Lahat ng galaw ko ay nagawa ko kahit nasa harapan ang tingin. Yumuko ako ng kaunti para buksan ang chocolate na hawak ko tsaka mabilisang sinubo.

Nag angat ako ng ulo at nagtama ang paningin namin ni Asher, oo nga pala may katabi ako malamang makikita niya ko.

"Gusto mo?" Bulong ko sa kaniya.

"Dinan mu ku ba panga sinabi kung awa?" Sagot niya,

Translation: "Bibigayan mo ba 'ko kapag sinabi 'kong oo?"

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, kahit na anong gawin kong pag intindi ay hindi ko talaga maintindihan ang sinabi niya.

Yung mga braincells ko nagkakagulo na!

Ano bang language yon? Cebuano? Bisaya? Kapampangan? Batangueño? Basta alam kong hindi tagalog dahil hindi ko maintindihan.

"Ha?" Tanong ko. Sandali ko siyang nilingon tsaka tumingin ulit sa harapan, nag didiscuss si miss.

"The Ancient Babylonians had their number system based on number 60." Narinig kong sabi ni Miss Margaux.

"I mean, yes, I want that." Turo niya sa hawak kong chocolates, nakababa ang kamay kong may hawak sa plastic, nakatago para hindi mahalata.

Binigyan ko rin siya ng lima.

"Thank you." Aniya saka ngumiti.

Pagkatapos no'n ay itinago ko na, baka maubos pa kawawa naman ako.

Natapos ang klase sa math sunod ay history, mabilis lang naman ang naging takbo ng oras kaya hindi ko namalayang lunch break na.

Pumunta kami ng canteen, sabay-sabay kaming kumain, nagkwentuhan lang naman kami tungkol sa mga activities sa school gaya ng...

"May foundation day din dito." Ani Trina.

"May Buwan ng wika rin." Singit ni Alzhane.

"Maraming activities na ginaganap dito, kaya wag na kayong magtaka." Sabi ni Hanna.

Siyempre hindi pwedeng mawala ang kakulitan at kaingayan ni Kenji at Trina. Pagkatapos kumain ay dumeretso kami sa mga lockers namin, nagpalit ng gamit.

Nag umpisa ang pang hapon naming klase, wala namang nangyaring kakaiba, gaya ng dati lang, walang nagbago.

Nag quiz kami sa last subject, ang mga katabi ko ay walang ginawa kundi ang kwentuhan na lang, si Asher naman ay tahimik lang kaya tinulungan ko na lang siya sa pagsagot.

Lumipas ang oras at dismissal na, gaya ng dati ay nagpaalaman na lang kami tsaka umuwi na.

Nasa parking lot ako ngayon, tatanggalin ko na sana ang lock ng bike ko ng makita ko sina Kayden at yung iba pa, kumpleto sila. Naglalakad sila papalapit kaya nagtago ako sa likod ng isang sasakyan, hindi ko rin alam kung bakit ako nagtago.

Huminto sila sa isang sasakyan, ang alam ko ay kay Maurence 'yon, luminga muna sila bago magsalita.

Napatingin tuloy ako sa paligid, wala ng masyadong estudyante, mukhang nakauwi na sila.

"Shall we walk?" Tanong ni Maurence.

Kahit nakasilip lang naman ako ay nakikita ko silang lahat, malapit lang sila kaya naririnig ko rin sila.

“Yeah, the place is just nearby, it’s just a waste of gas if we use car." Sagot ni Elijah.

"Baka sirain pati ang kotse kapag nagkataon." Sabi ni Adriel.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now