Lumapit ako sa kaniya, ilang beses ka pa bang dadalhin dito sa clinic, Isha? Bakit ba lagi na lang may nagyayari sa 'yong hindi maganda? Hindi ba sabi mo, kaya tayo lumipat dito ay para makapagtino kana, pero bakit gan'to? Bakit tinatakbo ka na naman sa clinic?
Hindi ko na maipaliwanag ang mga nararamdaman ko, mukhang pati pagkain niya ay nakalimutan niya, at napagod? Saan? Eh taong bahay lang naman siya, wala naman siyang trabahong pinapasukan, hindi rin niya hilig ang maggala kung saan-saan ng hindi ako kasama.
Halos kalahating oras rin siyang natulog, bago mag lunch break ay nagkamalay siya, mukhang nagtataka pa kung bakit nasa clinic siya.
"Oh, ano? Buti naman gising kana." Nakangiwing sabi ko.
"Bakit ako nandito?"
"Itanong mo 'yan sa sarili mo."
"Nahimatay ako?"
"Alam mo naman pala eh."
"Pumasok na tayo sa klase, maaga pa naman." Pagpipilit niya.
"Patapos na ang second subject, mamaya na tayo lumabas kapag lunch break na."
"Nakatulog ako?"
"Ay oo pre, halos isang oras." Sarkastikong sabi ko.
Sumimangot naman siya. Tumingin siya sa gawi ng pinto kung saan nakatayo si Vance. "Oh, Vance, nand'yan ka pala." Ngumiti siya.
"Hindi, anino lang ako." Sagot ni Vance.
"Ang ayos niyo kausap dalawa 'no?" Inis na tanong ni Isha. "Bakit nandito ka, Vance?" She asked Vance.
"Ako ang nagbuhat sa'yo."
"Nakaya mo kong buhatin?"
"Oo, nabigatan lang."
"Grabe ka sa bigat ha!"
"Sanay naman ako sa timbang mo, napasan na nga kita eh, natakbo pa."
Nagmake face lang si Heira bilang sagot sa sinabi ni Vance sa kaniya.
"Nalipasan ka raw ng gutom." Sabat ko, lumingon naman si Isha sa'kin, natigilan muna siya tsaka nag iwas ng tingin. "Hindi ka kumain ng almusal?" Seryosong tanong ko, kailangan ko munang mag seryoso para sumagot siya ng maayos.
"Nakalimutan ko eh." Sagot niya tsaka siya lumabi.
"Ang chocolates hindi mo nakakalimutan pero ang almusal nakalimutan mo?" Parang hindi makapaniwalang sabi ni Vance, nakacross arm siya habang nakasandal sa amba ng pinto.
"Eh, sa nakalimutan ko eh." Sabi ni Isha, nakasimangot siya habang kinakalikot ang mga kuko sa kamay.
Ngayon ay gusto kong matawa dahil sa itsura niya pero kailangan kong magseryoso kunyari para sagutin niya ng maayos at honest ang mga itatanong ko pa.
"Gan'yan ka na ba ka-busy at pati pagkain ng almusal ay nakalimutan mo na?" Tanong ko.
"Promise, nakalimutan ko lang talaga, akala ko nakakain na 'ko kanina kasi parang puno ang tyan ko." Paliwanag niya.
"Pagod raw ang katawan mo, aminin mo nga sa'kin."
"Ang alin?"
"Binebenta mo ba yang katawan mo kapag gabi?"
"Ano?! Hoy! Sobra ka naman nakapaghinala!"
"Oh, eh bakit ka pagod? May trabaho ka ba? Wala naman hindi ba?"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 31
Start from the beginning
