"Anak ka ng pitongput puting putaka! Kinulang ka ba sa pagkain?" Gatong agad ni Vance ng makaupo si Xavier sa upuan. Sinamaan siya ng tingin, inambahan pa siya ng suntok ni Xavier pero umiwas agad siya.
"Lolo Xavier! Kinulang ka sa gamot 'no?" Pang aasar ni Kenji.
"Lolo mo panot!"
"Parang nirarayuma kana ah." Gitil ni Mavi.
"Manahimik ka, bansot!"
"Lolo Xavier, kailangan niyo na pong bumalik sa bahay, mukhang masakit na ang tuhod niyo." Tumayo pa si Alzhane, kunyaring inaalalayan si Xavier.
"Patahimikin niyo nga ako!" Sabi ni Xavier tsaka nagtakip ng tenga.
Natawa naman kami sa ginagawa niya, pikon na pikon talaga! Ngayon pa nahiya kung kailan tapos na.
"Para kang karne na kinulang sa
paku—!"
"Alalalalelele! Wala akong naririnig!
Wala akong naririnig!" Putol niya sa sinasabi ko kaya mas natawa kami.
Sandali muna siyang nakagano'n tapos binaba ang mga kamay mula sa tenga tsaka tumingin sa'min ng matalim.
"Sinong taya! Kayo naman aba!" Gitil niya.
"Ay itutuloy pa?" Tanong ni Hanna.
"Oras na oh..." Turo ni Trina sa relo niya. "Pasok na tayo." Anyaya niya, tumango naman kami.
"Hoy! A-ano... a-anong aalis! Aba! Madaya kayo ah!" Reklamo ni Xavier nung maglakad kami.
Tinapik lang ni Vance ang balikat niya kaya napasimangot siya, naglakad na kami, palihim pa nga namin siyang tinatawanan dahil padabog siyang naglalakad.
Nauna pa nga siyang magkalad sa'min. Pikon talaga, psh! Hahahaha.
"Sinusumpa ko kayo! Pagbabayaran niyo 'to!" Sigaw niya kaya mas natawa kami.
Nakarating kami ng room, nando'n ang iba pa na parang nagulat pa dahil magkakasama kami.
Bawal ba ha?
Nagtataka pa yung iba tapos yung iba napakaseryoso nilang nakatingin sa'min, hanggang ngayon tuloy ay nakatayo kami sa harap ng pinto.
Hindi ko na sila pinansin, taas noo akong naglakad papuntang upuan ko, chin up, breast out. Wala kang breast, Heira.
Bago pa 'ko makaupo ay may humila na ng braso ko, dahilan para matigilan ako. Lumingon ako kung sino 'yon.
"Alexis..."
"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya, luminga muna ako. "Ng tayo lang?" Dagdag niya, tumango naman ako.
Lumabas kami ng room at sumunod na lang ako sa kaniya, umakyat kami ng second floor.
"Aano tayo dito?" Tanong ko.
Nagkalat kasi ang mga sirang gamit gaya ng upuan, pinto at lamesa sa daraanan, may mga bakanteng classroom, ang gaganda nga eh, malinis pa. Mukhang sa labas lang talaga marumi.
"Heira..."
Tawag ni Alexis, hinarap niya 'ko.
Nagitla ako nung mapansin 'ko ang itsura niya, mugto ang mga mata, may eye bags pa, nangingitim na nga ang ibabang bahagi ng mata niya, magulo ang buhok at mukhang pagod na pagod. May balbas na rin siyang tumutubo.
"A-ano 'yon?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ako nauutal, dahil na rin siguro sa nangyari sa itsura niya.
Nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko, nakayuko siya at hindi makatingin sa'kin, ang palad niya ay nasa paa niya.
"Tumayo ka nga dy—!"
"Heira, alam kong marami kaming nagawa sayo..." Aniya.
"Oo nga pero—!"
"Pasensiya na, sorry sa mga 'yon, ako na ang mag sosorry sa'yo."
"Ayos na 'yon, tumayo kana dy—!"
Bakit ba lagi mong pinuputol ang sasabihin ko!
"Alam kong nagmumukha na akong desperado..."
"Alexis..." Napahawak na lang ako sa bibig ko, wala akong alam sabihin.
"Pero sana..."
"Sana ano?"
"Sana pagbigyan mo 'ko..."
"Saan?"
"Alam kong wala akong karapatan na manghingi ng pabor, pero umaasa akong matutulungan mo ako..."
"Anong itutulong ko sa'yo?"
Ano ba 'yan, Heira! Puro tanong ka naman eh.
Tumayo siya tsaka humarap sa'kin.
"Hihingi sana ako ng tulong sa'yo..."
"Ano nga kasi 'yon!" Nagsisimula na 'kong mainis, ang tagal kasi.
"Tulungan mo sana ako sa mga project at assignments ko."
"'Yon lang?" Tanong ko.
"Ikaw na sanang bahalang magpaliwanag sa mga teachers, ikaw na rin ang magpasa."
Makautos naman 'to.
"Pero kasi—!"
"Nakikiusap na 'ko, Heira. Hindi ako pwedeng bumagsak, ako lang ang inaasahan ng pamilya ko." Sabi niya, naawa ako dahil tumulo na lang ang luha niya.
"Baka kasi mahuli tayo ng mga teachers..." Mahinahong pagpapaintindi ko.
"Please... Nagmamakaawa na 'ko sa'yo." Aniya saka lumuhod ulit, hinawakan niya ang kamay ko.
"...ikaw lang ang alam kong makakatulong sa'kin." Dagdag niya.
"Mahirap ang hinihingi mo, mapapahamak ako kapag nagkataon..." Sabi ko, nag aalangan pa.
Tumayo siya tsaka pinunasan ang ilong at mata niya. "Sige, Heira, hindi naman kita pinipilit. Salamat sa oras." Sabi niya, ngumiti muna siya bago ako tinalikuran.
Nakakaawa siya, maliit na tulong lang naman ang pinapagawa niya, baka may problema siya kaya gano'n, baka emergency, kasi kung hindi, hindi naman siya lalapit at makikiusap sa'kin.
"Alexis!" Yon na lang ang naitawag ko, huminto siya sa paglalakad at humarap sa'kin na nagtataka.
"Bakit?"
"Sige, payag na 'ko, pero hanggang sa kaya ko lang." Sabi ko, napaatras ako ng patakbo niya 'kong niyakap.
"Salamat, salamat, maraming salamat! Tatanawin ko to na isang utang na loob, salamat, Heira." Aniya tsaka humigpit ang yakap, niyakap ko na lang siya pabalik.
Ilang saglit bago nakalas ang yakap niya, ngayon ko ulit nakita ang kislap ng mata niya at ang saya sa loob niya.
"Salamat talaga!" Pag uulit niya.
"Wala pa naman, ayos lang 'yon." Sagot ko na lang.
Bumalik kami sa room at nagpatuloy na lang sa klase.
Tama ba na tinulungan kita?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 33
Start from the beginning
