"May pinuntahan lang kami."

"Kami?"

"Oo, may kasama ako. Mga kaibigan ko."

"Bakit kayo bumibisita? Hindi ba kayo dito nag aaral? Bakit nakauniform ka?" Sunod sunod na tanong ko, nakakapagtaka lang kasi.

"Ah, I am a college student, do'n pa kami." Turo niya sa isang boundary, mukhang boundary ng college par ng B.A.U

"Akala ko high school ka pa lang." Sabi ko.

"Akala rin ng marami."

Marami? Edi maraming nakakakita sa kanila rito? Madalas ba sila rito?

"Oh, eh bakit hindi mo kasama ang mga kaibigan mo ngayon, nasa'n na sila?"

"Nando'n sa grade 12 building, may pinuntahan, sabi ko daanan na lang nila ako dito dahil tinatamad akong maglakad, ang layo kaya no'n." Sagot niya.

Natawa naman ako dahil sa reklamo niya, parang nagmamaktol pa siya, nakanguso pa. Cute pero tamad lang?

"Ikaw ba? High school student ka lang?" Tanong niya.

"Uhm, grade 11 student." Pagkaklaro ko. "Ikaw?"

"First year college."

"Wala kayong klase?"

Napansin ko lang, ulit ulit na lang ang tanong ko sa kaniya ah, bitin kasi lagi ang mga sagot niya.

"Mamayang 10:00 A.M pa ang klase namin."

"Ang aga mo naman pumasok?"
9:00 A.M pa lang kasi, siguro nga ay kanina pa siya dito.

"Lagi naman kaming maagang pumapasok."

"Gano'n? Buti napadpad ka dito sa soccer field?"

Q AND A lang ang ganap namin.

"Mukhang presko kasi dito, dito rin ako tumatambay minsan kapag hinihintay ko sila."

"Bakit kasi hindi ka na lang sumunod sa kanila?"

"Tinatamad nga ako. 3rd floor pa ang room na pupuntahan nila eh."

Tamad nga.

"Oh, tapos ano namang ginagawa mo kapag nandito ka? Nakatulaa gano'n?"

"Nagbabasa lang."

"Ah, mapres—!"

"Axl!" Sigaw ng kung sino kaya hindi ko na natuloy ang sinasabi ko.

"Heto na pala sila."

"Sino?"

"Sila." Turo niya sa mga tao sa likod namin, mukhang sila ang kaibigan nila.

"C'mon." Sigaw nila, nang aaya na.

"Bye, Heir, nice to meet you!" Sabi niya tsaka nagmadaling lapitan ang mga kasama niya.

Tinignan ko muna sila, nag appear-an pa sila, mukhang nag aasaran lang. Pinagmasdan ko lang sila hanggang sa mawala na lang sila sa paningin ko.

Pa'no na 'to? Wala nananaman akong kasama—

"Heira!" Sigaw ni Eiya, alam na alam ko ang boses niya.

Sabi ko nga may kasama na 'ko, hindi man lang ako mapagsolo.

"Yakie!" Sigaw naman ni Kenji.

Alam kong nasa likod ko sila pero medyo malayo, hindi ko na sila nilingon alam ko namang lalapit din sila sa'kin.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now