"Mr. Tanaka, stand up, please." Nakangiting tawag ni miss.
Mukhang good mood siya ngayon, kapag kasi bad mood siya pati kami nadadamay sa katarayan niya.
Tumayo si Kenji, "yes ma'am?" He asked.
"Which number is the first prime number?"
Wala akong nabasang gano'n na question sa libro o baka naman nalagpasan ko lang ang tungkol sa tanong niya.
"Oh, that's an easy one, it's number one!" Masayang sagot ni Kenji.
Mula kaninang pumayag si Hanna sa alok niyang maging kapartner niya siya sa acquittance party ay hindi na maalis sa mukha niya ang ngiti, abot tenga ang ngiti ng loko.
"Sorry, wrong number." Sabi ni miss.
Hindi pa naman namin napag aralan ang nga itinatanong niya, parang practice pa lang.
"Huh? I have always thought that 1 is the first prime number..." Takang tanong ni Kenji, tumingin pa sa kisame, nag iisip.
"The answer is two..." Sinenyasan niyang umupo na si Kenji na hanggang ngayon ay nagtataka dahil sa mali ang sagot niya. "In the fields of real analysis and discrete mathematics, a prime number is defined as a number that is greater than 1 and has no positive divisors other than 1 and the number itself. So, by this definition, 1 is not a prime number. The divisors of 2 are 1 and 2. So 2 fits the description of a prime number. The next number, 3, also fits the criteria and hence, is also a prime number. The divisors of the next number, 4, are 1, 2, and 4. Using the definition given, 4 is not a prime number. It is a composite number from the fact that 4 = 2 x 2." Paliwanag niya, napa 'ahh' na lang si Kenji.
Nakinig na lang kami sa mga sumunod niyang pinaliwanag, minsan ay nagtatanong siya, tama man o mali ang sagot, ipapaliwanag niya pa rin. Kaya interesting ang klase niya.
Tahimik lang akong nakikinig ng may maramdaman akong kumakalbit sa balikat ko, hindi ko na pinansin.
Ilang minuto lang ay may kumalbit ulit. Kaya nilingon ko ang katabi kong nag papacute.
"Bakit?" Bulong ko.
"May chocolates ka?" Tanong ni Vance.
May baon akong mga chocolates sa bag, hindi naman nawawala ang mga 'yon sa bag ko, laging may laman, minsan lang wala kapag walang stock sa bahay.
Nakasanayan ko na kasing magbaon ng chocolates, kahit candy pa 'yan basta chocolates. Nakakapag isip kasi ako ng maayos kapag nakakain ako ng chocolates.
Trivia: "Eating chocolate or drinking hot chocolate improved attention span and reaction time. It was especially found to be helpful when studying math. Chocolate improves focus and memory. With a small dose of caffeine, chocolate can improve concentration without pumping up your adrenaline."
"Bakit?" Tanong ko pero nasa harapan ang tingin ko.
"Penge." Bulong niya.
"Ayoko nga."
"Damot."
Pasimple kong binuksan ang bag ko at kinuha doon ang isang plastic ng maliliit na chocolates, gusto ko rin namang kumain kaya dapat pumuslit.
Dahan-dahan kong binuksan ang plastic, ingat na ingat na hindi gumawa ng tunog. Para naman akong magnanakaw neto.
Nung nabuksan ko na sa wakas ay kumuha ako ng lima no'n tsaka pasimpleng inabot kay Vance, ayoko siyang lingunin baka mahuli kami ni miss.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 29
Start from the beginning
