minutes."
"Bakit pa itutuloy sir? Halata namang sila ang mananalo." Si Eiya tsaka naglakad papunta sa gitna, sumunod naman kami ni Trina.
"Nakascore na nga si Alas eh!" Sigaw ng kung sino, tiningnan ko kung sino 'yon pero hindi ko na mahagilap, nakatingin kasi silang lahat sa'min.
"You need to focus on it, it is a part of your performance task." Ani sir.
Pumito si sir, sa'min ulit ang bola, pinagbibigyan nga raw kami, diba?
Nakakapagod pa la ang larong 'to, panay ang takbo, lakad at talon namin, kakatakbo para habulin at agawin sa kanila ang bola at kakatalon para harangan ang paghulog sa bola.
Sineryoso namin ang laro, hindi ko na lang tinignan ang nagbabantay sa'kin, walang reaksyon ko na lang na tinitignan ang bola.
Kahit anong gawin naming talon, hindi pa rin sapat 'yon para hindi sila makashoot, ang ending, talo kami. 5 - 23 ang score. 5 ang score namin, 23 ang sa kanila.
Sa loob ng limang minuto nagawa nilang umiscore ng higit sa labinlimang puntos, hindi na 'ko nagtaka, sa bilis ba naman nila.
Naglaro ang pangalawang batch, sina Hanna, Alzhane at Shikainah ang magkakampi, gaya ng inaasahan, talo sila, mas mabagal nga kasi silang kumilos kesa sa'min. Mabilis lang ang naging laban nila, hindi sila pinagbigyan ng mga kalaban nila eh, wala ng patalastas na nangyari, seryoso kasi silang naglalaro. Walang nangyaring pikunan, walang asaran, at walang... basta!
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 36
Start from the beginning
