-END OF FLASHBACK-

"Hoy!" Napatalon ako dahil sa sigaw ng mga kasama ko, nakaposisyon pa silang nanggugulat.

Linshak! Para akong nabuhayan dahil sa sigaw nila, nakakagulat kasi! Makabasag eardrums, hindi man lang nila ako kinala—

"Heira!" Sigaw ulit nila, this time, yinugyog na nila ako.

"Ano ba?!" Inis na sabi ko. Natakip pa 'ko ng dalawang tenga.

Siraulo ang mga 'to, papaduguin yata nila ang tenga ko, sa boses ba naman nila mapagkakalamalan mong may gyera.

"Kanina ka pa namin tinatawag!" Sigaw ni Eiya, mukhang naiinis na rin.

"Nakanganga ka lang, hindi ka sumasagot!" Sigaw din sa'kin ni Trina.

"Nakatulala ka lang!" Sigaw ni Hanna at Alzhane, sabay pa talaga sila.

"Huwag mo ng imaginin ang trulab mo!" Malakaa na sabi ni Kenji.

"Teka nga!" Pigil ko sa kanila, hinarap ko pa ang dalawang palad ko.

Mahihilo yata ako sa kakasigaw nila, para akong pinalilibutan ng mga nanay na pinagagalitan ang anak, at ako 'yon.

"Bakit ba kayo sumisigaw!" Naiinis na talaga ako, pwede naman kasi silang magsalita ng mahinahon eh.

"Eh, hindi ka namin maistorbo sa pagmumuni-muni mo d'yan." Mahinahong sabi ni Eiya.

Yan, ganyan lang dapat!

"Tulaley ka 'te, kulang na lang ay pasukan ng langaw 'yang bibig mo." Usal ni Trina.

"Tapos yung noo mo, aish! Sobra sa kunot, parang may pinapatay kana sa isip mo eh!" Reklamo naman ni Kenji, nagngising aso pa siya.

"Yung mga kilay mo halos mag dikit na." Sabi naman ni Hanna, pinagmamasdan niya ang buong mukha ko.

"Ano?!"

"Ayan oh, hanggang ngayon! Tignan mo hmm!" Sabi ni Eiya tsaka pintik ang noo ko.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, hinawakan ko pa ang noo ko dahil sa pitik niya, ang kilay ko ay salubong nga, tapos yung noo ko, ewan! Mahapdi eh! Inayos ko na ang itsura ng mukha ko, nakakahiya naman sa kanila eh.

"Puyat ka ba?" Tanong ni Trina.

"Hindi!" Sagot ko kaagad.

"Bakit parang bangag ka?"

"Manahimik ka nga!" Sita ni Alzhane.

"Bakit ba sumisigaw pa kayo? Anong meron?" Tanong ko.

"Anong meron?" Sarkastikong pagbabalik na tanong sa'kin ni Eiya.

"Tingin ka sa paligid." Si Kenji ang sumagot.

Sumunod naman ako, nasa loob pa rim naman kami ng room, tahimik, makalat - kelan ba lilinis 'to? Teka... bakit wala ng teacher? Oras ng klase ngayon ah, wala rin yung iba! Nasa'n na sila?

"Oh ano? Nahimasmasan kana?" Tanong ni Trina.

Ngayon ko lang sila napansin, ngayon ko lang napansin ang kabuuan nila, naka P.E uniform na sila tsaka nakapusod na, putik! P.E class nga pala!

Lutang!

"Kanina ka pa lutang, tinatawag ka ni sir pero hindi mo siya sinasagot, wala na siyang nagawa kundi ang magpaliwanag na lang." Si Eiya.

"Pinagpalit niya kami ng P.E uniform, mula lumabas kami hanggang pagbalik, tulala ka pa rin!" Si Kenji.

"Pinalabas na kami pero wala ka pa ring imik, nauna na yung iba sa court, hinihintay ka pa kasi namin." Sagot ni Hanna.

"A-ah hehehe.." Tanging sagot ko na lang nagpeace sign na lang ako.

Dahil sa pag iisip ko ng ano-anong bagay, nawala na ang isip ko sa klase, nakakahiya tuloy kay sir, pati na sa mga kasama ko!

Bwisit!

"Bakit ka ba tulala ha?" Maya-maya'y tanong ni Alzhane.

"Wala!" Maang maangan na sagot ko.

Kapag sinabi ko ang totoo na si Alexis at ang pinag usapan namin, lagot na.

"Talaga lang ah?" Si Kenji, ang loko, nakangisi tapos nakapamewang pa.

"Magpalit ka na do'n!" Utos ni Eiya.

Wala akong nagawa kung hindi ang magbihis ng mabilis, baka balatan na 'ko ng buhay ng mga 'yun kapag nagtagal pa 'ko.

Pagkatapos no'n ay dumeretso kami sa court, nando'n na yung iba, pati sir Edward na may hawak na bola at may nakasabit na pito sa leeg.

Lumapit kami sa kanila, parang gusto ko na lang bumalik sa room dahil sa kahihiyan!

"Oh, buti naman at nagising niyo na siya." Bungad ni sir, sa 'kin nakatingin.

"Sir naman..." Sumimangot ako.

"Tigil-tigilan mo ang pag de-day dream, Sylvia."

"Opo." Wala sa sariling sagot ko.

"Okay..." Pumito siya. "Line up, basketball tayo ngayon, boys vs girls."

"Lugi kami sir!" Agad na reklamo ni Trina.

"Wala pa nga ay nagrereklamo ka na." Sabi ni sir. "I'll explain the mechanics of this game."

Ayon na nga, pinaliwanag na ni sir ang lahat ng dapat ipaliwanag, mula sa mga points na pwedeng makuga hanggang sa mga deduction na ibibigay kapag nagkamali ng galaw.

Napakamot ulo na lang ako, pa'no kami makakapoints neto kung ang tatangkad at lalaki ang mga kalaban, malamang marunong sila!

(A/N: We'll see.)

Tse!

"First batch..." Pumito ulit si sir. "Sylvia, Velasquez, and Ramirez versus Williams, Valdez and Romero."

Pumito si sir at sinenyasan kaming mga tinawag niya na pumunta sa gitna, tumingin ako sa mga kalaban namin, ngayon ko lang talaga pinansin ang tangkad nila, parang hanggang balikat lang kami eh, pa'no kami lulusot sa mga 'to?

"The game is 3 vs 3, it is graded performance..."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang