"Mero'n!" Sagot ni Xavier.

"Sa'n banda? Hindi halata!" Gatong ni Kenji.

"Anak ka ng nanay mo! Bwisit!" Singhal ni Xavier kaya tumawa kami ng malakas.

"Sasayaw na yan! Sasayaw na yan! Sasayaw na yan! Sasayaw na yan!" Kantyaw namin, walang nagawa si Xavier kundi ang pumunta ulit sa harapan.

"Pa'no 'yan, wala namang tugtog!" Reklamo niya ng pumwesto na siya sa harapan.

"Easy! Edi kakanta sila!" Turo ni Kenji sa'min.

"Bakit kami?" Tsaka ko siya binatukan. Mandadamay pa eh.

"Tayong lahat!" Sabi ni Alzhane.

"Okay, one, two, three, ready sing!" Paglilider ni Trina.

"One plus one equals two..." Kanta naming mga babae.

"Hmm!" Sa mga lalaki naman.

"Two plus two equals four..."

Kumembot si Xavier tsaka nag sway, gayang-gaya niya ang mga beking kumekembot kembot.

"Are you sure?"

Pumalantik ang mga daliri niya tsaka hinaplos ang pisngi ni Vance, feel na feel ang panlalandi niya. Ang Vance naman, nandidiri, tawang tawa tuloy kami.

"Four plus four equals eight."

Nagflip hair pa siya kunyari bago tumalikod sa'min! Natampal ko ang noo ko dahil sa ginagawa niya, kung makatanggi kanina wagas!

"You got it!"

Habang nakatalikod sa'min ay kumekembot siya, yung mga balakang niya ay napakalambot, ang ganda pa naman ng hubog ng katawan niya sa likod.

Tawa kami ng tawa sa ginagawa niya, ayaw niya yata kaming patahimikin, puro sakit ng tyan ang dala niya.

"Doblehin ang eight."

Humarap siya sa'min tsaka nag pacute, nag smile siya habang nakakorte ang silid ng labi niya pataas, nag korean heart pa siya.

"Tayo'y mag-otso-otso..." Sabay sabay naming kanta, gumagawa nga kami ng kaniya kaniyang tunog, hampas rito, hampas doon, kumakalabog pa kami sa lamesa.

"Otso-otso..." Pagsesecond voice ng iba.

"Otso-otso"

King'na mukha siyang nirarayuma, parang sakit na sakit na ang tuhod at likod niya kaya halos hindi niya na magalaw.

Yung pwet niyang matambok, nakaangat lang!

Bad!

"Otso-otso..."

"Otso-otso."

"Otso-otso..."

"Otso-otso na."

"Mag-otso-otso"

"Otso-otso..."

"Otso-otso."

"Otso-otso..."

"Mag-otso-otso pa"

"Wow!"

"Hindi lang pampatibay ng butong matamlay."

"Ito ay pampahaba pa ng ating buhay
Ipin man o wala, lahat ay sumabay, aha hay."

"Aha hay..."

Tumayo siya ng maayos, umaktong walang nangyari. Pinagtatakpan ang kahihiya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon