Lumapit kami sa kanila, buti na lang at may bakanteng lamesa sa tabi namin dahil hindi kami kasya sa iisang table lang.

"Okay ka na, Yakie?" Nag aalalang tanong ni Kenji. Napangiti naman ako dahil do'n.

"Oo, ayos na 'ko." Sagot ko tsaka ako lumapit sa kaniya, ginulo ko ang buhok niya.

"Napa'no ka raw?" Tanong ni Trina.

"Pagod lang tsaka nalipasan ng gutom."

"Nag concert kasi." Parinig ni Vance. Sinamaan ko siya ng tingin. Nag uumpisa na na naman siya!

"Bakit ka nalipasan ng gutom?" Tanong ni Hanna.

"Nakalimutan lang, nakapag order na kayo?" Tanong ko.

"Oo, si Alzhane ang nag order, nauna na kami, akala kasi namin hindi na kayo mag lulunch." Sagot ni Trina.

"Posible ba 'yon?" Nakangising tanong ko.

"Malamang hindi." Gulat pa siyang tumingin sa mga kasama ko. "Anong ginagawa niyo dito?" Mataray na tanong niya.

"Sasabay sila sa'ting kumain." Si Eiya ang sumagot.

"Bakit?"

"Gusto lang nila." Pagsisinungaling ko, bad ka Heira!

"Trip niyo lang makijoin gano'n?" Nakangiwing tanong ni Trina.

"Gano'n na nga!" Sagot ni Mavi.

"Oorder lang ako." Sabat ko tsaka pumunta ng counter.

Buti na lang talaga at hindi na nagsalita ang mga mokong sa pagpapalibre nila kung hindi ay ubos na na naman allowance ko. Ang yayaman nila pero nagpapalibre. Okay pa sana kung si Vance lang tsaka si Eiya, kaso ang mga kabute ay sumulpot na lang bigla, no choice tuloy ako, pero ayos na 'yan, bukal naman sa kalooban ko.

"Miss..." Tawag ng kung sino kaya napalingon ako do'n.

"Po?" Tanong ko.

"Ano pong order niyo? Kanina pa po kayo tulala d'yan." Pagmamataray nung nasa cashier.

"Set G na lang po." Turo ko sa menu.

Pumindot pindot siya sa may computer yata 'yon, tsaka nagsalita sa mic. Set G yung may isang malaking pizza, may limang na pasta, may chicken tsaka iced tea. Pwede na siguro 'yan na pang lunch, hindi naman sila choosy. Ilang sandali lang ay lumabas ang isang crew at lumapit sa harap ko.

Binigay niya ang isang tray sa'kin tsaka pumasok ulit sa kusina. Pagkalabas niya ay tumango agad siya sa'kin. Sumunod siya sa may table namin.

Nagsipag upuan na ang mga kasama ko, syempre umupo ako sa dating pwesto ko. Sabay-sabay kaming kumain.

"Ayos ka na ba talaga?" Tanong ni Trina kaya agad ako nag angat ng tingin sa kaniya.

"Oo naman, okay na okay na." Nagthumbs up pa 'ko para makumbinsi siya.

"Baka stress ka?" Tanong ni Alzhane.

"May na iistress ba sa pagbabasa?" Nakangiwing tanong ni Eiya. Nagtanong pa siya kahit alam niya naman ang dahilan kung bakit ako pagod.

"Bakit?" Mavi asked.

"Lagi lang naman 'yang bagbabasa."

"Baka nga meron." Ani Hanna.

"Oo kaya!" Sagot ni Kenji.

"Nako! Kailangan mo ng fresh air!" Suhestyon ni Trina.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now