Diyos ko po! Ang gwapo!
Ang gwapo niya, bahagya pa siyang nakayuko, maputi siya, mahaba nag pilik mata, matikas, ang ilang hibla ng buhok niya ay nakaharang sa mukha niya, parang hindi siya totoo, mukhang prinsipe.
Nawala yata lahat ng inis ko dahil may dumating na anghel sa harap ko, este nasa likod pala.
"Hi." Sabi niya, pero nakatulala pa rin ako sa mukha niya. "Hi?" Tanong niya tsaka kinumpas ang kamay niya sa harap ng mukha ko kaya natauhan ako.
"H-hello?" Nag aalangang sabi ko, tumatabingi pa ang ulo ko, nagtataka kasi ako kung bakit niya 'ko kinakausap.
"Can i sit beside to you?" Tanong niya tsaka ngumiti, may dimple siya! Nakakatunaw! "Can I?" Pag uulit niya, nahalata yatang nakanganga ako sa harap niya.
"S-sure." Sagot ko na lang, umusog pa 'ko ng konti.
Huli na ng maisip ko ang ginawa ko, ang shunga lang, Heira? Malamang soccer field 'to, open field! Maaliwalas, kahit limang daang tao pwede dito, hindi na kailangang umusog.
Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya tumingin ako sa kaniya, ang puti ng ngipin! Genuine ang ngiti, ang lalim ng dimple niya, hanggang sa pag upo niya sa tabi ko ay pinanood ko, ang bango!
"I'm Nicholai." Sabi niya sabay lahad sa kamay niya.
"Nicholai?" Tanong ko, wala ba siyang apelido?
"Ah, Nicholai Axl Suarez." Pagbubuo niya tsaka nagpakita ng mas malawak na ngiti.
"Im, Heira... Heira Yakiesha Sylvia." Sabi ko tsaka nakipag shake hands.
Kumunot ang noo niya, tsaka ako tinignang mabuti.
"Heira. Your name sounds familiar." Sabi niya.
"Hindi lang naman ako ang Heira sa mundo." Sagot ko.
"Have we met before?"
Nag isip naman ako. "Hindi eh, ngayon ko nga lang nalaman na may kagaya mo ang nag aaral dito." Sagot ko, tumawa naman siya.
Anong nakakatawa? Bigwasan kaya kita?
"It's your class time now, right?" Tanong niya habang nakatingin sa'kin.
Napatingin din tuloy ako sa kaniya. Ngumiti muna ako tsaka humarap sa kawalan. Bakit ba nagngingitian kami, eh ngayon pa lang kami nagkita? Parang close agad? Nagbu-bunot na lang ako ng mga maliliit na damo sa gilid ko.
"Oo." Maikling sagot ko.
"So, kung may klase ka, bakit ka nasa labas?"
Ikukwento ko ba sa kaniya? Hindi ko naman siya kilala kaya hindi ko dapat ikwento sa kaniya, baka iba pa ang pakay neto.
"Mahabang kwento." Yon na lang ang sagot ko
Ang sarap pala talagang tumambay dito kapag umaga, hindi masyadong mainit tapos mahangin pa, nakakapresko.
"Ah." Yon lang ang sagot niya.
"Ikaw? Bakit ka nandito?"
"Kasi nakita kita." Sagot niya, kaya agad naman akong napalingon sa kaniya.
Pinaglololoko yata ako neto eh, o sinusundan niya 'ko?
"Ah, talaga?" Sarkastikong tanong ko.
"Biro lang."
Mukha ba akong nakikipag biruan? Pasalamat ka gwapo ka.
"Oh, bakit ka nandito?" Pag uulit ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 36
Start from the beginning
