Gaya ng sabi ni Trina kanina, makakapagrelax ka talaga rito, kahit magpahangin ka lang ay parang matatahimik ang utak mo. Masarap sa pakiramdam!
"TADADA!" Sigaw ni Trina, nangumpas pa.
"Eto na 'yon?" Tanong ni Kenji.
"Ay hindi, do'n pa 'yon!" Turo ni Trina sa kawalan.
"Uy, mapresko kaya dito!" Si Alzhane na parang nilalasap na ang hangin.
"Tama ka d'yan!" Ani Trina. "Dito tayo."
Sumunod kami sa kaniya, pinagpagan niya ang isang malaking lamesa, pabilog 'yon tapos gawa sa bato, ang bigat yata!
May mga benches na bato rin na kasama, kahit marami kayo, dahil malaki ang space na 'yon, talagang kakasya kayo, basta sa lamesa yung iba.
Kaniya-kaniya kami ng pagpag sa mga uupuan namin, umupo kami do'n tsaka nagpapresko.
"Hoy, Trina!" Sigaw ni Alzhane kahit kaharapan niya lang naman si Trina.
"Oh?" Sagot naman nung isa.
"Kanta ka nga."
"Ayoko nga!"
"Ang hilig mo sa music tapos ayaw mong kumanta!"
"Pake mo!"
"Dali na kasi!"
"Ayoko nga kasi."
"Ililibre kita ng shake mamaya." Pang uuto ni Alzhane kay Trina.
Ang loka agad na ngumiti... malawak na ngiti. Pumapalakpak pa ang tenga niya.
"Sige, basta libre mo 'ko mamaya ah!" Tumango naman si Alzhane.
"Here." Abot ni Hanna sa gitara.
"Ready'ng ready ah. Pinagplanuhan niyo 'to 'no?!" Ani Trina tsaka kinuha ang gitara.
"Kanina ko pa hawak 'yan, pinadala mo nga sa'kin, remember?" Sabi naman ni Hanna, parang bata, natawa kami dahil do'n.
"Anong kanta ba?"
"Kahit ano, basta maganda." Nakangiting sagot ko.
"Kagaya ko? Ene ke be!" Tsaka niya ko tinulak ng malakas, halos malaglag ako sa upuan.
"Hangin!"
"Ang lakas!"
"Assumera!"
"Feelingera!"
Sabay-sabay na sabi ng iba, hindi ko na tuloy alam kung kanino ba 'yong mga boses na 'yon.
Nilagay niya sa lap niya ang gitara at ilang beses na iniistrum ang unang piyesa, parang hinahanap niya yung tamang tono para sa intro ng kanta niya.
Tumahimik kami ng mag umpisa siyang kumanta.
♫♪ Somebody told me you were leavin' I didn't know. Somebody told me you're unhappy, but it doesn't show... Somebody told me that you don't want me no more. So you're walkin' out the door. ♫♪
Nakapikit siya ng kantahin niya 'yon, parang may pinanghuhugutan, broken ka ba bes?
Ang lamig ng boses niya, magaan na malambot. Nakakadala ang boses niya, yung kumbaga, kapag alam mo ang kanta, mapapasabay ka talaga.
♫♪ Nobody told me you've been cryin'... Every night. Nobody told me you'd been dyin'. But didn't want to fight... Nobody told me that you fell out of love from me. So I'm settin' you free ♫♪
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Подростковая литератураPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 32
Начните с самого начала
