"Hintayin mo 'ko hoy!" Sigaw niya at naramdaman ko ang pagsunod niya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko, para na rin pakalmahin ang sistema ko.

Hindi na lang ako nagsalita at baka mautal pa 'ko. Nakarating kami sa room, umupo ako bangko ko tsaka ilang minutong dumukmo sa arm rest.

Nung napahinga ko na ang utak ko ay tsaka ako nag angat ng ulo at tingin, nagtama ang paningin namin ni Kayden, nginitian ko naman siya kahit plastic lang pero siya, sumama ang tingin niya.

"Isha dito!" Tawag ni Eiya, sumenyas pang lumapit ako sa kaniya.

Lamya-lamya naman akong lumapit sa kanila.

"Alam mo ba..." Bungad ni Trina.

"Hindi pa." I said boredly.

Tinignan ko silang lahat, mukha silang excited, masaya, at may galak. Abot tenga kasi ang ngiti nila, nagliliwanag pa ang mata.

"May Acquittance party tayo!" Hyper na sabi ni Trina, tumalon talon pa na akala mo ay nasa party.

"Kelan daw?" Tanong ko.

"Hindi pa sure kung kelan ang exact date pero alam ko next week na."

"Kailangan na'tin niyan ng kapartner." Ani Hanna.

"Ako! Ako ang kapartner mo, Hannamiloves." Pagtataas kamay ni Kenji.

"Oo ba hihihi." Namumula pang sabi ni Hanna.

"Oh, kayo sino kapartner niyo?" Tanong ni Alzhane.

"Hindi ko pa alam." Sagot ni Eiya.

"Kailangan pa ng gano'n?" Tanong ko.

"Duh, malamang kailangan 'yon, taong bundok ka ba?" Nakangiwing tanong ni Trina.

Sumimangot na lang ako, wala akong ideya tungkol sa mga party party na 'yan mas gusto ko pang matulog at kumain sa bahay.

"Aattend ka?" Tanong ni Eiya.

"Malay ko." Nagkibit balikat ako.

"First time na'tin 'to oh, walang gano'n sa Sta. Luiciana kaya dapat na umattend tayo!" Masayang sabi ni Eiya.

"Kasali ba tayo do'n?" Tanong ko, ngumiwi pa 'ko dahil alam kong halos hindi na belong ang 23rd Section sa university na 'to.

"Oo naman!" Sagot ni Hanna.

"Malamang!" Sagot ni Kenji.

"I think so." Ani Alzhane.

"Syempre!" Sabi ni Trina.

"Ang sabi kasi sa narinig ko, basura daw ang mga students sa 23rd Section, malay ba natin kung hindi pala tayo kasali sa mga activities." Paliwanag ko.

"Oo nga 'no, gano'n din ang narinig ko, dati nga daw ay hindi talaga kasali ang section na 'to, parang saling pusa gano'n." Dagdag ni Eiya.

"Oh, edi hintayin na lang natin ang announcement ng dean, malay mo naman maawa sila at isali tayo." Puno ng pag asang ani Hanna.

"Sana—!"

KRRRRRING! KRRRRING!

Tunog ng bell, first class na, hindi ko naman namalayan ang oras, tumingin ako sa schedule at nabasa kong Math ang subject namin. Pahirapan na na naman neto.

"Good morning, class." Bungad ni Miss Margaux.

"Good morning, Miss Margaux." Bati naming lahat tsaka umupo na.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now