"Ms. Margaux!" Sigaw ko pero dahil malayo siya ay hindi niya 'ko narinig.
"Ms. Margaux!" Sigaw ko ulit nung tumigil siya para kausapin ang isang estudyante.
Hindi siya lumingon. "Ms. Margaux!" Sigaw ko ng mas malakas, bahala na ang mga nakakarinig.
Lumingon siya at hinintay ang paglapit ko. "Oh, Ms. Sylvia? May kailangan ka pa ba?" She asked.
Binigay ko ang papel. "Eto po, kay Alexis po 'yan, p-pinapabigay n-niya... niya na lang p-po." Hingal na hingal na sabi ko, malalagutan na yata ako ng hininga dahil sa tinakbo ko, pagod na nga isabay mo pa 'yung kaba.
Pinagtaasan niya 'ko ng kilay.
"I didn't know that you and Mr. Del Carlos are close." Mataray na sabi niya habang binabasa ang papel.
Kinabahan ako ng matindi, oo nga naman, hindi ko naman siya kinakausap, hindi kami magkaibigan lalong lalo ng hindi kami close.
Pa'no na 'to?
Kailangan kong mag isip ng paraan. Hindi ko dapat pairalin ang kaba. Chin up. Hinga ng malalim.
"Pinapabigay lang po ng mama niya, m-may s-sakit po y-yata s-siya." Nag iwas ako ng tingin dahil sa pagsasabi ko ng hindi totoo.
Nakakahiya.
"Hmm, I see..." Tumango siya, "he's absent yesterday, how come he has this assignment?" Masamang tingin ang pinukol niya sa'kin.
Nanlaki ang mga mata ko, napakurap na lang ako ng maraming beses, wala nga pala siya kahapon, isang maling dahilan, hulog na! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, ang kaba ba para sa sarili ko, o ang awa para sa pakiusap ni Alexis.
Hindi ko na alam.
"Ah... n-nakita k-ko po siya kahapon, n-nung p-pauwi na po ako, k-kaya sinabihan ko na po siya, a-akala ko p-po k-kasi papasok siya ngayong araw, sayang naman po diba, kung w-wala siyang assignment." Mahabang paliwanag ko, utal utal na. Hindi ko na nga alam kung anong mga salita na ang lumalabas sa bibig ko.
Maniwala na ma'am, please!
Nagcross finger pa 'ko sa likod ko. Maniwala ka ma'am! Tanggapin mo na ya—!
"Okay, thank you, kapag nakita mo siya ulit, sabihin mo na sana ay pumasok na siya. That's good and he has an assignment now.." Sagot niya, nakahinga naman ako ng maluwang.
"Thank you rin po!" Sabi ko, yumuko pa 'ko tsaka nagmadaling umalis.
Gano'n na lang din ang nangyari sa mga sumunod na araw. Gano'n din ang paliwanag ko sa ibang mga teachers, nakakahinga ako ng maluwang kapag tinatanggap nila ang pekeng dahilan ko.
Halos lumubog na nga ako sa kinatatayuan ko nung magpasa ako ng assignment sa isang terror teacher namin, mga titig niya pa lang kasi ay masisindak ka na, parang alam na agad ang mga titig niya, nanghihinala gano'n!
Kapag ako nayari talaga, Alexis! Hindi ka na makakauwi ng walang bangas kapag nagpakita ka sa'kin no'n.
Kailangan mo ng pumasok, ako ang nahihirapan sa mga pinapagawa mo eh!
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 34
Magsimula sa umpisa
