"Magbabakasyon ako ng maaga gano'n?" Tanong ko.

"Gaga! Hindi 'yon, may alam akong masarap tambayan, mahangin do'n!"

"Saan?"

"Makikita mo mamaya."

"Sama kami ha!" Singit ni Vance.

"Sinong nagsabing kasali kayo?" Parang nanghahamon ng away na sabi ni Trina.

Kapag talaga iba ang kasama nag iiba 'yan ng mood, nagtataray agad. Ay, ewan ko ba d'yan kay Trina, gan'yan 'yan lalo na sa mga lalaki, minsan nga pati si Kenji ay pinagdidiskitahan niya.

"Ako! Hindi mo ba 'ko narinig?" Sarkastikong sabi ni Vance.

Ayon, nagpalitan sila ng masamang tingin, konti na lang ay laklakin na nila ang isa't isa, o di kaya naman ay parang gusto nilang ilibing ng buhay ang bawat isa. Salubong ang kilay nilang dalawa, at parang kahit sa mata ay nag aaway sila.

"Tama na nga 'yan! Baka mamaya matunaw na kayong dalawa d'yan." Singit ni Eiya tsaka kami nagtawanan.

Napangiwi naman yung dalawa, parang nandiri sa sinabi ni Eiya, nagpatuloy na lang sila sa pagkain kesa sa pansinin kami.

"Hayaan mo na sila, mas marami, mas masaya!" Ani Alzhane.

"Mas marami, mas magulo!" Pagpipilit ni Trina.

"Mas marami, mas maingay!" Sabi naman si Hanna.

"Hehehe, Hannamiloves, huwag mo na silang idamay sa pagiging tahimik mo." Pagpapacute ni Kenji sa kaniya.

"Hayaan mo na silang sumama, saglit lang naman 'yon." Sabi ko para matapos na ang usapin.

"Anong saglit? For your information! May free time tayong 30 minutes sa susunod na subject na'tin!" Madiin na sabi ni Trina.

"Bakit naman?" Tanong ni Xavier.

"Oh, buhay ka pa pala?" Sabi ni Eiya.

"Hindi, anino lang ako, imagination lang ako."

Napasapo na lang ako ng noo dahil sa panibagong bangayan nila, wala yata silang balak tumahimik.

"Music class kasi tayo niyan, ang sabi ni sir, pwede muna tayo sa labas para magpractice, may papers yata raw siyang ipapasa ngayon sa board." Paliwanag ni Trina.

"Ahh." Sagot naming lahat tsaka tumango.

Mabilis lang kaming nakatapos sa pagkain, nagkwentuhan muna kami habang nagpapahinga, pagkatapos no'n ay hinila ako palabas ni Trina. Sumunod naman ang iba.

"Dalian niyo!" Sigaw niya habang nangunguna pa. Grabe nga siyang nakahila eh, parang nanghila lang siya ng maleta.

"Sa'n ba tayo pupunta?" Tanong ko, wala pa kami sa kalati ay hinihingal na 'ko.

Bakit ba gustong gusto niyo kong hinihila ha?! Bukas makalawa, hiwalay na ang braso ko sa kamay ko.

"Do'n sa sinasabi ko sayo kanina!"

Nakarating kami sa sinasabi niya, akala ko naman kung saan, sa likod lang pala ng building ng room na'min.

Sa totoo lang, ngayon palang ako nakakapunta dito, hindi ko naman kasi alam na may gan'to pala sa likod ng building na masukal.

May mga puno, medyo malawak ang bakanteng lupa, may mga benches at lamesang bato, masukal din naman pero halos mga dahon na tuyot lang naman ang mga dumi, mahangin at masalilong dahil nga may puno.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now