"Bitawan mo nga ako!" Sabi ko, king'na ang sakit.
"Hey, there girl." Nakangising sabi ni Madison- yung reyna ng mga bubuyog, habang hawak pa rin ang buhok ko.
"Nag-iisa ka yata?" Tanong ni Porpol.
Nakita mo bang may kasama ako?
"Makinis, pre." Sabat naman nung isang lalaki.
"Oh, bakit ka nandito?" Mataray na tanong ni Shikainah.
"Wala ka na na naman kasama, you belong to the group of trash, dapat isinama mo sila." Kunyaring naawang sabi ni Clown 1.
"Go, boys, hit her!" Utos ni Madison.
Hit? Her? Ako?
Lumapit ang isang lalaki sa 'kin tsaka ako siniko sa likod. Napaubo ako dahil do'n! Ang sakit. Hawak pa rin ni Madison ang buhok ko.
"Bakit pa kasi lumalabas ka pa eh." Pairap na sabi ni Shikainah.
Mali ka ng sinalihang kaibigan.
"Oh, does it hurt?" Nang aasar na sabi ni Clown 2.
"Ikaw kaya sikuhin ko?" Sarcastic na sabi ko.
Sumusobra na sila. Inaano ko ba ang mga 'to? Nag recruit pa sila ng mga kasama ha.
"Bitawan niyo ko, mukha kayong clown!" Sabi ko.
Umusok naman agad ang mga ilong nila isama mo na pati tenga. Humigpit pa lalo ang pagkakasabunot nila sa'kin.
"How dare you!" Sabi ni Queen Bobowyowg, the leader.
"Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa'min yan!" Turo sa'kin ni Porpol- si Violet.
"Oo, singkapal ng sa'yo." Sagot ko.
"Bawiin mo ang sinabi mo!" Napapadyak pang sabi nung isa.
"Wala ka talagang kadala-dala 'no?" Tanong ni Shikainah.
So alam niya ang mga kagagahan ng mga 'to?
"Isang beses lang naman kitang nabuhusan ah, abusado kana!" Sabi ko sa reyna, pilit na inaalis ang kamay niya.
"I was talking to you before but you turned your back on me, you bastard!" Sagot niya.
"Tapos ikaw, puro ka aligid kay Lucas ko!" Sabi ni Porpol.
"Kaklase ko siya malamang!"
"Pati sa ex mo umaaligid siya." Pagbibintang ni clown 1, na kay Shikainah ang tingin.
Sumama naman ang tingin niya sa'kin, pero nawala rin yon agad at nag iwas siya ng tingin.
Sinong ex?
"Woi! Makapagbintang ka d'yan!" Sigaw ko.
Napansin ko lang, ang tagal namang nag cr ni Vance. Inilabas niya na ba lahat ng urine sa banyo? Pati yata dugo niya inubos niya na.
"Eh kayo!" Turo ko sa mga lalaki. Tuwang tuwa pa dahil sa paghihirap ko dito. "Anong kailangan niyo sa'kin?"
Napatingala ako ng hablutin pababa ni Madison ang buhok ko, pasalamat siya nagtitimpi ako, kung hindi nabalibag na 'to.
"Stupid! Malamang kasama namin sila." Sagot ni Shikainah. Pilit kong binaba ang tingin ko para matignan ko sila.
"Utos lang." Nakangising sabi nung isang lalaki. May hawak pang dos por dos.
Napalunok ako, lumabas na sa noo ko ang butil-butil na pawis ko. Kinakabahan ako.
Lord, 'wag naman sana.
Masakit 'yon!
"Mukhang may atraso ka rin sa mga 'to..." Anong ibig niyang sabihin? "...bukod sa kaibigan ko." Nakangising dagdag nung lalaki.
Tumawa naman silang lahat, parang mga demonyo tsaka witch. Pati pagtawa napakaarte nila.
"You look nervous." Bulong ni Madison.
"Do what needs to be done." Sabi ni Shikainah.
"Okay, as your wish." Nag bow pa yung isa pang lalaki kay Shikainah tsaka naglakad palayo.
"Alam mo bang ako ang unang first love ni Lucas?" Tanong ni Porpol, iniikot ikot pa ang buhok.
Una tapos first, gaga rin 'to eh.
"Ah, hindi eh, hindi ako interesado." Sagot ko.
"Kung makasagot ka ng gan'yan, akala mo naman maganda ka!" Pairap na sabi ni alipores na clown 1.
Anong connect no'n, dai?
"Sagot!" Gatong nung isa.
Mukha silang dragona na bumubuga ng apoy.
"Oo maganda ako."
"Mas maganda—!"
"Hindi ko tinatanong."
"Hmmp! Grrr!" Kulang na lang lamutakin niya ang mukha ko sa inis niya.
Umirap na lang ako, napansin yata ni lidet yon.
"You, bastard! Don't you dare to roll your eyes at me!"
"Bitawan mo nga ako!"
"Wait!" Sabat nung isang alipores, lumapit siya sa 'kin tsaka niya pinitik ang noo ko.
'Yun na 'yon? Nakaka- suspense grabe!
Akala ko naman anong gagawin niya, akala ko sasampalin niya ko. Maling akala pala.
"Ang ingay mo eh, patikim pa lang yan." Sabi niya.
Patikim ampots, hahaha.
Dumating yung lalaking umalis kanina, may dalang timba na itim, pati laman itim. Ang baho!
"You, hold her. " Sabi ni Queen Bobowyowg do'n sa isang lalaki.
Lumapit naman ang isang lalaki sa 'kin, tsaka mahigpit na hinawakan ang mga braso ko.
"Wait for my signal." Sabi niya naman sa may hawak na timba.
Parang alam ko na ang mangyayari sa'kin, wag naman oh! Ang baho no'n. Luminga linga ako sa paligid, umaasang may makakakita sa'min at iligtas ako.
Waaa! Iligtas? Superhero gano'n?
"Hindi pa break time kaya walang makakakita sa'yo kapag binuhos na'min this thing sa'yo. Huwag kang kabahan." Pagmamataray ni Shikainah.
"Inaasahan mo bang makikita ka nung mga kaklase mong basura?" Tanong ni Porpol.
Makabasura naman 'to!
"Leader nga nila galit sa'yo, tapos aasahan mong pupuntahan ka nila? In your dreams." Parang witch na tawa ni alipores na clown 3.
Kapag nabuhos sa'kin, patay na! Wala akong pamalit, alangan maligo ako dito sa university!
Sumenyas si Madison na siyang hudyat ng katapusan ko, biro lang, hudyat 'yon na— Eeeeiiikkkk!
"HEIRA!" Sigaw ng kung sino.
Pero bago pa 'yon ay naramdaman ko na sa mukha 'ko ang tubig na tinapon nila sa 'kin.
Ang baho!
DU LIEST GERADE
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
JugendliteraturPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 27
Beginne am Anfang
