Nagposisyon si Vance na parang nag iisip. Ang isang kamay ay nasa baba.
"Ay, naiwan ko ba?" Tanong niya habang tumatango.
"Hala ka dre! Ulyanin kana!" Gatong ni Xavier tsaka niya pinagtawanan si Vance, nakaduro pa ang hintuturo sa kaniya.
"Anong! Anong ulyanin ka d'yan! Nakalimutan lang naman!" Nakapamilog na labing sabi ni Vance.
"Kulang ka siguro sa tulog kaya gan'yan!" Pang aasar naman ni Mavi.
"Anong ginawa mo kagabi?" Tanong naman ni Kenji.
Natawa kami dahil sa dami ng tanong nila, hindi na alam ni Vance kung anong isasagot niya. "Wala! Ang dami niyong tanong! Manahimik na lang kayo!" Sagot niya kaya mas natawa kami.
Nakaisip naman ako ng pwedeng gawin habang free time pa namin, sayang naman kung maiinip lang kami.
"Maglaro na lang tayo..." Wala sa sariling sabi ko kaya nagsipaglingunan sila sa 'kin.
"Anong laro?" Si Mavi at Kenji.
"Ayan basta laro, ang bibilis ninyo 'no?" Sabi ni Eiya tsaka niya sila binato ng tuyot na dahon.
"Ano 'yon?" Xavier asked.
"Gan'to..." Sabi ko.
Tinuro ko sila sa pagpupwestuhan nila, kailangan namin ng isang maliit na bato, magkakaharapan kaming lahat, magkakalapit ang mga kamay para abot na'min ang bawat isa.
Pinatong na'min lahat ng kamay na'min, patong patong 'yon.
"Maiba taya!" Sigaw namin, para kaming bata neto pero masaya.
Sa huli ay natira sina Xavier at Vance, kailangan nilang magbato-bato-pik para malaman kung sinong taya.
"Bato-bato-pik!" Sabi nila, pareho silang nakabato.
"Antibayotik!" Pareho silang gunting.
"Gaya gaya ka ah!" Gatong ni Vance. Inirapan naman siya ni Xavier.
"Gamot sa adik!" Sa huli ay si Xavier ang taya, parang naiinis pa dahil sa pagkamot niya ng ulo.
Easy lang!
Nakapapel kasi si Xavier tapos ang kay Vance naman ay gunting kaya ayon talo si Xavier.
"Game! Game! Game!" Hataw na hataw na sabi ni Kenji.
Eksoyted lang?
"Pwesto!" Sigaw ni Mavi, nagsipag-ayusan naman kami.
Pinagpatong patong namin ang mga kamay naming nakakuyom, isa sa 'min ang may hawak na bato, ipagpapasapasahan namin 'yon hanggang matapos ang kanta, dapat mahulaan ni Xavier kung kanina 'yon natigil.
Kung sinong mahuli ng taya na may hawak sa bato, siya naman ang magtataya.
"May parusa kapag nagkamali ng hula ah!" Sabi ko, kunyari naman silang nagulat.
Kanina ko pa pinaliwanag ang game, nagkukunyarian lang ang mga yan, ngayon ay parang gustong umatras ni Xavier dahil sa sinabi ko, nakangiwi siya, mukhang natatae.
Biro lang hehehe.
"Game?" Hamon ko. Pinanlakihan niya 'ko ng butas ng ilong.
"Dali na!" Singit ni Mavi.
"Owraaaayt!" Sabi ni Kenji, inaasar si Xavier.
"I wanna be a tutubi..."
Sabay-sabay kaming nag chant, ang loko — nakatayo sa side namin tapos serysong seryoso pa ang tingin sa mga kamay na dadaanan ng bato.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 33
Start from the beginning
