"Do you know that, the longest word in scrabble is OXYPHENBUTAZONE. This is a word that stands for an anti-inflammatory medication often used to treat bursitis and arthritis. Getting this word will require a combination of strategy as well as dumb luck. Points are received from the word itself, as well as the new words that have been created."

Ma'am hindi po namin 'yan alam, hinay-hinay ka lang po, hinga ka muna, wag kang magmadali ma'am hehehe.

"I'll asked you some trivia and facts, let's see if you know these questions." Tumingin siya kay Trina. "Ms. Ramirez, what is the shortest complete sentence in the English language?"

"'I am', ma'am but 'Go!' is the shortest grammatically correct sentence in English." Sagot ni Trina.

Tumingin naman si ma'am kay Hanna, "Ms. Olivares, a what sentence is one that contains every letter in the language?"

"A pangram sentence, ma'am." Sagot ni Hanna.

Oh, 'diba, slow lang 'yan minsan pero matalino 'yan, nahuhulog lang talaga siya sa mga salita ni Kenji kaya minsan nawawala sa katinuan.

"Give me an example." Follow up ni ma'am.

"For example, the sentence “The quick brown fox jumps over the lazy dog” is a pangram, ma'am." Sagot niya, taas noo pa, pang miss universe.

Oh, pak!

"Mr. Vergara, The shortest, oldest, and most commonly used word is what?" Mataray na tanong niya.

Tumayo si Vance, huminga muna ng malalim at pinagpag ang suot, alam ko na ang kasunod netong sasabihin.
"I—!" Pabagsak kong hinulog ang hawak kong ballpen dahilan para lumingon silang lahat sa'kin.

Ginawa ko lang yon para hindi niya sabihin ang "I don't know, ma'am." Ang sagot sa tanong ni ma'am ay "I" kaya naman pinutol ko agad ang sasabihin niya para tumamla ang sagot niya.

Ang galing ko diba? Kawawa lang 'tong ballpen ko dahil sumobra yata ang pwersa ng pagkakahulog kaya wasak.

"Good, the shortest, oldest "I". Medieval manuscripts reveal that some of the oldest words in English are “I,” “we,” “two,” and “three.” This makes “I” one of the shortest and oldest words in the English language." Sabi ni ma'am.

Umupo si Vance tsaka bumulong. "Ang galing mo do'n."

"Sira." Tsaka ako natawa.

"Mr. Marquez." Tawag ni ma'am kay Asher . "What is the original name for butterfly?"

"The original name for butterfly was flutterby." Kompletong sagot ni Asher.
Nagkantyawan naman ang mga gunggong niyang kaibigan.

"Woah, pantastik!"

"Ang galing!"

"Sa'n mo natutunan 'yan?"

"Sana all."

"Wow, kompleto!"

Tsaka sila nagtawanan, pati ako natawa na rin, kamot batok naman si Asher tsaka umupo.

"Okay, this will be your activity, face your seatmate." Utos ni ma'am.

Titingin na sana ako kay Vance kaso ang gago agad na humarap kay Xavier, hindi man lang ako binigyan ng chance para siya na lang ang makasama ko sa activity.

No choice ako ngayon, kay Asher ako haharap, tumingin ako sa kaniya, ang ganda ng pagkakangiti niya, naalala ko na na naman ang nose to nose namin kanina! Aish!

"Okay, asked your classmates about their favorites, hobbies and others. While answering your question,

"Analyze and look  at the tone of their speech and the words they use to answer you to see if it is correct." Tumingin siya sa libro. "You can start."

"Can i ask first?" Asher asked. I nodded. "So... what is your favorite food?after all, you love to eat." Tanong niya.

Parang iba pa ang meaning ng sinabi niya sa huling sentence, you love to eat daw, pero parang sinasabihan niya 'kong matakaw at palakain.

(A/N: Totoo naman.)

Hoy, author! Ang sama ng bunganga mo ah!

"Okay, I love chicken pastel and carbonara." I answered.

"Next is what is your favorite sport?"

"Wala, wala akong hilig sa mga gano'n."

"What did you say?"

Oo nga pala, english pala dapat ang sagot, nakakataas naman ng presyon 'tong lalaki na 'to!

"I mean, no, I have no interest in sports. "

"Last one is, what was the most memorable thing that happened when you were young?" Tanong niya, hindi agad ako nakasagot.

Inaalala ko ang mga nangyari noong bata ako, yung mga kalaro ko, mga kaklase ko, yung mga kaibigan ko noon, pero wala akong maalala, o wala lang talaga akong kaibigan noong bata ako. Sumakit bigla ang ulo ko dahil sa pag iisip.

Lagi na lang sumasakit ang ulo ko kapag pilit na inaalala ko ang mga nangyari sa akin noon, puro lang linawag ang nakikita ko, ni anino ay wala akong maalala.

"Are you okay?"

"Yeah, sa park, doon ang pinaka memorable na nangyari noong bata ako." Pagsisinungaling ko.

"Okay." He nodded.

"I'll be the one to ask, who's your favorite person except from your family?" Tanong ko, natigilan naman siya.

"Kayden, he's my long time bestfriend."

"Hobby?"

"Filming or capturing moments, I tend to take pictures around." Malalim na sagot niya.

"Lastly, who's your first love?" I asked.
Hindi siya sumagot, natututop ang bibig niya, kumibot-kibot ang labi niya, na parang may gustong sabihin pero walang lumabas kahit na anong salita ang lumabas.

Umiwas siya ng tingin tsaka bumulong, hindi ko narinig dahil sa sobrang hina no'n, tumingin ulit siya sa 'kin tsaka ngumisi. Naiinis naman ako, baka kung anong binulong niya na tungkol sa'kin!

"What?" Tanong niya.

"Ano yung binulong mo?"

Ngumisi pa siya lalo. "Nothing."

"Ano nga?!"

"Wala."

Naiinis na 'ko kaya inambahan ko siya ng suntok pero bago pa 'yon ay may sumigaw na.

"MS. SYLVIA!" Tinig ni ma'am.

Lumingon ako sa kaniya, ang sama ng tingin niya sa'kin, dumapo ang paningin niya sa kamao ko tsaka niya ako pinaninkitan ng mata, binaba ko na lang ang kamao ko.

Bumuntong hininga siya, "come here in front." Utos niya.

"P-po?"

"Pumunta ka dito sa harap." Utos niya ulit. Bumaling siya sa iba. "Your time is up, tumingin na kayo sa harap."

Lumakad ako papuntang harapan, nakatingin sila lahat sa'kin, ang iba ay naiiling.

"What you did before was a violation, I will now ignore what you did as long as you read them." Turo niya sa mga nakasulat sa board. Lumapit siya sa'kin. "Read them FAST and CORRECTLY." Pagdidiin niya sa mismong mukha ko, napaatras na lang ako at napapalunok.

Tumingin ako sa board at tinignan ang mga nakasulat, ang hahaba, nakakalito, ang hirap basahin!

"Go!"

"Number one." Tumingin ako sa nakasulat na 'Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis' "Nyumonol—!" Hindi ko na natuloy ang binabasa ko ng mandilim ang paningin ko at bumagsak na lang ako sa sahig.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora