"Na walang tinatagong bato..."
Katabi ko ang dalawang body guards ko, sa kanan ko ay si Kenji ang nakapwesto, katabi si Hanna, sa kanan ko naman ay si Eiya, katabi niya si Trina na katabi naman niya si Alzhane.
Sa harap namin ay si Mavi katabi si Vance, ewan ko ba sa mga katabi ko, ang daming space sa tabi nina Mavi pero nagpumilit sila sa upuan ko. Parang sardinas tuloy kami!
"Na nahulog sa lupa..."
Kay Vance kanina nag umpisa, hawak niya ang bato, ililipat-lipat lang naman namin sa mga katabi namin, ngayon ay hindi ko na alam kung nasa'n na yung bato, baka nilunok na nila. Darna!
"Tinuka ng manok."
Ang mga loko-loko ay nakangising tinitignan si Xavier, pilit nilang kinukuha ang atensiyon niya para malito siya.
Daya!
"Nasa'n ang bato?
Nagpapalit-palit kami ng tingin, hinahanap kung sinong may hawak ng bato, patapos na ang chant pero hindi ko pa nahahawakan ang bato.
Ding! Ilabas mo ang bato!
"Nasa buuuundok!"
Pagkatapos na'ming isigaw ang huling line na 'yon, huminto rin kami, hindi ko alam kung nasa'n neto ang bato.
"Nasa'n ang bato?" Tanong namin sa Xavier na hawak ang baba, nag iisip.
Pre! Laro lang 'to, don't be serious.
Ngumisi siya sa'min, tsaka niya kami pinandilatan. "Nakay..." Pinasadahan niya kami ng hintuturo.
"Kanino?" Si Kenji. Confident na confident na hindi tatama ang hula ni Xavier.
"Kay..." Huminto siya kay Trina. Nginisian lang siya nito. "Kay Zycheia." Biglang usal niya.
Sumimangot naman si Eiya, mukhang tama ang hula niya, tsaka nilahad ang dalawang palad pero wala do'n ang bato!
Pinaglololoko ng mga 'to!
"Huli ka! May parusa ka ngayon! Bwahahaha!" Nag evil laugh si Eiya sa kaniya.
"Nasa'kin!" Singin ni Hanna, tsaka pinakita ang bato.
Hindi mo mapapalitan ang bato na 'yon kasi puting bato 'yon na may itim na tuldok. Minarkahan nila kanina, sineryoso talaga ang laro, jusme!
"BWAHAHAHAHA!" Tawa na'min ng magdabog si Xavier, hindi tanggap na naisahan siya.
"Truth or dare?" Parang nananakot na sabi ko, medyo tinaas ko pa ang pwetan ko para ilapit ang ulo ko sa kanila.
"May gano'n?" Tanong niya.
"Opkors!" Pagmamataray ko.
"Dare."
"Dare daw." Baling ko kay Eiya, ngumiti ako ng magkalaki-laki.
"Hm?" Umaktong nag iisip si Eiya. "Sumayaw ka ng otso-otso ngayon din!" Utos niya, akala mo naman amo siya ni Xavier.
"Ano?! Ayoko nga!" Agad na tanggi ni Xavier.
"Madaya!" Gitil ni Alzhane.
"Nakakahiya kaya!" Si Xavier na napapakamot na lang ng ulo.
"Pero kanina, hindi ka nahihiya 'no?" Sabi ko tsaka tumawa.
"May hiya ka pala dre?" Tanong ni Vance. Binatukan siya ni Xavier.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 33
Start from the beginning
