"Wala nga."
"Wala ka namang boypren na kinikita kapag gabi, diba?"
"Wala rin."
"Oh, eh bakit pagod yang katawan mo? Sa sobrang pagod ay nahimatay ka pa?"
Bumuntong hininga siya tsaka umupo sa kama. Nakatutok naman ang tenga namin ni Vance sa mga ikukwento niya.
———————————————
HEIRA'S POV
"Yung kapitbahay kasi namin." Paunang sabi ko.
Nanlaki naman ang mga mata ni Eiya, inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko, napaatras tuloy ako, pinalaki niya ang butas ng ilong niya.
"Huwag mong sabihing may relasyon kayo ng kapit-bahay niyo? Nako, Isha! Mas matanda ang nga 'yon sa'tin!" Parang galit na sabi niya.
"Woi! Pakinggan mo muna kasi ako! Ano bang relasyon- relasyon na sinasabi mo d'yan!"
"Okay, speak." Sabi niya tsaka lumayo sa'kin. Rinig ko pa ang bungisngis ni Vance.
"Gan'to kasi 'yan."
-FLASHBACK-
Maaga akong natulog pero ilang sandali lang ay narinig ko na ang malakas na tugtog na galing sa kapit-bahay, sumulyap ako sa cellphone ko at nakitang 10:34 P.M na.
Malakas ang tugtog nila, mukhang malakihang speaker ang ginamit nila, tumayo ako at dumungaw sa bintana, nakita ko ang isang bahagi ng bahay ng kapit-bahay na may mga ilaw na nagpapalit palit ng iba-ibang kulay.
May mga anino ring tumatalon talon habang nakataas ang isang kamay, ang isang kamay naman ay may hawak na bagay, mukhang baso 'yon.
Ay putcha malalim na ang gabi pero sila nagpaparty pa rin, hindi ba nila naisip na may nabubulabog sila?
Ang sarap na ng tulog ko eh, ang ganda na nga ng panaginip ko tapos bubulabugin lang.
Badtrip!
Hanggang ngayon ay nakadungaw ako sa bintana, pinapanood sila, ewan ko, bahala na kahit mukhang timang, hindi na ako makatulog dahil pati kaluluwa ko ay nagising.
Parang remix yung kanta nila.
♫♪ Wala ka man ngayon sa aking piling, masasaktan man ang puso't damdamin, muli't muli sa 'yo na aamining, ika'y mahal pa rin ♫♪
'Yan ang kanta, remix siya kaya tunog pang party at hindi pang broken hearted.
♫♪ At kung sakali na muling magkita.
At madama na mayro'n pang pag-asa. Hindi na dapat natin pang dayain. Hayaan nating puso ang magpasya. ♫♪
Natawa ako sa kanta, sa sobrang tuwa ko ay kinuha ko ang suklay tsaka ko ginawang microphone 'yon, humarap ako sa salamin na parang nagcoconcert tsaka sinabayan ang kanta.
♫♪ Wala na bang puwang sa 'yo ang aking puso? Wala na bang ganap ang dating pagsuyo? Mali ba ang maging tapat sa mga pangako? Sa atin ang lahat kaya'y isang laro? ♫♪ Pagkakanta ko, sumasayaw pa 'ko tsaka ko niyugyog ang ulo ko.
♫♪ Sadyang pag-ibig natin ay nakakapanghinayang. Ngunit sa 'ting mga mata, ito'y kalabisan lamang... Patuloy lang masasaktan ang mga puso. Oh, bakit kay sakit pa rin ng paglayo? ♫♪ Kanta ko tsaka naglakad lakad tapos umikot, parang concert talaga.
Wooo!
♫♪ Wala ka man ngayon sa aking piling. Nasasaktan man ang puso't damdamin. Muli't muli sa 'yo na aamining, ika'y mahal pa rin. ♫♪
♫♪ At kung sakali na muling magkita... At madama na mayro'n pang pag-asa... Hindi na dapat natin pang dayain.. Hayaan nating puso ang magpasya. ♫♪
Tsaka ako sumampa sa kama ko, do'n ako nagtatatalon at bumirit.
