"No." Sagot ko.

"Stop following us, baka mapahamak ka lang." Sabi ni Adriel, parang may mas malalim pang kahulugan ang sinabi niya.

Naglakad sila papalayo, naiwan akong nakatulala at nakatayo, pinagmamasdan ang mga hakbang nila, nung hindi pa 'ko gumagalaw sa kinatatayuan ko ay tsaka bumalik si Vance sa pwesto ko at hinila ako sunod sa mga kasama niya.

Hilig mo talagang manghila eh 'no?

"Bakit ba kasi sinundan mo kami?" Bulong niya tsaka sumulyap sa harapan, mukhang hindi naman nila narinig dahil may pinag uusapan silang hindi ko maintindihan.

"Nakita ko lang kasi kayo, malay ko bang dito ang punta niyo." Nakasimangot na sagot ko, totoo ang sagot ko sa kaniya, hindi ko naman talaga alam na gan'tong lugar ang pupuntahan nila at gano'ng laro ang haharapin nila.

"Dapat hindi ka na lang sumunod."

"Bakit?"

"Delikado."

"Sa'n?"

"Dito. Sa mga tao, baka kung anong gawin nila sa'yo kapag nakita ka nila."

"Ah, siyempre naman makikita nila ako, may mata sila eh." Sarkastikong sabi ko.

"Ang ayos mo talagang kausap 'no?" Parang naiinis na sabi niya, napakamot pa siya sa ulo niya.

Stress much?

"Biro lang." Bawi ko.

"So..."

"Anong so?"

"So, nakita mo kung gaano ako kagaling sa laban?" Pagmamayabang niya, pinasadahan pa niya ng palad ang buhok.

"Sakto lang."

"Psh." Singhal niya kaya natawa lang ako sa kaniya.

Hindi ko naman kasi siya masyadong napanood kanina, nung tignan ko sila ay halos nanghihingalo na ang mga kalaban niya, iilan na lang ang nakatayo, bagsak na ang karamihan, kaya hindi ko masabing magaling siya, so.. sakto lang hehehehehehe.

Bumalik kami sa parking lot. Kinuha ko ang bike ko tsaka umuwi na parang walang nangyari. Na parang walang nakita, napanood na labanan, at walang nang narinig na kahit ano man.

Nahiga ako sa kama, tapos na lahat ng  dapat kong gawin, nag usap lang kami ni mommy at dating gawi na lang. Naalala ko na na naman ang mga ginawa ng Dark 13 kuno kanina.

Ang galing nila sa laban, sa susunod isali niyo 'ko.

Charot lang.

Baka hindi na 'ko padalhan ng allowance nina daddy at Kio kapag sumali pa 'ko sa gulo.

Ang dami ng kalaban nila kanina pero napatumba nila, siyempre, Heira, malamang sanay na sila, kaya nga gang hindi ba?

Napangiwi ako sa iniisip ko, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

KINABUKASAN

Maaga akong nagising, maagang nagising ang diwa ko pero pakiramdan ko ay ilang minuto pa lang akong tulog, gusto kong matulog ulit dahil maaga pa naman pero ayaw makisama ng mga mata ko.

Wala akong nagawa kundi ang mag ayos na lang at pumasok sa eskwelahan.

English class ang first subject namin, magkakagulo na na naman neto ang mga braincells ko, dudugo na na naman ang ilong ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now