Aagawin na sana ni Trina ang bola kaso mabilis na nilipat ni Maurence ang bola sa kabilang side, sandali pa silang gano'n ang pwesto, nagsasalita sila pero hindi ko marinig kasi medyo malayo kami sa kanila at bulungan lang naman ang ginagawa nila.
Inaagaw pilit ni Trina ang bola, nilalayo naman 'yon ni Maurence, minsan nga tinataas ni Maurence ang bola sa ere, kahit anong talon ni Trina ay hindi niya abot.
"Bilisan niyo aba! May nag hihintay dito! Mamaya na kayo mag labing labing!" Sigaw ni Xavier, nakaupo siya sa may bleachers.
Tumingin kami sa kaniya ng masama kaya natigil ang laro, tumawa lang ang gago! Nawala tuloy sa namin ang bola kaya ayon naishoot 'yon ni Maurence.
Madaya ka!
Nasa'kin ang bola ngayon, tumakbo kami sa side na'min. Pinapatalbog ko 'yon sa side, hindi naman kasi ako marunong nung ginagawa ni Maurence kaya hanggang talbog sa side lang ako.
Tumalon ako tsaka umikot sa likod ni Kayden para sana mailusot ko na ang bola kaso ang kulapo parang ninja, agad nasa harap ko na. Ang bilis naman ng kilos neto!
Ngumisi siya sa'kin, para bang sinasabi niya sa 'kin na hinding hindi ko siya malulusutan gano'n.
"Too close. Mabagal ka nga lang." Aniya, gustong gusto ko siyang batukan at ihampas sa mukha niya 'tong bola na hawak ko.
"Bakit ba hindi mo na lang ako palusutin?" Tanong ko, ngumunot ang noo ko nung... nung NGUMITI siya!
Himala na ba 'to? Papapiyesta na ba ako?
"In your dreams." Sabi niya tsaka tinangkang agawin ang bola buti na lang at naiwas ko 'yon, tinaas ko agad 'yon, gusto ko mang ipasa sa iba, nakaharang naman ang mahahabang braso niya.
"Ha ha ha ha. In your dreams, too." Pang aasar ko dahil hindi siya nagtagumpay sa balak niya, akala mo ha!
"Pinagbigyan lang kita."
"Talaga lang ah?!" Sabi ko, tunog na tunog ang pagka sarkastiko nung sinabi ko.
"Yeah, I can grab the ball you're holding now and shoot it in the ring in five seconds." Sabi niya habang nakangisi!
Nakakainis naman ang mukha netong mokong na 'to!
"Yabang." Sabi ko.
"I'm not, I can only really do things you don't expect me to be able to do." Sagot niya, nag cross arm pa ang loko, nangawit yata sa kakabantay.
Kanina pa 'to nag eenglish ah, pwedeng tagalog na lang? Nagkakagulo ang mga braincells ko eh.
"Edi wow." Sagot ko na lang.
Nagulat ako nung tumabi siya sa daan ko, binibigyan ako ng chance na makalusot. As in, umalis siya sa harap ko, pumunta siya sa gilid ko.
Kunyari pa akong humakbang para tignan kung binibiro niya lang ako pero hindi eh, napaatras ulit tuloy ako, bumalik ako sa pwesto ko kanina.
"Shoot it." Utos niya, walang ganang tinuro niya pa ang ring.
Mabilis akong kumilos, tumakbo ako agad, nakatatlong hakbang palang yata ako nung humarang ulit siya sa daan ko, wala na kong oras para tumigil, hindi ko napigilan ang katawan ko.
"WAAAAAAAAH!"
Sigaw ko nung unti-unti kaming bumagsak sa sahig. Nakapatong ako sa kaniya...
At
Hindi ko inaasahan ang nangyari.
Yung first kiss ko!
———————————————
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Fiksi RemajaPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 35
Mulai dari awal
