"Aba, hindi ka ba marunong magsulat?"
"Marunong po..."
"Ayon naman pala, bakit ka pa magpapasulat?"
"Mahabang kwento po, please, Aling Soling... konti lang po 'to, sige na po." Pamimilit ko.
"Siya, ano ba ang ipapasulat mo?"
Napangiti ako sa sinabi niya, pumapayag na siya! Yes! Alam ko kasing magulo ang sulat ni Aling Soling, hindi ko nilalait ang sulat niya ah, gano'n naman talaga ang sulat ng mga matatanda. Pero kahit magulo ay mababasa mo pa rin.
"Heto po..." Pinakita ko sa kaniya ang papel na may sagot. "Ililipat niyo lang po dito." Turo ko sa bondpaper.
"Kakaunti lang pala..." Tumango siya tsaka lumapit sa maliit na lamesa. "Manood ka muna ng t.v d'yan habang nagsusulat ako."
Tumango na lang ako, hindi ko binuksan ang t.v, lumapit lang ako sa kaniya, pinapanood ko siya at ang sulat niya.
Mga sampung minuto lang naman 'yon at tapos niya na.
"Oh, hija, tapos na." Tsaka niya inabot ang papel.
"Thank you po!" Masiglang sabi ko.
Nakakatuwa lang talaga kasi pinagbigyan niya ako kahit pa hindi naman kasama sa trabaho niya ang ipangsulat ako.
"Gabi na, magpahinga ka na." Sabi niya tapos hinaplos niya ang buhok ko.
"Opo..." Tsaka ako lumabas ng kwarto niya. Sumilip ulit ako, nakatayo pa rin siya, hinihintay akong makaalis bago isara ang pinto. "Good night po!" Sabi ko tsaka ko siya binigyan ng flying kiss, ngumiti lang siya.
Kinabukasan ay kinaylangan na naming ipasa ang mga assignments, hindi ako mapakali sa upuan ko, panay lingon ko kahit saan, kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.
"Pass your assignments." Anunsyo ni Ms. Margaux, patapos na kasi ang oras niya sa'min.
Isa-isa kaming tumayo, as usual ang mga lalaking nakapalibot sa'kin ay walang assignments, si Asher lang ata ang meron.
Gusto ko sanang tumayo ulit natapos kong maipasa ang papel ko para ipasa ang kay Alexis 'kuno', pero baka manghinala ang mga nasa paligid ko.
Wala naman silang alam na tinutulungan ko si Alexis eh, kaya siguro ako hindi mapakali dahil isang maling galaw ko lang, patay na!
Lumabas si Ms. Margaux matapos ang klase niya. Susunod na sana ako kaso nagring ang bell, lunch time na, salamat sa bell na 'yan at nakaisip ako ng paraan.
"Tara na?" Tanong ni Eiya, umiling lang ako.
"Hintayin niyo na lang ako sa canteen, cr lang ako." Pagsisinungaling ko.
"Samahan na kita," prisinta ni Alzhane.
"Hindi na, ayos lang, kaya ko naman, hintayin niyo na lang ako." Tanggi ko, tumango naman sila.
Nung makita ko silang nakaalis na at malayo na sa room namin ay saka ako nagmadaling habulin si Ms. Margaux na nagcacatwalk pa.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 34
Start from the beginning
