"Let's go." Ani Kayden.
Nakita ko si Aiden na ika-ikang naglalakad, okay na ba 'tong mokong na 'to, para sumabak ulit sa away?
Naglakad sila papalayo, hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili ko na sinusundan sila. Sa likod ng mga kotse ako dumaan para hindi nila ako makita, minsan ay lumilingon sila sa likod mukhang nakakaramdam na may sumusunod sa kanila.
Dala ko ang gamit ko, mahirap na baka mawala kapag iniwan ko sa basket, sayang ang chocolates 'no.
Kahit sa daan ay para akong private agent na sumusunod sa kanila, nagtatago sa mga poste at bahay, minsan ay mukha akong tanga na kunyaring naglalakad papalayo.
Ilang saglit lang ay nakapunta kami sa isang masukal na bakanteng lote, walang masyadong bahay at tao, makikita mo lang ang mga basura, bakal, at mga bato. Sa hula ko ay parang dati itong pinagtayuan ng gusali at dinemolish 'yon kaya gan'to ang itsura ng lugar.
Sa 'di kalayuan ay may nakita akong mga lalaking naka itim, naninigarilyo, malalaki ang katawan at ang tansya ko ay nasa bente katao sila, may hawak na baseball bat ang iba, ang iba naman ay may hawak na tubo.
Isa lang ang masasabi ko sa kanila. Nakakatakot sila.
Nagtago ako sa likod ng isang malaking trashbin, tiniis ko kahit mabaho ang basura dahil eto lang naman ang pwedeng pagtaguan na pinakamalapit sa kanila.
"Buti at dumating na kayo." Sabi nung isang lalaki sa harapan nila Kayden, humithit pa ng isa sa sigaryo tsaka tinapon 'yon, ibinuga niya ang usok sa mismong mukha ni Kaydenat ngumisi.
"What do you want?" Seryosong sabi ni Kayden.
"Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa kami dito." Sabi naman nung isa tsaka sila tumawa.
"Nobody asked." Adriel said boredly.
"Nasa'n ang amo niyo?" Tanong ni Mavi, nakaposisyon na siya na parang nakikipag laban. Handang handa.
"Nagmamadali ka ba bata?" Tanong naman nung isang lalaki.
"Oo!" Sagot ni Mavi.
"Edi mauna kana, pwede ka ng umalis."
Tumawa naman ang iba pang nakaitim, tawang nakakatakot, tawang pandemonyo.
"Laban na kung laban ang dami niyong dada." Sabat ni Maurence.
Anak ng...
May lakad ba ang mga 'to? Bakit hindi muna silang magkwentuhan, mamaya na ang bugbugan maaga pa naman.
"Where's Asmodeus?" Kayden asked.
"Nagpapahinga ang amo namin, panonoorin na lang niya ang laban natin." Sagot nung isang naka itim. Lahat naman sila nakaitim, iisa lang naman ang itsura nila, mukhang adik.
(N/A: Mapanlaiit ka rin eh 'no?)
Huwag kang sasabat author ibabalibag kita.
"Matatalo naman din kayo, madi- disappoint lang ang amo niyo." Sabi ni Adriel.
"Huwag kang papakasiguro bata."
"Let's see." Ngumisi si Adriel.
Akmang susugod na sina Adriel ng iniharang ni Kayden ang braso niya dahilan para mahinto sila.
"Wag, masyado pang maaga para mag enjoy." Sabi niya tsaka bumaling sa mga nakaitim, "anong kailangan ng amo niyo sa'min?" Tanong niya, "pang ilang beses na ba kayo natalo?" Tanong niya ulit tsaka ngumisi.
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Novela JuvenilPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 29
Comenzar desde el principio
