Don't talk to me, we're not close!
*PRRRRRTTTT*
Tumakbo kaming lahat sa gitna ng court, paramihan ng points sa loob ng 10 minutes, okay na 'ko kahit three points lang, atleast may puntos kami 'no!
Nasa'min ang bola, si Trina ang may hawak, binabantayan siya ni Maurence, si Eiya naman ay binabantayan ni Elijah, at kung mamalasin ka nga naman, si kulapo pa ang nagbantay sa'kin.
Pilit na inaagaw ni Maurence ang bola sa kaniya, inilalayo naman ni Trina sa kaniya. Nagkatinginan ang dalawa habang pinapatalbog ni Trina ang bola, humakbang si Trina kaso nahuli agad siya ni Maurence, muntik na ngang maagaw sa kaniya ang bola. Ngumisi si Trina sa kaniya, napatitig naman si Maurence kaya nakakuha ng tyempo si Trina at pinasa niya kay Eiya ang bola.
Nasapo naman 'yon ni Eiya, dinrible niya ng ilang beses 'yon tsaka tumakbo kaso ngalang ilang hakbang lang 'yon dahil naharangan siya ni Elijah na pilit inaagaw ang bola, kunyari pa sila na nang aagaw eh halata namang pinaglololoko lang nila kami.
Itinaas ni Eiya ang bola, kumukuha ng tyempo para ipasa sa 'kin kaso itinaas ni Elijah ang parehong kamay, naharanagan tuloy siya, walang nagawa si Eiya kundi ang ipatalbog ang bola.
Umatras si Eiya ng kaunti at mabilis na nag step sa side kaso naharanagan siya ni Elijah, pati mga galamay niya ang bilis, naagaw ni Elijah ang bolaz agad niyang pinasa kay Maurence 'yon, nasapo naman nung isa tsaka tumingkayad ng konti tsaka shinoot ang bola.
Hulog! Three points pa!
Sabi na eh, pinagtitripan lang talaga kami ng tatlong 'to, kunyari pang hinayaan kami, sus! Bwisit kayo!
Sa amin ulit ang bola, hawak ko ngayon, wala naman akong kaalam alam sa larong 'to, ni hindi ko nga alam kung anong mga violations ang pwedeng mangyari, kahit ano na lang ang ginawa ko.
Humarap ako sa taong nakabantay sa'kin, parang bored na bored na sa laro, wala nga akong makitang emosyon niya eh. Parang nakikisama lang dahil ayaw niyang maiwan sa room, gano'n.
Humakbang ako sa side pero maagap ang isang 'to, umatras ako, lumapit naman siya, tatalon na sana ako pero hinarang niya ang kamay niya, wala akong maisip na pwedeng lusutan. Yumuko ako, yumuko din siya, napatitig na na naman ako sa mga mapupungay niyang mata, brown na brown! May lahi!
"Wag mong masyadong serysohin ang laro, hindi naman kayo mananalo, mapapagod lang kayo." Seryosong sabi niya.
"Hindi ko naman 'to gagawin kung hindi dahil sa grades." Mas seryoso akong sumagot.
"Para rin ba sa grades ang pagtitig mo sa'kin? What I know is not. Don't stare at me." Sabi niya, napaamang naman ako, literal na napanganga ako sa sinabi niya.
"Feelingero ka rin 'no?" Sarkastikong tanong ko, sumama ang mukha niya pero hindi ko na pinansin 'yon.
Agad akong humakbang paside at tumakbo ng mabilis para makalapit sa ring at do'n pinasok ang bola.
Hulog!
Yes! May points na kami, pwede na siguro 'yon, aalis na kami. Charot lang.
Sa kanila naman ang bola, lumipat naman kami sa side nila, may kaniya-kaniya kaming side syempre, at dahil hawak nila ang mahiwagang bola, do'n kami sa side nila.
Hawak ni Maurence ang bola, dinidrible niya 'yon, pinapasok sa gitna ng binti niya, paulit-ulit lang, nung makitang niyang seryosong nakatingin sa kaniya si Trina ay do'n niya tinigilan ang ginagawa niya.
Pinapatalbog niya lang ang bola sa gilid niya, ang loko nginitian pa si Trina, napangiwi naman si Trina, parang nandidiri sa ngiti ng lalaking nasa harap niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 35
Magsimula sa umpisa
