"Tara na?" Anyaya ko.
Ang dalawang sira nagliwanag ang mukha.
"Let's go!" Sigaw ni Eiya, nag superman pose pa — yung nakataas ang dalawang kamay sa ere, gano'n.
"Taralets!" Ani naman ni Vance.
"Let's—!" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng sumulpot si Xavier at Mavi sa gilid ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat, parang kabute kasi sila, kung saan saan sumusulpot.
"Saan kayo pupunta?" Nanlalaking butas ng ilong na sabi ni Xavier.
"Sa canteen, lunch break na." Sagot ko.
"May date ba kayong tatlo?" Inosenteng tanong ni Mavi.
Hinampas ko nga. "Anong date ka d'yan?!" Tanong ko.
"Ayan date, kakain kayong tatlo! Solong solo!"
"Bonak! Kasama namin sina Trina!"
"We?"
"Pwedeng makisama?" Nag puppy eyes pa si Xavier.
"Sige ba." Pag sang ayon ko.
"Libre niya." Sabat ni Vance, natampal ko na lang noo ko dahil sa bunganga niya, nandamay pa raw. Umiling ako.
"Ililibre mo kami?" Tanong ni Mavi.
"Anong libre ka d'yan? Hindi ka kasama, kami lang!" Sagot ni Eiya, hinila pa ang braso naming dalawa ni Vance at nilapit sa kaniya.
"Bakit, ikaw ba ang manlilibre?" Gatong ni Xavier.
"Hindi!"
"Hindi naman pala eh."
"Pero hindi kayo kasama sa ililibre ni Isha!"
"Ah, talaga?" Sarkastikong sabi ni Xavier.
"Oo!" Pagmamataray ni Eiya.
Sumabat ako sa usapan nila este bangayan nila. "Oh, ano? Gan'yan na lang kayo? Hindi na tayo maglulunch? Magbangayan na lang kayo, baka sakaling mabusog ako kakapanood sa inyo." I said boredly. Tinignan ko na lang ang mga kuko ko sa kamay.
Ang dumi.
"Sasabay din kami sa inyo hehehehehehe." Pagpapacute ni Mavi.
"Sige lang."
"Ilibre mo rin kami." Ani Xavier.
"Ayoko nga."
"Kasi naman ih!" Pagmamaktol ni Mavi.
"Oh, siya! Tara na nga! Gutom na 'ko, itahimik niyo yang mga bunganga niyo mamaya, baka marinig kayo ng iba!" May pagbabanta sa boses ko, dinuro ko pa sila isa isa tsaka tumalikod.
Nagpauna akong maglakad sa kanila papuntang canteen.
"Follow the monggoloyd, the monggoloyd, the monggoloyd!" Kanta ng kung sino sa likod ko.
Lumingon ako at do'n ko nakita ang tatlong lalaki na nakalinya, wala namang pake si Eiya sa kanila.
"Follow the leader, the leader, the leader, follow the leader!" Pag iiba nila sa kanta nila ng makitang nakatingin ako sa kanila.
Nung makapasok kami sa canteen ay naghiwa-hiwalay din ang tatlo, lumapit si Eiya sa'kin, nilibot namin ang paningin namin hanggang sa makita namin sina Trina, mukhang naghihintay na.
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Novela JuvenilPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 32
Comenzar desde el principio