Malayo na yung ibang bahay dito kaya sigurado akong walang ibang makakarinig sa pang-ibong adarna kong boses.
Singer ako ngayon!
♫♪ Wala ka man ngayon sa aking piling. Nasasaktan man ang puso't damdamin. Muli't muli sa 'yo na aamining, ika'y mahal pa rin. ♫♪
♫♪ At kung sakali na muling magkita... At madama na mayro'n pang pag-asa... Hindi na dapat natin pang dayain... Puso ang magpapasya. ♫♪Kumaway kaway ako, kunyaring may audiences na nagsusumigaw.
♫♪ Wala ka man ngayon sa aking piling. Nasasaktan man ang puso't damdamin. Muli't muli sa 'yo na aamining, ika'y mahal pa rin ♫♪
♫♪ At kung sakali na muling magkita... At madama na mayro'n pang pag-asa... Hindi na dapat natin pang dayain... Hayaan nating puso ang magpa—!
Hindi ko na natuloy ang kinakanta ko ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok roon si mommy.
"Hay nako bata ka! Ano bang ginagawa mo riyan at nakakarinig ako ng mga ingay?" Tanong niya, pumupungay pungay pa ang mata, mukhang kakagising lang.
Umasta akong nagsusuklay at ngumiti ng pilit sa kaniya. "Nagsusuklay lang po hehehe." Pagpapanggap ko, mukhang effective naman dahil tumango siya.
"Alas onse na ng gabi, matulog kana at maaga ka pang papasok bukas."
"Opo mommy."
"Itigil mo na ang kakakanta, ipagpabukas mo na lang 'yan, anak." Sabi niya, nagulat naman ako.
Mukhang nagising siya dahil sa pagcoconcert ko kanina, nawala sa isip kong gabi na nga pala at natutulog na sila.
'Yan sige pa, birit pa.
"Opo, good night!" Sabi ko tsaka nagflying kiss.
Lumabas siya ng kwarto ko at sinara ang pinto, umupo ako sa kama at do'n ko lang naramdaman ang pagod, tagaktak ako ng pawis.
Teka ilang minuto lang naman akong nagtatatalon ah?
Tumingin ako sa aircon at do'n ko lang nakitang nakapatay 'yon, binuksan ko 'yon para pumresko ang pakiramdam ko.
Bwisit kasi na kapit bahay namin na 'to!
Nakakapagod ha!
-END OF FLASHBACK-
"Kaya pala pagod ka ngayon?" Tanong ni Vance.
"Malamang!"
"Parinig nga nung kanta mo."
"Ulowl!"
"Daya!"
"Bakit ba kasi naisipan mong bumirit sa kalaliman ng gabi?" Sabat ni Eiya.
"Nadala lang ako, sisihin niyo yung kapit-bahay namin."
"Kamusta naman ang pagkanta mo? May napala ka ba?"
"Wala."
"Buti naman."
"Ano?!"
"Wala. I wonder what you look like while you're jumping on your bed, feeling like you're coconcerting?" Nang aasar na sabi ni Eiya.
"Manahimik ka!"
"Tara na, lunch time na niyan." Singit ni Vance, lumapit pa sa'kin para alalayan akong bumaba sa kama.
Nginitian ko siya. "Ako na, kaya ko naman, salamat." Sabi ko tsaka sariling bumaba sa kamang kinalalagyan ko.
"Tara na?" Aya ko. "Gutom na 'ko eh." Hinawakan ko pa ang tyan 'ko.
"Ayan, epekto ng sumobra sa kanta! Pati pag aalmusal, nakakalimutan!" Natatawang sabi ni Vance.
Sinamaan ko siya ng tingin, umasta pa siyang natatakot, lumapit ako sa kaniya ng isang hakbang tsaka ko siya inirapan. Nagkatinginan silang dalawa ni Eiya tapos tumawa ang dalawang abnormal.
"Gutom na 'ko, bahala kayo d'yan!" Pagtataray ko, nag flip hair pa 'ko sa kanila, pinitik ko 'yon sa hangin tsaka ko sila padabog na iniwan sa clinic. Rinig ko pa ang halakhak ng dalawa.
Magsama kayo! Mga abnoy!
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 31
Start from the beginning
