"Let's go!" Sabi ni Vance tsaka niya ako hinila, hindi na alintana ang amoy ko.
Pumunta kaming cr. Hanggang sa pinto lang siya. "Clean yourself." Utos niya.
Lumapit ako sink at doon ko inalis 'tong burak na 'to sa ulo ko, may sabon naman sa cr kaya 'yon na lang ang ginamit ko, umaasang mawawala yung amoy.
Tatlong beses kong inulit 'yon hanggang sa wala na akong maamoy na mabaho.
Pagkatapos no'n hinayaan ko na lang ang buhok kong basa, ramdam ko pa ang tubig na tumutulo sa mukha at likod ko.
"Okay na!" Nagthumbs up pa 'ko pagkalabas ko ng pinto.
"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya.
"Oo naman, malas lang kasi late ka dumating."
"Sorry, nautusan kasi ako nung isang teacher kaya nagtagal ako."
"Ah!" Tumango ako. "Akala ko kasi pati pantog mo inilabas mo na sa banyo."
"Sorry, hindi ko kasi alam na gano'n."
"Bwisit talaga ang mga 'yon eh." Inis na sabi ko.
"Oo nga, sinabi mo pa!"
"Napakaano, mukha namang clown."
"Sobrang kapal ng muk— make up nila!"
"Ang dami nilang abubot sa buhok—!
"Mukha namang tinapa."
Natawa na lang kaming dalawa, hindi ko inaasahang makakapagloko pa kami matapos nung nangyari.
"Tara na?" Aya ko sa kaniya, inilahad ko pa sa kaniya ang kamay ko.
Kumunot naman ang noo niya, mukhang nagtataka. " Saan?"
"Papasok na, may klase pa tayo."
"Wala na."
"Ha?"
"Yung mga teachers na nakatoka sa'tin ngayon nasa seminar."
Kanina meeting tapos ngayon seminar.
Pero...
YESSSS!
Sino bang hindi matutuwa kapag walang pasok o kaya free time. Nagdidiwang ang laman loob ko, pati mga dragona ko sa tyan nagkakgulo, gutom na 'ko eh.
"Pwede na raw bang umuwi?" Tanong ko.
"After 15 minutes, saktong 11 A.M pwede nang umuwi." Tumango siya.
"Pa'no mo nalaman yan?" I asked.
"Kanina nga kasi inutusan ako nung isang teacher 'diba?"
"Oh, tapos?"
"Lumapit sa'kin 'nun yung chicks— I mean yung head teacher."
"Anong sabe?" Sabi ko habang tinitignan ang mga kuko ko.
Ang haba, need ko na ng nail cutter.
"Ang sabi niya 'Mr. Vergara, tutal nandito ka na rin, ikaw na ang magsabi sa mga classmates mo na walang teacher na papasok ngayon sa inyo, some are in meetings and others are in seminars, you can go home exactly 11:00 A.M'." Pangagaya niya sa tono ng pananalita nung nakausap niya.
Napatawa naman ako dahil sa ginawa niya, yung pagpitik ng daliri niya, yung facial expression niya tsaka yung boses niya, pinipilit niyang maging babae.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 28
Start from the beginning
